Chapter One by: Tonyang

12.3K 199 3
                                    

Mas mabilis lumipas ang panahon,

Lumaki si Ashley na si Edgar lang ang kasama.

''Papa, diba graduating na ako sa su2nod na pasukan?'' nakangiting tanong ng 10 yearsold na si Ashley isang umaga habang nag aalmusal silang mag tiyo.

''Oh bakit mo naitanong?''

''Si Mama kaya.. Alam nya kaya yon?''

Natigil sa pag nguya si Edgar at napatingin sa Pamangkin.

''Papa, uuwi na kaya si mama pag graduation ko?''

''Lee, oo naman siguro. Sinabi ko sa kanya sa huling sulat ko na grade six kana sa pasukan kaya alam nya yon.''

''Sana umuwi sya sa Birthday ko 'no Papa? Para naman makita ko na sya ng personal.''

Napalunok si Edgar.

Nasasaktan sya kapag ganitong nangu2lila ang pamangkin sa ina nito. Para na rin nya kasing anak ito. Mula ng mamatay ang kanyang asawa at ang kanilang anak sa sinapu2nan nito ilang taon na sa isang trahedya, inilaan na nya ang buhay nya sa pamangkin na para narin nyang anak.

''Ilang buwan pa bago ang 11th birthday mo, Lee. Hayaan mo at susulat ako muli sa mama mo ha.'' pinasigla nya ang kanyang boses.

''O sya.. Kumain ka pa. Nga pala mamaya gagabihin ako dahil oras na ng anihan ng mga mangga ngayon kaya magiging abala ako. Kumain ka nalang ha, may pagkain akong tinabi dyan para sayo mamaya.''

Namilog ang mata ng dalagita.

''Wow! Mangga. Papa sama ako. Promise magpapakabait ako. Tutulong ako. Papa gusto ko ng mangga ei.''

''Hindi pwede. Bawal ang mga bata doon lalo na at babae.''

''Pls Pls.. Gusto ko makarating sa sintro ng Hacienda. Alam mo papa, naiinggit nga ako sa mga kaklase ko pag pinagkukwentuhan nila ang villa. Napakalaki raw at napakaganda. Parang palasyo. Gusto ko rin yon makita Papa, kahit sa labas lang.''

''A-ano? Lee makinig ka. Bwal ang kahit na sino sa villa lalo na kung tayong mga mahihirap. Siguradong magagalit ang Don Ramon kapag nakita nila tayo roon.''

''M-Masungit si Don Ramon?''

Napatiim bagang si Edgar ng maalala ang matanda pati ang ginawa nito sa kanyang kapatid. Nag tagis ang kanyang mga ngipin.

''P-Papa.. G-Galit po kayo sa Don?'' biglang lumungkot ang boses ni Ashley.

''Sige isasama na kita sa manggahan. Basta hindi ka magpapasaway ha.'' pag-iwas nya sa tanong ng pamangkin.

Nahalinhinan ng kislap ang lungkot sa mata ni Ashley.

''Yeheey!!'' tumayo ito at niyakap ang tiyuhin. ''I love you Papa. Salamat po.'' madamdaming sabi nito.

Napahugot ng malalim na hininga si Edgar saka ngumiti.

''Sige na bilisan mo ang kain dahil pag ako ang nauna matapos, iiwan kita dito.''

Masayang binilisan nga nito ang pagkain.

Tuwang tuwa si Ashley habang nililibot ang tingin sa malawak na manggahan. Mas natuwa sya ng mapagtanto na hindi lang pala mga mangga ang naroon may iba't-ibang uri pa ng prutas.

''Lee, H'wag kang lalayo ha. Mag sisimula na kami.'' paalam ni Edgar sa pamangkin.

Tumango lang ito habang sa mga manggang hitik sa hinog na bunga nakatingin.

Nagsimula syang maglakad-lakad.

Sa Villa.

''Talaga, bukas kayo uuwi dito sa Hacienda?'' Napangiti ang Don sa balitang narinig.

Hacienda Del Rio Present: Basta"t Ikawby: TonyangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon