HACIENDA DEL RIO present.. ''BASTA'T IKAW'' BY: TONYANGCHAPTER 33:

5.7K 120 2
                                    

Gabi na tumila ang ulan kaya naman gabi na sila nakauwi. Tumawag nalang si Ashley sa ama na di maka2-uwi at bukas nalang sila bibyahe pauwi.


Nag share ang mag kapatid sa silid ni Ashley at sa guest room sina Clyde at Ced.


"Malapit na ang birthday mo, ano bang wish mo?; tanong ni Ashley sa kapatid habang kapwa sila nakahiga at magkaharap sa isa't-isa.

"Simple lang, hindi ko hangad ang magarbong bday celebration kasi nagparty na tayo diba? Isa nalang ang hiling ko at mukhang malabong mangyari yon." bahagyang lumungkot ang mukha ng dalaga.

"Nagagalit ako kay mommy pero diko maiwasang hilingin na sana balang araw tulad mo, mabuo rin ang pamilya ko. May mommy, may daddy. Of course hindi na si Daddy Marshal." pangak na natawa ito. "Si papa Arthur na." dugtong pa ng dalaga.

"Sa tingin ko naman, mangyayari yan."

"Kumusta na ba si Tita Loida? Sana hindi sya galit sa akin."

"Hindi. Dahil sabay kaming nagdarasal noon ng nasa hospital ka. Sabi nya matapang ka raw kaya malalampasan mo ang lahat."

"Hmm nakakatuwa, naalala ko ng minsang ipag tanggol nya ako sa labas ng campus. Ang tapang nyang babae. Doon palang napahanga na ako. Kaya pala likas sayo ang pagiging matulungin dahil nag mana ka sa kanya. Tapos ako, nagmana sa mommy ko na may kasamaan ang ugali. Hahaha"

"Sira! Mabait ka kaya."

"Thank you ha, dahil tinuturing mo parin akong kapatid. Subrang hiyang-hiya ako sayo ng malaman ko na di ako tunay na Del Rio. Hiyang-hiya ako sa mga ginawa sayo ni mommy."

"ssssshh! Kalimutan na natin yon. Ang mahalaga ang ngayon at bukas natin bilang magkapatid."

nagyakap ang dalawa hanggang sa makatulog sila ay kapwa nakadantay ang mga braso sa isa't-isa.

Kinabukasan, maaga palang ay handa ng bumyahe ang talo pabalik ng Hacienda Del Rio.

"Hindi ka muna namin yayayain ngayon na sumama sa Hacienda. Pero sa pagbalik namin dito.. Sa ayaw at sa gusto mo, sasama ka sa amin." sabi ng nangingiting si Ced.

"H-Ha Bakit?

"Basta.." hinalikan nito sa lips ang dalaga.
"Mag-iingat ka dito. Tatawagan kita lagi. S-saka.. Iwasan mo ang lalaking yon." tukoy nito kay Scott.

Matapos nilang magpaalam kay Arthur ay umalis na sila.

Nawala na ang ngiti ni Ashanti ng wala na sa kanyang paningin ang kotse ng mga ito.
Muli, pakiramdam nya'y nag-iisa na2man sya.

"Halika na, alalayan na kitang lumakad."

napatingin sya sa lalaking nakatayo sa kanyang tabi. Di nya namalayang nakalapit na pala sa kanya si Scott.

"Ok lang, Kaya ko na."
pero sa kanyang pag pihit ay napasama ang pag apak nya sa kanyang paang may pilay kaya naman wala sa loob na napahawak sya sa balikat nito na agad naman syang naalalayan.

"Sabi naman kasi sayo ei. Hayaan mo muna akong alalayan ka ngayon at saka muna ako awayin o parusahan pag magaling kana. Dahil handa akong tanggapin ang kaparusahan mo kung yon lang ang paraan para mawala ang galit mo sa akin." seryosong sabi nito saka walang sabi2 na pinangko ang dalaga. Sa pagkabigla ni Ashley ay napahawak sya sa dibdib nito. Saglit na nagtama ang kanilang mga mata.
Di nakatiis na ibinaling ng dalaga ang kanyang paningin sa iba dahil di nya kayang salubungin ang titig nito na pakiramdam nya'y tumatagos sa kanyang kaibuturan.
Bahagya itong tumawa bago nagsimulang humakbang.

Samantala, Naging Bisita sa Villa Del Rio ang mga magulang ni Madeline. Nang malaman ng mga ito ang anngyari sa anak ay agad silang umuwi ng Pilipinas.

Hacienda Del Rio Present: Basta"t Ikawby: TonyangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon