Abala si Ashley sa pag pa2ypay ng iniihaw nyang isang buo ng manok sa kanilang bakuran habang nasa loob naman si Edgar at abala sa pagluluto at sabay na inaayos ang kanilang maliit na lamesa na tanging pandalawahang tao lang.
Pawis na pawis na si Ashley dahil sa init ng usok na kahit saan sya pumwesto ay tila sinusundan sya.
''Ay.. Mas amoy inihaw ako kaysa sa iniihaw ko.'' nangingiting sabi nya.
Pinunas nya ng damit ang pawis sa mukha pero dahil may uling ang kamay kaya di nya namalayang nagka-uling din ang kanyang pisngi.
''Hoy Ashley!!''
mabilis napatayo si Ashley ng marinig na may tumatawag sa kanya. Dahil mausok kaya nagpalinga-linga sya habang maluha2 dahil masakit na ang kanyang mata.
''Ashley!'' muli dinig nyang tawag sa kanya.
Sa wakas ay lumihis ang usok sa kanya kaya nakita nya kung sino ang tumatawag sa kanya.
''C-Cedrick!''
excited na napalapit sya sa mga ito.
Sumimangot ito.
''Sira! Ako ito si Clyde!''
''Ay..'' tila nadismaya si Ashley ng malamang hindi iyon si Cedrick.
Napatingin sya sa mga kasama nito.
''Ang Don Ramon nga pala.'' pakilala nito sa matandang hawak2 ang isang kabayo.
''Saka, ang ama ko, si Papa Macario, ang katiwala ng Hacienda.'' dugtong pa ng binatilyo.
Tumango-tango si Ashley. Saglit na nagtama ang kanilang mga mata ng matandang Don.
''Hi po! Ano po't nagawi kayo rito.?'' magiliw na tanong nya sa matanda, ngumiti ito sa kanya.
''Happy Birthday, Ashley!'' magiliw din na bati ng Don sa kanya.
Kaya lalong lumawak ang pagkakangiti nya.
''Wow! Alam nio po na kaarawan ko ngayon?''
''Oo naman. Katunayan, may regalo ako sayo. Ito oh.'' sabi nito na tinapik sa pisngi ang napakagandang kabayo.
Nanlaki ang mga mata ni Ashley at nanatiling nakanga2 sa subrang di makapaniwala sa sinabi nito.
''Hoy! Bibig mo, isara mo baka pasukan ng langaw yan!'' buska ni Clyde dito.
Kaya agad itong napatakip ng bibig.
''Ta-Tlaga po? Para sa akin ang napakagandang kabayong yan?'' di parin makapaniwalang tanong nya sa matanda.
Halos sabay2 ang tatlo na tumango2 sa kanya.
BINABASA MO ANG
Hacienda Del Rio Present: Basta"t Ikawby: Tonyang
RomanceHACIENDA DEL RIO present.. ''BASTA'T IKAW'' Written by: Tonyang