Nakabalik na ng Villa sina Ashley at Loida para makapag bihis ang dalaga. Hinatid sila ni Ced. Samantala naiwan si Arthur sa Hospital para magbantay sa dalaga na nailipat na sa pribadong silid nito nang dumating sina Marshall, Don Renato, Macario at Clyde.
Agad napatayo si Arthur ng pumasok ang mga ito.
"D-Don Renato.." di malaman nito kung paano kikilos sa harap ng matanda.
"Sinabi na sa akin ng anak ko ang buong katotohanan." panimula ng matanda.
"P-Patawarin mo ako Don Ramon. W-wala akong planong mang gulo. Aaminin ko na inutusan ako ni Madeline na patayin Ang nag ngangalang Ashley, kapalit na ipapakilala nya ako sa aking anak. Hindi ko naman alam na kaya pala nya ito pinapapatay dahil sa ito ang tunay mong apo. Ganun pa man, wala akong balak na sundin si Madeline. Ang gusto ko lang sana ay makita sya." pag tatapat ni Arthur sa mga ito.
"Mag papakuha ako ng DNA Test. Sa akin at sa apo ko. Hindi naman sa di ako naniniwala sayo pero gusto ko parin makasigurado. Buong buhay ng bata ay ako na ang kinilala nyang lolo at si Marshall ang kinilalang ama." mahinahon ng sabi ng Don.
"K-Kung yan ang gusto mo Don Ramon."
"Ganun karin. Gusto ko magpa DNA ka. Ayokong ipag katiwalala kung kani-kanino lang ang apo ko."
"Opo Don Ramon. S-Salamat."
Napalabas nalang si Marshall.
Napasandal sya saka napapikit ng mariin, at tumulo na2man ang kanyang mga luha.Kung kailan abot kamay na nya ang isa nyang anak na si Ashley. Kung kailan pwede na nya itong tawaging 'anak' , mawawala din pala sa kanya ang isa nyang anak.
"A-anong gagawin ko? Ayokong mawala sa akin ang anak ko. A-Ashanti.. Anong gagawin mo pag nalaman mo na di ako ang iyong ama. At nariyan ang tunay mong ama, handa kang kunin sa akin. Sasama kaba sa kanya at iiwan ako? Iiwanan mo ba si Daddy?"
Nagpaalam sina Clyde at Macario na uuwi muna. Habang naglalakad sila palabas ng Hospital ay nakasalubong nila sina Loida, Ashley at Ced.
Napadako ang tingin ni Clyde sa kamay ni Ced na naka-alalay sa dalaga.Ngumiti si Ashley ng makita ang mag-ama pero umiwas ng tingin sa kanya ang binata.
"Nakabalik na pala kayo, kumusta naman? K-Kasama ba ninyo si Marshall?"
"O-Oo Ma'am Loida. Naroon na sila sa silid ni Ashanti." si Macario na ang sumagot dahil nauna ng lumakad ang anak.
"Naku naman Mang Macario. Loida po. Loida lang ang itawag mo sa akin. Ako parin po ito, ang kapatid ni Edgar." nakangiti ng sabi ni Loida sa matandang lalaki.
"Dyahe naman L-Loida.. Ang laki-laki na ng pinagbago mo. Kita mo, doñang Doña ka na uh.." naiilang na sabi ni Macario rito.
"Mang Macario naman, Oh sige na paroroon na kami. Mag iingat po kayo." paalam ni Loida rito.
Tumango na ito saka lumakad na.
Samantala, nakatanaw parin si Ashley kay Clyde na di manlang sya nilingon nito.Pag dating nila sa tapat ng silid ni Ashanti, agad napalapit si Ashley sa ama.
"P-Papa.."
nagmulat ng mata si Marshall at nagpunas ng luha. Saka ngumiti at inilahad ang mga kamay.
"Halika nga. Payakap si Papa sa aking prinsesa."
"Papa!"
agad yumakap dito ang dalaga. Mataman lang nakamasid sina Loida at Ced sa mga ito.
Bumukas ang pinto at lumabas sina Don Ramon at Arthur.
Natigilan ang matanda ng makita si Loida, sunod ay binalingan ang mag-ama na nanatiling magkayakap.
Saka muling lumakad, nanatiling nakasunod dito si Arthur.
BINABASA MO ANG
Hacienda Del Rio Present: Basta"t Ikawby: Tonyang
RomanceHACIENDA DEL RIO present.. ''BASTA'T IKAW'' Written by: Tonyang