Napasukan ni Nana Edna si Landa na naglalagay ng mga gamit sa Travelling Bag."Uh, Hija.. Aalis ka?"
napalingon si Landa sa matanda.
"Oho, Nana Edna. Ilang taon narin.. Kailangan ko ng harapin ang aking anak na iniwan ko sa aking kapatid sa Hacienda Del Rio.""Pero Hija.. Handa kana bang harapin sila? Ang mga taong dahilan ng pag-alis mo sa lugar na iyon?"
Napabuntong hininga si Landa.
Lang taon na ba? Almost 18 years na ang nakakaraan..,
===FLASH BACK===
mula ng isilang nya ang kanilang anak ni Marshall Del Rio matapos sya nitong talikuran at nagpakasal kay Madeline, ang anak ng kaibigan ng Ama nitong Si Don Ramon.
Nagawa nyang iwan ang kanyang anak na bagong silang sa kanuyang kapatid na si Edgar para makipag sapalaran sa maynila at dito namasukan syang katulong. Sa simula ay ok ang lahat naga2wa pa nyang magpadala ng pera sa kapatid subalit di naglaon ay ginipit sila ng kanilang amo at di pinasahod ng ilang buwan, kasabay noon ay halos di rin sila pakainin.. Naglayas sya para maghanap ng ibang mapapasukan.
Tiniis nya ang gutom sa mga pagkakataong wala syang makain dahil walang-wala syang pera.
Naranasan nyang magbinta ng candy at sigarlyo sa lansangan para lang may pantawid gutom.At minsan isang araw habang nagtitinda sya ng candy sa lansangan, natanawan nya ang matandang lalaki na walang pakundangang tumawid ng kalsada ng hindi napansin ang rumaragasang sasakyang parating.
Wala sa loob na naihagis nya ang kanyang paninda kahit pa nagkalat ang lahat ng yon sa kalsada. mabilis nyang tinakbo ang matanda.
Naitulak nya palayo sa nagbabantang kamatayan ang matanda subalit kapalit naman noon ay ang kanyang sariling kapahamakan. Sya ang nabundol ng sasakyan at agad2 na nawalan sya ng malay.Nang magising sya ay nasa isang magarang silid sya ng isang Hospital.
"Hija.. Kumusta ka?"
"s-sino kayo? Nasaan ako?"
"Nabundol ka ng isang humaharurot na sasakyan ng iligtas mo ang lolo ko." sabi ng may edad naring babae subalit bakas parin ang kagandahan nito marahil dahil sa ito ay mayaman kaya napapangalagaan ang kutis nito."
nagawi ang tingin nya sa matandang nakayuko lamang sa isang tabi habang hawak2 ang sungkod nito.
"Sya si Lolo Martin. Dahil sa katandaan kaya medjo hindi na nya alam ang kanyang ginagawa. Ako si Andrea ang nag-iisa nyang apo. Meron syang bantay ngunit nalingat ito kaya di namin namalayan na nakalayo na sa amin si Lolo." mahabang sabi nito.
Pinilit nyang tumayo subalit agad naman syang napahiga uli at napahawak sa kanyang ulo.
"Wait! I'll call the Doctor.." agad itong tumalikod at lumabas.
Nag-angat ng tingin sa kanya ang matanda at nguniti kaya gumanti sya rito ng isnag tipid na ngiti.
Lumapit ito sa tabi ng kanyang kama."Hija, anong pangalan mo?"
"L-Loida po. Loida Mendez."
"Sabihin mo hija kung paano ko masusuklian ang ginawa mong pag ligtas sa aking buhay." sinserong turan nito.
"Naku! N-Naku.. Hindi po. Kahit naman kanino ay gagawin ko iyon, ang mahalaga ay makatulong ng di naghahangad ng kapalit. Mahirap lang po ako pero may pride naman akong tao."
"Napakabuti mo hija.. Iilan nalang ang tulad mo."
Pumasok si Andrea kasama ang doktor kaya inalalayan muna nito ang matanda para bigyan daan ang doktor na masuri si Loida.
Ilang saglit pa..
BINABASA MO ANG
Hacienda Del Rio Present: Basta"t Ikawby: Tonyang
Roman d'amourHACIENDA DEL RIO present.. ''BASTA'T IKAW'' Written by: Tonyang