Mula ng kaarawan ni Ashley ay naging simula din yon ng kanilang pagkakaibigan ni Clyde.
Tatlong taon ang tanda nito sa kanya kaya naman 'bata' ang tawag nito sa kanya at 'Tanda' naman ang tawag nya rito.
Kung weekend at nasa Hacienda si Clyde ay madalas itong nakatambay sa bahay nila. Masaya siyang kakwentuhan ito at ewan nya kung bakit pag ito ang kasama nya ay di sila nauubusan ng kwento.
Ito narin ang nagtuturo sa kanya mangabayo.
Tulad ngayon. Araw ng Kanyang Graduation sa grade six. Naroon na2man ang Don at si Mang Macario sa bahay nila Ashley.
Nagkaroon kasi ng kunting kainan dahil muli nakuha na2man ni Ashley ang pinakamataas na karangalan. Pero ang inis nya dahil di dumating si Clyde sa kanyang graduation gayong nangako ito na tatapusin ng maaga ang exam para makarating ito pero hanggang ngayon ay wala ito.
Si Edgar naman ay unti2 narin nawawala ang galit sa matanda. Di na nya ito pinapakitaan ng kagaspangan kapag dumadalaw ito sa kanilang kubo.
''Gusto ko nga pala sayong sabihin, Edgar.. Gagawin kitang pangalawang katiwala ng Hacienda.'' masayang sabi ng Don ng silang tatlo nalang nila Macario ang magkakaharap.
''P-pero Don Ramon? Kalabisan na po yata yan.'' atubiling sagot ni Edgar.
''Ano kaba, matagal ko na dapat itong ginawa.''
Napangiti si Macario.
''Kita mo na Edgar. Kaya walang dahila para di mag-aral ang anak mo sa Maynila.''
''Pero.. Kasi..'' si Edgar na ayaw talagang tanggapin ang alok ng Don. ''Baka kung ano ang isipin ng mga kasamahan ko.''
''Hayaan mo sila. At para di sila mag-isip ng kung ano.. Itataas ko lahat ang kanilang kita para mas sipagin pa sila.''
Nagkatinginan sina Macario at Edgar at kapwa nagkangitian.
''T-Totoo po ba yan?'' di makapoaniwala si Edgar. Alam ng lahat kung gaano kalupit si Don Ramon sa mga nasasakupan nito. Ang iba sa kanila ay tumanda na sa Hacienda ng di manlang nakatikim ng taas ng sahod.
Nakangiti lang ang Don.
Samantala, Hila2 ni Ashley si Hercules, ang kabayong regalo sa kanya ng Don.
''Hercules, di tinupad ni Tanda ang promise nya. Di sya dumating. Sabi nya may gift sya sakin...''
natigilan sya ng may bumato sa kanya mula sa kung saan.
''Huh? A-anong...?''
''Bataaaa!!''
Agad nyang hinanap kung saan nagmula ang boses na iyon. Di sya maaring magkamali, boses ni Clyde un.
BINABASA MO ANG
Hacienda Del Rio Present: Basta"t Ikawby: Tonyang
RomanceHACIENDA DEL RIO present.. ''BASTA'T IKAW'' Written by: Tonyang