HACIENDA DEL RIO present.. ''BASTA'T IKAW'' by: CHANCICHAPTER 13:

6K 134 6
                                    



Sabay na pumasok sina Ashley at Ashanti. Madalas na itong hintayin ng dalaga sa labas ng Campus na lingid sa kanilang kaalaman, may mga matang sumusunod sa bawat kilos nilang dalawa.

1week ang nakalipas ng muling nagharap sina Landa at ang private investigator na kanyang inupahan.

Inilatag ng imbestigador sa table ni Landa lahat ng photos na nalakap nya at lahat ng info na nakuha nito tungkol kay Ashley Mendez.
Habang patuloy sa pagsasalita ang kaharap ay patuloy na lumuluha si Landa.

"Ma'am, Ok ka lang ba? Gusto mo bang magpatuloy ako o sa ibang araw nalang natin ito ipagpatuloy?" wika ng kanyang kaharap kaya nagpahid sya ng luha.

"I'm sorry.. Sige magpatuloy ka lang." nakayuko na sabi nya para itago ang di mapigil na pag agos ng kanyang mga luha.

Hanggang matapos sa pagsasalita ang kanyang kausap at nagpaalam na ito ay nanatili syang nakatitig sa mga litratong nasa kanyang lamesa.

"A-anak.. Nakatira ka na pala ngayon sa Lolo mo. Kasama ang iyong ama. H'wag kang mag-alala kukunin kita sa kanila. Babawiin kita bago nila malaman na anak kita."

sinalansan na nya ang mga litrato at tumayo na.

Sa Villa Del Rio.

"Malapit na ang 18th Birthday ni Ashley. Gusto ko magkaroon ng malaki at magarbong Celebration dito sa Villa at imbitado ang lahat ng tauhan ng Rancho." Pahayag ni Don Ramon sa Harap nina Madeline at Marshall.

"Kailan ba papa para mapaghandaan natin ng maayos." pag-ayon ni Marshall sa ama.

"Two weeks from now. Kya sa pag uwi nila sa weekend, saka natin ito pag-uusapan. Sa ngayon, kakausapin ko si Clyde para tulungan akong maghanda ng mga kailangan."

"Pero papa, 18 birthday narin ni Ashanti, 3weeks from now." sabad sa usapan ni Madeline.

"Ei di, pagsabayin natin ang kanilang birthday celebration sa araw ng birthday ni Ashley." baliwalang sabi ng Don.

"Ayoko Papa! Ayoko na may kasabay mag 18th Birthday ang anak ko." mabilis na sabi pa ni Madeline.

"Di, hindi. Ano bang problema mo? Isa pa'y mauuna naman talagang mag birthday si Ashley?"

Hindi nalang ito kumibo, napa-ismid na lamang.

Kaya naman ng weekend na umuwi ang mga dalaga ay agad yon pinag-usapan.

"Lolo, Ok naman sa akin na sabay kami mag celebrate ng birthday ni Ashley." nakangiting sabi ni Ashanti.

"Anak! Hindi maari. Ano kaba.. I8th Birthday mo yon at dapat ikaw lang ang special sa araw na yon." apila ni Madeline sa anak.

"Mommy.. 17years akong nagcelebrate ng birthday mag-isa. Gusto ko rin naman maranasan ang may kasabay. Isa pa para ko narin po kapatid itong si Ashley, hindi po ba Lolo? Daddy?"

Napangiti ang dalawa. Napatango2 ang mga ito.

"At least, marunong ang anak mo, Madeline." pasaring ng don na pinisil ang kamay ni Ashanti.
Magiliw na ngumiti dito ang dalaga saka binalingan si Ashley.

"Excited ka na ba sa birthday nating dalawa?"

ngiti lang ang isinagot sa kanya ng dlaga.

"Kung ganun.. Pumili na kayo ng mga escort nyo. At ang 18th dances nyo. H'wag nio akong kakalimutan sa listahan ha.. Malakas pa ang mga tuhod ko kaya ko pang lumaban ng sayawan."
nagtawanan sila bukod kay Madeline na bagama't hawak ang kubyertos ay di naman ginagalaw ang pagkain sa pinggan.

"O, ako ha.. Lalong hindi pwede mawala sa listahan ng prinsesa ko." sabi naman ni Marshall na kinindatan ang anak.
Tumayo si Ashanti at lumapit sa ama saka niyakap ito sa leeg.
"Of course dad!! I love you daddy."

Hacienda Del Rio Present: Basta"t Ikawby: TonyangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon