SA wakas, nabili na lahat ng Don ang mga gamit na kailangan ni Ashley sa bago nitong Unit sa loob ng dalawang araw.
At hanggang ngayon ay di parin makapaniwala si Ashley sa mga nangyayari sa kanya.
Para sa kanya ay subra2 na itong mga ibinigay sa kanya ng Matanda pero tuwing sasabihin nya dito yon ay di nito pinapansin ang mga sinasabi nya.
''Hija, sinabi ko naman sayo, Ituring mo ako na para mo ng Lolo.'' sabi nito habang naghahapunan sila.
''Alam mo Ashley, Hayaan mo na ang Don Ramon. Kaya dapat pagbutihin mo ang iyong pag-aaral para masuklian mo lahat ng kanyang kabutihan. Diploma lang ang gusto ng Don.'' Mahabang sabi ni Clyde.
Tumango ang Don tanda ng pag sang-ayon nito.
''Bukas ng Hapon pag nakalipat kana sa Unit mo, saka kami babalik ni Clyde ng Hacienda. Ipapadala ko si Aling Amalia para may makakasama ka rito at may mag-aasikaso sayo rito sa Maynila.'' sabi nito.
"Kayo po ang bahala, Don Ramon..'' tanging nasabi nya rito. Pakiramdam nya pinagkakaisahan sya ng dalawang kaharap.
Nagpatuloy na sila sa pagkain.
Nang matapos na ay sabay2 din silang bumalik sa kani-kanilang mga silid.
Hindi makatulog si ashley ng gabing yon kaya naman naisipan nyang muling bumaba sa Bar ng Hotel.
ISINUOT ni Landa ang kanyang shades at kanina pa nakasunod ang kanyang mga mata sa dalagang mag-isang pumasok sa bar ng Hotel. Hindi na naalis ang tingin nya rito hanggang sa maupo ito sa isang sulok at tila malalim ang iniisip.
Ngayon nya ito napagmasdang maigi dahil ng unang maksalubong nya ang mga ito ay agad itong hinila ng binatang kasama nito papasok ng elevator.
Ewan nya kung bakit mula ng araw na iyon ay di na ito maalis sa kanyang isip.
''Kaanu-ano kaya ito ni Don Ramon Del Rio?'' napatiim bagang sya ng maalala ang pangalan ng matanda.
"A-Apo kaya nya ito? A-anak ba ito nina Marshall at Madeline?'' katanungang gumugulo sa kanyang isipan kaya tumayo sya at nag pasyang lapitan ito. Kumuha sya ng dalawang wine sa nadaanan nyang waiter saka tuluyang lumapit sa table ng dalaga.
''Hi!'' nakangiting bati ni Landa ng makalapit sa dalaga.
Bahagya lang itong lumingon sa kanya.
''N-Napansin ko na nag-iisa ka, maari bang maki-share ng table? Nag-iisa rin kasi ako.'' nakangiti parin na sabi nya rito. Ganun pa man ay di nya maiwasang magtaka.. May hawig sa kanya ang dalaga, noon. Noon ng simpleng babae lang sya.
''S-Sige 'ho..'' alanganing sgot ni Ashley na nanatiling nakatingin sa mukha ng kaharap.
''By the way.. I'm Landa. Landa Montberg. Pure Pinay, surename ko lang ang foreigner.'' Natatawa pang sabi ni Landa.
BINABASA MO ANG
Hacienda Del Rio Present: Basta"t Ikawby: Tonyang
RomanceHACIENDA DEL RIO present.. ''BASTA'T IKAW'' Written by: Tonyang