HACIENDA DEL RIO present.. ''BASTA'T IKAW'' BY TONYANG Chapter 18

6K 145 13
                                    


NAKATAMBAY si Clyde sa labas ng campus at hinihintay ang paglabas ni Ashley. Isang subject nalang ang exam nito kaya ano mang saglit ay lalabas din agad ito.
Magkasamang dumating sina Ashanti at Ced.

"Ui Clyde! Hinihintay mo si Ashley?"
bungad ni Ced ng makalapit sa pinsan.

"Oo ei." maikli atmalamig na sagot dito ni Clyde.

"Kami rin ei. Sya nga pala.. Pwede bang samahan mo itong si Ashanti may bibilhin kasi sya. Diba Ashanti?" siniko nito ang dalaga na nakayuko at di magawang tumingin kay Clyde.

"Ashanti." ulit ni Ced.

"H-Ha?"

"Diba may bibilhin ka? Pasama ka nalang kay Clyde. Ako na maghihintay kay Ashley at kung sakali man.. Hintayin namin kayo."

napatiim bagang si Clyde.
"Ano ba yon Ashanti?" malamig nyang tanong dito.

"H-Ha ah eh.. W-wala nalang. Ok lang naman.."

"Tssss.. Lika na." lumakad na si Clyde papuntang kotse.

"Ano na.? Sumunod ka na." taboy dito ni Ced.

"Ced naman ei. Ayoko ng ganito."

"Ano bang ayaw mo? Kahit anong sabihin mo dyan, di yan tatanggi."

"Halika na, ano pang hinihintay mo?" tawag ni Clyde sa dalaga.

Napilitan na itong sumunod.

Nakaalis na ang kotse ni Clyde ay nakatanaw parin sa kanila si Ced. Naikuyom nya ng mahigpit ang kanyang kamao.

"Ok lang ako.. Alam ko, Ok lang ako basta masaya ka Ashanti." bulong ni Ced.
"Mahal na mahal kita pero kailangan ko ng tanggapin na kailan man hindi mo ako magagawang mahalin."

Samantala,

"Bumalik na tayo" basag ni Ashanti sa katahimikang namagitan sa kanila ni Clyde.

"Hmm? Akala ko may bibilhin ka?"

"W-Wala. H'wag na. H-hindi ko pa naman kailangan ei."

"Ok. Ikaw ang bahala. Daan lang tayo saglit sa isang convenient store. Bibili lang ako ng kahit na anong malamig. Ikaw, may gusto ka ba?"

"W-Wala. Thanks."

kapwa di na umimik ang dalawa.
Nagpaiwan lang sa kotse ang dalaga ng mapadaan sila sa isang convenient store.

Napansin nya ang isang necklace na nakasabit doon. Alam nya kung kanino yon dahil madalas nyang makitang suot yon ni Ashley.
Napatingin sya sa binatang palabas na. May bitbit itong pineapple juice na nasa can at isang mineral water na nilalagay sa noo nito. Napakunot noo sya habang pinagmamasdan ito palapit sa kotse.

Tahimik itong sumakay ng kotse at iniabot sa kanya ang pineapple juice.

"Masama ba ang pakiramdam mo?" sinalat nya ang noo nito.

"hindi. Masakit lang ang ulo ko."

in-start na nito ang kotse.

"N-Nag away ba kayo ni Ashley?" maya ay tanong nya sa binata dahil mukhang wala na2man itong balak magsalita.

"H-Hindi. Nagkatampuhan lang siguro. Normal naman yon sa magkaibigan diba? Mga bata palang kami Best of friends na kami kaya alam ko maayos din namin ito."

napatangu-tango lang ang dalaga.

Tamang-tama lang na dumating sila Clyde at Ashanti, kalalabas lang din ni Ashley.
Agad itong sinalubong ni Ced at kinuha ang gamit ng dalaga.

Hacienda Del Rio Present: Basta"t Ikawby: TonyangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon