HACIENDA DEL RIO present.. ''BASTA'T IKAW'' By:TonyangCHAPTER 24:

6.4K 139 15
                                    

  Mabilis na nakalapit si Ced kay Arthur.
Napasunod dito si Marshall.

;K-Kumusta na po sya?" agad na tanong ng binata dito na ibinababa ang manggas ng long sleeve. Namu2la ang mga mata nito na animo'y galing sa pag-iyak.

"Kailangan namin syang obserbahan sa loob ng 24 hrs." sagot ng Doctor na nakasunod dito.

Pumatak ang luha sa mga mata ng binata kaya napayuko ito sabay talikod saka nag tungo sa Chapel. Sinundan ito ni Ashley.

Samantala,
nagkasukatan ng tingin sina Marshall at Arthur.

"sabihin mo. Hindi ito nagkataon lamang hindi ba?" panimulang sabi ni Marshall.
"Hindi nagkataon na naroon ka sa party. Sabihin mo, sino ka bang talaga? B-bakit ganun nalang ang pag-aalala mo sa anak ko."

Nanatiling tikom ang bibig ni Arthur. Maging si Loida ay napayuko saka tumalikod sa mga ito.
Ayaw nyang makialam. Ayaw nyang pangunahan si Arthur. Alam nya ang katotohanan subalit ayaw nya munang dagdagan ang sakit na nararamdaman ngayon ni Marshall, dahil magin sya ay nahihirapan sa nakikitang paghihirap nito.

"Magsalita ka!!" sigaw ni Marshall na di na nakapag pigil at hinaltak sa kwelyo si Arthur. Nanatiling tikom ang bibig nito.

Dala ng galit ay binigwasan ito ng suntok ni Marshall sa panga. Paupo itong bumagsak pero hindi yon ininda ng lalaki.

Nang akma itong susuntukin uli ni MarshalL ay nagsalita na ito.

"Ako ang kanyang ama!" sigaw ni Arthur.

Nabitin sa ere ang kamao ni Marshall dahil natigilan ito sa narinig. Maging si Loida ay napatingin sa mga ito.

"A-Anong..?"

"Gusto mong malaman ang katotohanan diba? Ito ang totoo. Hindi ikaw ang ama ni Ashanti." sabi nito na tumayo na at inayos ang kwelyo.

Tigagal na napaatras si Marshall sabay iling-iling. Hindi ito makapaniwala.

"H-Hindi.. H-hindi totoo yan.. A-anak ko si Ashanti."

"Patibay lang na di kayo match at kami ang Match dahil ako ang tunay nyang ama."

"Walang hiya ka!!" muli nitong akmang susugurin si Arthur pero pinigil na ito ni Loida sa beywang. Niyakap nya ito ng mahigpit.

"Marshall, stop it! Pls.." umiiyak na pigil nya rito.

Samantala sa Chapel. Napalingon si Ced ng may humawak sa kanyang balikat.

"A-Ashley.." pasimple nitong pinunas ang mga luha.

Naupo si Ashley sa tabi nito at kinabig ito.

"Ok lang. Umiyak ka. H'wag kang mahiya." sabi ng dalaga na hinagod ang likod nito.

"I'm sorry, Ced. Nang dahil sa akin kaya nasa bingit sya ngayon ng kamatayan. Patawarin mo ako. K-kung di dahil sa kanya, ako sana ang naroon ngayon. O baka nga patay na ako ngayon."

"A-Ashley.."

"K-Kinilala nya ako bilang kaibigan at kapatid kaya nagawa nyang itaya ang kanyang sarili para sa akin. Napaka tapang nya, hindi ba?"

tumango-tango si Ced saka ngumiti.

"Kaya nga m-mahal ko sya. Mahal na mahal ko sya."

ngumiti lang si Ashley.
Nagulat si Ashley sa sarili dahil wala syang naramdamang sakit o lungkot sa sinabi nito.

"At sigurado ako na ganun din sya sayo."

umayos ng upo si Ced.

"Mag dasal tayo. Ipagdasal natin sya na agad malampasan ito."

saka pumikit si Ashley at pinagsalikop ang mga palad.

Ilang saglit na nakatitig lang si Ced sa dalaga.

Samantala, dumating na sina Don Ramon at Clyde sa presinto.
Agad napatayo si Macario na sinalubong ang Don. Maging ang mga pulis na naroon agad na bumati sa Don pagkat kilala ito ng Lahat.

"D-Don Ramon.." si Macario.

"Nasaan ang walang hiyang babaing yon? Gusto kong makaharap ang kriminal na yon."

"Dito po tayo, Don Ramon. " sabi ng nakatataas na pulis na nagpati-unang lumakad.

Ilang saglit pa at pumasok sila sa isang pinto.
Agad napatayo si Madeline na hanggang ngayon ay tigmak sa luha ang mga mata habang naka-posas.

"P-Papa.."
sabi nito na agad lumapit kay Don Ramon.
"P-Papa.. Pls Papa tulungan mo ak.. Maawa ka sa akin. Kailangan ako ng anak ko, Papa..."

subalit malakas na sampal ang isinagot sa kanya ng matanda, sinumdan pa ng isa pang sampal.
Tulilig si Madeline na awang ang bibig na napatitig sa matanda habang sapu-sapo ang nasaktang mga pisngi.

"P-Papa..?"

"Walang hiya kang babae ka! Napaka walang hiya mo! Pati anak mo, dinamay mo sa kasakiman mo!"

"H-Hindi papa.." pailing-iling na sabi nito.
"H-Hindi ko sinasadya.. Ang bastarda ang gusto kong patayin h-hindi ang anak ko.. Dapat mamatay ang bastardang iyon.. Papa, Patayin mo sya. H-hindi pwedeng maging kaagaw sya ng anak ko sa kayamanan ng mga Del Rio."
umiiyak habang tumatawa na sabi nito.

Muli itong nasampal ni Don Ramon. Hinila na ito ni Macario.

"Baliw ka ng Babae ka!" Sigaw ng matanda sabay duro sa mukha ni Madeline. "Ang Bastardang tinutukoy mo ay ang aking Apo!" binalingan nito ang pulis.
"Ikulong ninyo ang babaeng yan at hayaang mabulok sa kulungan!" muling sigaw ng matanda saka nag martsa palabas.

"P-Papa!! Pls papa.. H'wag mo akong iwan papa maawa ka.."

pero tuloy2 na itong lumabas kasunod sina Clyde at Macario.

Pilit itong humabol ngunit pinigil ito ng ilang pulis at ipinasok na sa silda.

Sa Hospital,

"Ako ang tunay na ama ni Ashanti at hindi Ikaw." matatag na sabi ni Arthur.

"Sinungaling ka!!"

"Huh! Ayaw mo parin maniwala? Kausapin mo si Madeline. Sya ang tanungin mo. Dahil bago ka dumating sa kanyang buhay, ako ang lalaki sa buhay nya. Kasal nalang ang kulang sa aming dalawa. Pero iba talaga ang nagagawa ng pera hindi ba Marshall Del Rio? Tinalikuran ako ni Madeline dahil wala akong yaman at pinili ka nyang pakasalan dahil sa kayamanan ninyo." puno ng pait na sabi ni Arthur.

Samantala, namu2la sa galit si Marshall sa mga natuklasan.

"A-ang walang hiya.. Matagal na panahon nya akong niloko at pinaniwala na anak ko si Ashanti? H-hanggang kailan nya yon balak ilihim sa amin ng anak ko? Hanggang Kailan!!!" muling pinagsusuntok nito ang Pader.
"Hanggang Kailan!?"
napahagulhol na ito habang padausdos na napaluhod ito paharap sa pader kaya paluhod din itong dinaluhan ni Loida. At habang umiiyak ay niyakap nya ito ng mahigpit.

"P-Patawarin mo ako.. Hindi ko ito ginusto. Mapalad ka parin dahil nakasama mo sya. At kung nahihirapan ka ngayon at Nasasaktan.. Duble ang sakit na nararamdaman ko. Dahil di ako kilala ng anak ko. Buong buhay nya ibang ama ang kinilala nya samantalang ako, hindi ko manlang sya matawag na a-nak." napatingala si Arthur para pigilin ang nagtatangkang pag patak ng kanyang luha.

"G-Ganun pa man, nagpapasalamat ako dahil maayos na lumaki ang anak ko sa poder mo. Yon nga lang nakakalungkot isipin na isang tulad ni Madeline ang kanyang naging Ina. Ang tanga ko kasi minahal ko sya. Naniwala ako sa kanya. Umasa ako na kami hanggang sa huli.. Pero ginamit lang nya ako."

"A-ang anak ko.." tanging nasabi nalang ni Marshall habang patuloy sa pag-Iyak.

Maya2 ay galit itong tumayo. Saka mabibilis ang mga hakbang na umalis.
Maging sina Ashley at Ced ay nagulat ng lampasan lang sila ni Marshall.

"P-Papa..!" habol dito ng dalaga pero parang di sya nito napansin kaya patakbo syang lumapit sa kanyang mama na nagpupunas ng luha.

"M-Mama.. A-anong nagyari? Saan pupunta si Papa..?"

tumalikod nalang si Arthur.

"M-Mama..?"

"H-Hindi ko alam. Ang alam ko lang galit na galit sya.."

"H-ho?"

"A-Alam na nya ang buong katotohanan.. H-Hindi nya anak si Ashanti."

"H'Ho!!??" panabay na reaksyon nina Ashanti at Ced. Kapwa pa nanlaki ang mga mata nito.
Tiningnan ni Loida si Arthur kaya napatingin din dito ang dalawa.

"H-Hindi.. Hindi totoo yan." si Ashanti parin na nakatingin kay Arthur.
"A-ayokong isipin na sya ang A-ama ni Ashanti. M-mama hindi maari. M-Magkapatid kami ni Ashanti. Magkapatid kami!" muling nangilid ang luha ng dalaga.

Niyakap ito ng kanyang mama.

"Y-Yon ang totoo.."

"P-Paano si Papa? M-mama masasaktan si papa.."

samantala tigagal si Ced sa isang tabi. Tila di ma-absurb ng kanyang utak ang narinig na hindi isang Del Rio si Ashanti.


Matapos makapag sampa ng kaso ni Don Ramon laban kay Madeline ay nagbalak na silang bumalik ng Hospital. Sa kanilang paglabas ay syang dating naman ni Marshall na basta nalang nito hininto ang kotse sa harap ng presinto at mabilis na umubis ng sasakyan at tuloy2 na pumasok. Di alintana na nakasalubong nya ang kanyang ama na palabas narin. napasunod lang ang tingin nito sa kanya.

"Don Ramon, si Sir Marshall po." si Clyde na nakasunod din ang tingin sa anak ng amo.

"Tara, sundan natin sya." sabi nito na nauna ng bumalik para sumunod sa anak.

Samantala, dinala si Marshall ng isang pulis na kinaroroonan ni Madeline.

"Madeline Villa Francia.. May isa ka pang dalaw!" sabi ng pulis.
Mabilis na nakalapit ito sa may rehas.

"S-Sin--?'' natigilan ito ng makita ang galit na galit na si Marshall sa likod ng pulis.

"M-Marshall, H-Honey.."
maya ay tawag nya rito ng tuluyan syang makalabas at makaharap ito.

"H-Honey.." yumakap sya sa asawa.
"Pls, ilabas mo ako dito. Gusto kong makita ang anak natin. Marshall, di ko sinasadya. Patawarin mo ako.. Di ko sinasadyang saktan ang ating anak.. P-paki-usap.."

Marahas na kinalas ni Marshall ang pagkakayapos sa kanya ng mga kamay ni Madeline.

"P-Paano mo nagawa ang lahat ng ito sa akin?" tiim bagang na tanong ni Marshall dito.
"Paano mo ako nagawang lokohin sa loob ng mahabang panahon, Madeline!? Bakit mo nagawa sa akin ito?"

Kunot noo na napa-iling iling si Madeline habang tumutulo ang luha.
"M-Marshall..? A-anong.. H-hindi kita ma-maintin--."

"Tama na!!" malakas na sigaw ni Marshall.
Mahagya pang napapiksi si Madeline dahil ngayon lang nya nakitang nagalit ng husto ang asawa sa kanya.

"M-Marshall..?"

"Tama na! Hanggang kailan mo ako gagagohin? Hanggang kailan mo lolokohin ang pamilya ko?! Hanggang Kailang!!" muling sigaw nito.

Napahinto naman sila Don Ramon, ilang hakbang ang layo mula sa dalawang nag-uusap.

"Niloko mo ako.. Pinaniwala mo ako na ako ang ama ni Ashanti, yon pala ay Hindi!"

"A-ano?"

"Mag mamaang-maangan ka pa? Alam ko na ang lahat! Alam ko ng hindi ako ang ama ni Ashanti. Hindi ako ang ama ng anak mo na inakala kong dugo't laman ko yon pala'y sa ibang lalaki!"

tigagal na natigilan si Madeline. Ganun din sina Clyde at Macario. Nagkatinginan pa ang mag-ama.

"Anong sabi mo?" dumagundong ang boses ng doon sa kabuoan ng lugar na yon kaya sabay napalingon sina Madeline at Marshall.

"P-Papa.." mabilis na nakalapit dito si Madeline.

"Papa, h'wag kang maniwala sa kanya. H-hindi yon totoo papa. A-anak namin ni Marshall si Ashanti. Apo mo sya. Isa syang Del Rio papa." tila nagmamaka-awang sabi pa nito.

"P-Papa pls.. Sa akin kayo maniwala."

napatingin ang Don sa Anak.

"Papa, Totoo ang sinasabi ko." sabi naman ni Marshall.
"Dahil kung ako talaga ang ama nya'y paano mo ipapaliwanag na hindi kami magka-match ng anak mo. At ka-match nya ang lalaking nagpakilalang tunay nyang ama. Si Arthur." galit na sabi ni Marshall.

"H-Hindi.. Hindi papa.. Hindi.."

itinulak ito ng Don.
"Napaka walang hiya mo talaga! Sagad hanggang buto yang kasamaan mo. Lubos kong pinagsisisihan kung bakit ikaw ang napili ko para sa anak ko!"

"P-Papa Pls.. Patawarin mo ako.. P-papa.."

"Makinig ka, mabubulok ka rito. Dahil dito ka nararapat, isang salot!" puno ng puot na sabi n Marshall.

"Tinalikuran ko ang babaing Tunay kong mahal para pakasalan ka, pero nagawa mo akong lokohin? Nasaan yang kaluluwa mo ha?"

"M-Marshall pls.. Pls.. Patawarin mo ako. N-natakot ako ng malaman ko na nagdadalang tao ako ng ikasal tayo kaya di ko agad yon sinabi sa iyo. N-Natakot ako na iwan mo ako.."

"Hindi lang ako ang niloko mo.. Kundi pati ang bata! Nilayo mo sya sa tunay nyang ama. At ngayon, nanganganib na baka di pa sya magising sa loob ng 24 hours dahil sa kagagawan mo! Hindi mo manlang naisip ang mararamdaman nya oras na magising sya at malaman nya na hindi kami ang tunay nyang pamilya?"

mabilis na nakalapit si Madeline sa asawa at niyakap ito.
"Pls Marshall.. Honey.."

Malakas itong tinabig ng asawa.

"Maghiwalay na tayo. Nasusuka akong isipin na pinakasalan ko at pinakisamahan ko ng ilang taon ang taong walang budhing katulad mo. Asahan mong mabubulok ka rito kahit pa maubos ang yaman ng mga Del Rio."

yon lang at iniwan na ito ni Marshall.

"M-Marshall.. H'wag mong gawin sa akin ito. Marshall!!!" sigaw nito.

"Ipag dasal mo na magigising pa ang apo ko sa loob ng 24 hours dahil oras na hindi sya magigising, I swear, mapapatay kita!" galit na sabi ni Don Ramon Saka narin ito tumalikod.
Agad na sumunod dito sina Clyde at Macario.



===ITUTULOY   


Hacienda Del Rio Present: Basta"t Ikawby: TonyangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon