HACIENDA DEL RIO present.. ''BASTA'T IKAW'' by: TONYANGCHaPTER 9:

6.6K 144 6
                                    


Nagpupuyos sa galit habang palakad2 si Madeline sa kanilang silid mag-asawa.

"H-Hindi.. Hindi maari! Sino ka bang Ashley ka!? Anak ka lang naman ng Trabahador, bakit ganun nalang sayo kabait ni Papa. Hinding hindi ako makakapayag na magtagal ka dito sa Villa. Ano ba ang pinakain mo sa Matanda at nakuha mo ang loob nya. Hindi dapat.. Si Ashanti lang dapat ang pangtuunan nya ng pansin hindi ang kung sinu-sino lang. Dahil ang Villa at Buong Hacienda Del Rio ay para lang sa anak ko." sabi nito.
Napatingin ito sa pintuan ng bumukas yon at pumasok ang asawa nyang si Marshall.

"Honey!" agad na lumapit sa lalaki.
"Honey, Hindi ka dapat pumayag."

"Pumayag na ano?"

"Na dito patitirahin ni Papa ang hampaslupang yon."

"Madeline! Pwede ba, h'wag mo nalang kontarhin ang mga desisyon ni papa? Tama naman sya, sa kanya itong Villa at buong Hacienda kaya patitirahin nya ang sino mang gusto nya."

"Na balang araw ay mapupunta lahat sa anak nating si Ashanti. Hindi mo ba nakikita? Noon pa man malapit na si Papa sa Ashley na yon. Sino ba yon ha?"

"Hindi ko alam. Hindi ko pa nga nakakaharap ang batang yon and I'm serious, gusto ko syang makilala. Dapat nga pasalamatan ko ang Batang yon dahil mula ng makilala sya ni Papa ay nagbago na ito. Hindi lang dito sa Loob ng Villa kundi sa buong nasasakupan ng Hacienda." mahabang sbai ni Marshall dito.

"Hindi ako papayag! Gumawa ka ng paraan, paalisin mo ang babaing yon dito sa Villa. Hindi sya nararapat dito."

"Madeline!" nilampasan nito ang babae pero sumunod parin ito sa kanya.

"Bakit? Hindi mo kaya? Hindi mo kaya dahil alam mong anak yon ni Edgar ha? Ang kapatid ng babaing minahal mo?!" galit ng sigaw nito sa kanya.

"Enough Madeline! Enough for this nonsense conversation!" napataas narin ang boses ni Marshall "Matulog kana!" utos nito saka tuloy2 na pumasok ng banyo.

Lalo lang nag ngitngit ang naiwang si Madeline.

Dahan2 na umalis sa tapat ng pinto ng silid ng kanyang mga magulang si Ashanti. Napabuntong hininga sya saka dahan2ng humakbang.
Saglit syang natigilan sa tapat ng kanyang silid saka napatongin sa guest room na nasa dulo at katabi ng Master's Bedroom, ang silid ng kanyang lolo. Ewan nya kung bakit kusang humakbang ang kanyang mga paa papunta roon saka saglit na tumigil ng naroon na sya sa tapat ng silid na iyon.

Mayroong tatlong guestroom ang Villa. Ang dalawa ay nasa kabilang dulo naman. Ewan nya kung bakit doon sya dinala ng kanyang mga paa.

Dahan2 kumilos ang kanyang mga kamay para pihitin ang doorknob pero sa pagkadismaya nya ay naka lock yon.
Napakunot noo sya.
Dati namang di nilalock ang mga guestroom.

"Hija?"

Nagulat si Ashanti ng marinig ang boses ng kanyang lolo. Kakapanhik lang nito.

"Anong gagawin mo dyan?"

"ah.. Eh.." alanganing humarap sa matanda.

"Hija, yan ang silid ni Ashanti kapag naririto sya sa Villa."

"H-Ho?"

"Hija, sa tingin ko magiging mabuti kayong magkaibigan. Bigyan mo lang sya ng pagkakataon na kilalanin, makikita mo magugustohan mo sya. Mabait sya at matalino. At.."

"sige po lolo. Babalik na ako sa aking silid." hindi na nito hinintay ang sagot ng matanda. Agad2 itong lumakad pabalik sa silid nito.

Napabuntong hininga si Don Ramon.

Hacienda Del Rio Present: Basta"t Ikawby: TonyangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon