Dahil ayaw paawat ni Ashanti sa paglalatigo sa kabayo, Hindi na nakatiis na biglang humarang si Ashley rito at sa kasamaang palad ay tinamaan sya sa balikat.
Napa-upo ang nadagita.
''A-aww! Tama na! Tama na!''
nagulat naman ang lahat sa ginawa nito higit si Don Ramon.
''Umalis ka dyan! Bakit mo ipagtatanggol yan ha? Muntik ang mahulog dahil sa kagagawan ng kabayong yan!'' umiiyak na sigaw ni Ashanti.
''Tama na, Ashanti.! Tumigil ka na!'' sabi ng Don pero hindi parin ito tumigil.
Dumating si Ced sa lugar na iyon. Nang malaman nya kasi ang nangyari ay sumunod agad sya sa mga ito.
Yon ang tagpong naabutan nya.
Sa akmang muling pag hagupit ng latigo ng dalagita ay pumagitna si Ced. Hinarang nya ang sarili kay Ashley na tahimik na humihikbi habang hawak-hawak ang nasaktang balikat.
''S-señorita! Tama na!'' sigaw ni Ced dito.
''Hindi tama yang ginagawa mo!''
galit na binitawan nito ang latigo at tumakbong yumakap sa kanyang lolo.
''Lo-Lolo.. Lolo..'' patuloy ito sa pag-iyak.
Walang nagawa ang Don kundi ang yakapin ito ng matanda at hagurin ang likod.
''Tama na iha. Tama na. Halika na, bumalik na tayo ng Hacienda.''
nagpahinuhod ito sa kanyang lolo.
Napasulyap muna ito kay Ashley bago inalalayan na makasampa ng kabayo si Ashanti.
''Macario, ikaw na ang bahala kay Harmony.'' bilin nito bago umalis sa lugar na iyon.
Agad dinaluhan ni Ced si Ashley.
''O-Ok ka lang ba ha? Nasaktan ka?''
tahimik na tumayo si Ashanti at kinuha kay Clyde si Hercules na ngayon ay hawak2 nito.
''Ihatid na kita?'' mahinang sabi nito sa dalagita.
Hindi na nito hinintay na sumagot si Ashley at inalalayan na nito na makasampa ito sa kabayo saka sumampa din sa sya.
''Papa, Ced. Kayo na ang bahala kay Harmony. Nagkasugat ata.'' bilin ni Clyde.
''Sige, mag-ingat kayo.'' si Macario na ang sumagot at hinila na si Harmony.
Nang sila na lamang dalawa..
''H-Hindi mo dapat ginawa yon, Kita mo nasaktan ka tuloy.'' halos pabulong na sabi ni Clyde kay Ashley.
Hindi ito kumibo, sa halip ay yumuko habang ang isang kamay ay nasa kanyang balikat parin.
BINABASA MO ANG
Hacienda Del Rio Present: Basta"t Ikawby: Tonyang
RomanceHACIENDA DEL RIO present.. ''BASTA'T IKAW'' Written by: Tonyang