Maingat na tumayo si Madeline at nagtungo sa Terrace.
"Anong kailangan mo? Bakit ka pa nagbalik!?" kontrolado parin ang boses na sabi nito.
"Relax.. Gusto ko lang naman kumustahin ka at ang ating--"
"Shut up!" pigil nya sa iba pang sasabihin nito. Napasulyap sya sa loob ng kanilang silid.
"Ano pang kailangan mo.? Hindi ka na dapat nagbalik!""H'wag kang mang alala Madeline. Hindi ikaw ang dahilan ng pag balik ko kundi ang aking--"
"Wala ka ng babalikan dito, Arthur. Wala!" saka galit na in-off ang phone. Nanginginig ang mga kamay habang mahigpit ang pagkakahawak doon. Namumula ang mga mata sa nagbabantang pag patak ng luha, Maging ang mga labi ay nanginginig na di mawari kung sa galit o anu pa man.
Palakad-lakad si Madeline sa Terrace.
"A-anong gagawin ko? H-Hindi ito maari.. Marami pa akong problema bakit bigla kang bumalik, Arthur San Andres.. Hindi ako papayag na sirain mo ang mga plano ko!"
muli syang bumalik sa loob at dahan-dahang nahiga sa tabi ng asawa. Yumakap sya rito at isiniksik ang mukha sa likod nito.
Samantala naman, nagulat si Macario ng ipatawag sya ng Don ng napaka-aga. Katunayan ay nagkakape pa lamang sila ni Clyde. At dapat mga ganung oras ay tulog pa ang matanda kaya naman lubos ang kanilang pagtataka ng dumating ang isang maid ng Villa.
"Bakit ka kaya pinapatawag ng Don, Papa?" nagtatakang tanong ni Clyde habang nagkatingin silang mag-ama.
"Ewan nga. M-may nagawa ba tayong kapalpakan? Baka naman hindi maayos ang trabaho mo dahil lagi kau nasa maynila ni Ced?"
"Hindi ah! Alam ni Don Ramon ang pag punta namin sa Maynila. Katunayan utos nya yon."
"Ganon ba? Ano kayang problema?"
"Ang mabuti pa'y pumaroon ka na at tiyak na mahalaga yan. Hindi magpapatawag ang Don ng ganito kaaga ng wala lang." sabi naman ng asawa nito na si Aling Gloria.
Minadali na ni Macario ang pagka2pe at agad na pumaroon sa villa.
Ilang katok ang kanyang ginawa bago binuksan ang pinto ng library kung saan madalas itong naroon.
Nakatingin lang sa kanya ang matanda ng sya ay pumasok."Magandang Umaga, Don Ramon." alanganing bati nya rito na nakaramdam ng kaba dahil sa nakikitang kaseryosohan sa mukha nito.
"Maupo ka, Macario."
Agad syang sumunod.
"M-May problema po ba, Don Ramon?" kinakabahan parin na tanong nya rito. Kahit naman kasi tumanda sya na pinaglilingkuran ito ay di parin maalis-alis ang kaba nya kapag ganito ito kaseryoso."Macario.. Masyado na ako matanda. At nararamdaman ko na hindi na ako magtatagal--."
"Naku Don Ramon, H'wag kayong magsalita ng ganyan. Kalabaw lang ang tumatanda." mabilis na sansala nya sa sinasbi nito.
"Macario, Kailangan ko ng kumilos para itama ang lahat ng mga maling nagawa ko noon." seryoso parin na patuloy nito.
"Hanapin mo si Loida. Loida Mendez, ang kapatid ni Edgar.""H-Ho!?" napakapit ng mahigpit si Macario sa armchair ng kanyang inuupuan na para bang malalaglag sya sa sandaling bumitaw sya roon.
"Narinig mo ako Macario. Sabi ko hanapin mo si Loida. Kung kinakailangang halughugin mo ang buong Maynila gawin mo."
"P-Pero Don Ramon.." bigla syang kinabahan. "Kung nasaan man sya ngayon, may sarili na yong buhay. Tahimik na si Loida. Lumayo sya ayon sa iyong kagustohan."
BINABASA MO ANG
Hacienda Del Rio Present: Basta"t Ikawby: Tonyang
RomanceHACIENDA DEL RIO present.. ''BASTA'T IKAW'' Written by: Tonyang