HACIENDA DEL RIO present.. ''BASTA'T IKAW'' By:TONYANGCHAPTER 35:

6.1K 143 3
                                    


  KAPWA walang nakakilos sa kanilang dalawa, kapwa walang nagsalita. Lumipas ang ilang saglit na nanatili sila sa ganung ayos. Nakatihaya si Clyde at si Ashley, tamang upo lang sa kanyang tyan.

Natatawang inunan ng binata ang kanyang dalawang braso.

"Bagong Trip? Tamang gawin akong upuan?"

"Bad trip karin ei noh!! Tamang mang gulat lang?" sabi ng dalaga sabay hampas sa tyan nito. Hindi ito aware sa ayos nito.

"Aww..! Alam mo, walang problema sa akin kahit mag hapon tayong ganito. Ang sa akin lang, baka gusto mong mag punas ng mukha, bata."

"Huh?" mabilis itong umalis sa ibabaw ng binata at agad na pinunas ang mukha gamit ang kamay.
Naupo narin si Clyde at walang sabi2 na hinawakan ang kamay ng dalaga at gamit ang kabila nyang kamay ay sya na ang nag punas ng paligid ng bibig nito na may may natuyo na ng manggang kinain nito.

Nawala ang ngiti ni Ashley sa pagkabigla sa ginawa ng binata. Nakatitig lamang sya sa mukha nito.

"Bata ka talaga, makalat ka parin pag kumakain ng mangga."
nangingiting sabi ng binata habang marahan na kinukutkot ang tuyong mangga.

"Bata? Ako?"

"uh uhmm.. Ang dungis mo ei. Para kang yagit!" nakangiti parin na sagot ng binata.

"Ganun? Oo nga pala, mahilig ka nga pala sa mga sexy at dalagang dalaga pumorma tulad ng baby mo." yamot na sabi ng dalaga. "Gusto mo yong mga todo make up, kumikinding lumakad at ang nilalandi ka." dugtong pa nito saka padarag ng tumayo.

"A-Ashley?" natitigilang habol nya rito. Mabilis syang tumayo at hinabol ito.

"Sandali nga!" hila nya sa braso ng dalaga ng maabutan ito.
Napabalik ito sa kanya sa lakas ng pagkakahila nya rito at di sinasadyang nagtama ang kanilang mga labi.
Nanlaki ang mata ng dalaga sa pagkagulat.

Nang makabawi sa pagkabigla ay naitulak nya ang binata.

"A-Ashley.."
muli nyang nilapitan ang dalaga at hinapit sa beywang..

"Hindi ko sinasadya.." halos pabulong na sabi ni Clyde na mas hinapit ang dalaga upang mas magdikit ang kanilang mga katawan. Saka yumuko.

"Pero hindi ako mag so-sorry sa kung anong nangyari. Dahil aaminin ko na gusto ko yon." dugtong pa nito. Na halos wala ng pagitan ang kanilang mga ilong.

"C-Clyde.." nahigit nya ang kanyang pag hinga at pakiramdam nya'y may mga paru-paro sa kanyang lalamunan.

Pinutol ng binata ang anumang sasabihin ng dalaga ng kanyang tawirin ang napakaliit na pagitan ng kanilang mga labi.
Sinimulang angkinin ng binata ang labi ng dalaga. Marahan, malambing.. Puno ng pagmamahal.
Namalayan nalang ni Ashley ay napapikit na sya. Dahil sa Kakaiba ang sensasyong hatid sa kanya ng magdikit ang kanilang mga labi.
At ng simulang galugarin ng binata ang kanyang bibig, namalayan nalang nya na ginagaya na nya ang ginagawa nito. Tinutugon na nya ang halik nito.
Kinuha nito ang kanyang kamay at nilagay sa batok nito.
Pakiramdam ng dalaga'y malulunod sya kaya napakapit sya sa batok nito at bahagya nya itong nasabunutan.

"Hmm.." ng iwan ng binata ang kanyang labi ay napaungol sya tanda ng pagtutol.

"Mahal kita.."
bulong nito sa kanyang punong taynga saka kinintalan yon ng halik.

"C-Clyde..?" bahagya nya itong tinulak pero niyakap sya nito ng mahigpit.

"Ashley Del Rio, Di ko kailangan ng kahit na ano.. Hindi ako humiling ng kahit na ano. At ngayon, kung hihiling ako yon ay walang iba kundi ang maging akin ka. Now and Forever."

Muli, Bahagyang itinulak ng dalaga ang binata.
"Lahat ba ng hinahalikan mo, sinasabi mo yan? Kay Mylin., Hiniling mo rin ba yan? Sinabi mo rin bang mahal mo sya?"

"Of course not! Wala kaming relasyon ni Mylin."

"Wala pero hinahayaan mo sya.. T-tulad kanina---!"
muling dinampi-dampian ng binata ng halik sa labi ang dalaga na animo'y pinasasabik lang nito.

"May gusto sya sayo. Imposible na di mo alam yon. M-Mahal ka nya."

"Alam ko. At Mahal kita! Ikaw ang mahal ko at di sya, noon pa man. Imposeble ring di mo alam yon? Di mo ramdam yon. Kasi naman.. Paano mo nga naman yon mapapansin kung nakay Ced ang buong pansin mo. Nasa kanya ang pus---"

"Sssssh!" hinarang ng dalaga ang kanyang daliri sa labi nito.
"Noon yon. Bata pa ako noon."

"Hmm? At ngayong dalaga kana?" taas kilay na nakangiting tanong ng binata.

"Ewan ko lang.. Ang alam ko lang nasaktan ako ng malaman kong nagpalipas ka ng gabi kasama ang ibang babae."

"Huh?"
napakunot noo ito na iniisip kung sino ang babaeng tinutukoy nya.

"Nang malasing ka at tawag ako ng tawag sayo yon pala sa bahay ni mama ka natulog."

"Ahhh.." humagalpak ng tawa si Clyde.
"Pati mommy mo pinagseselosan mo.?"

"Di ko naman alam na si Mama yon."

"I love you, Ashley Del Rio. Will you be my Girlfriend?"

"Agad? Di kapa nanliligaw diba?" taas kilay na balik tanong dito ng dalaga.

"Ei di araw2 kitang liligawan sa Villa. I love you so much, Ashley."

"OH, clyde.."
Niyakap nya ang binata.

"Yes Clyde. i love you too.!"

"Oh Ashley..!!" sa tuwa ng binata ay binuhat nya ang dalaga at inikot-ikot ito.

"O.. Oh.. Clyde ibaba mo ako!!"

"Hahaha Yesss!! Girlfriend ko na Ang aking Señorita! Girlfriend ko na ang Bestfriend ko.. At higit sa Lahat Girlfriend ko na ang nag-iisang babaeng nag mamay ari ng puso ko!!" malakas na sabi ni Clyde.

"Oo na ibaba mo na ako!!"

"Musang lang sya kumain ng mangga, parang bata lang.. Pero masarap syang humalik!" sabi pa ng binata.

Pinamulahan ng pisngi ang dalaga.
"Nang aasar ka talaga tandang ha?"
bigla nya itong kinurot sa magkabilang kilikili.

"Aawww!!"
bulalas nito na di malaman kung tatawa o mapapangiwi. At ng akama na sya nitong ibababa ay di sinasadyang nakaapak itong muli ng balat ng mangga.
Muli itong na-out balance at kahit na anong pilit nito na ibalanse ang pagkakatayo ay natumba parin silang dalawa.
Mariing nakapikit si Ashley na nakasubsob sya sa dib2 ng binata.

"Ano ba naman ito oo. Tsk tsk.." bulalas ni Clyde habang mahigpit ang yakap sa dalaga.

"Ayos ka lang ba?"

"Nakakainis ka talaga!!" bulalas ni Ashley ng mag angat ng tingin dito.

"Kasalanan ko na nagkalat ka dito?" at walang sabi2 na kumilos ito at sa isang iglap ay ang dalaga na ang nakahiga sa lupa at sa ibabaw nya ang binata.

"Oh my God!" halos pabulong na bulalas ng dalaga.

"Dapat sayo pinaparusahan sa pagkakalat mo dito."

"H-Huh?"
wala sa loob na napaawang ang labi ng dalaga at walang sabi2 na muling inangkin ng binata ang kanyang mga labi saka ito tumayo at inalalayan syang tumayo narin.

"Ayos ka lang ba?" tanong nito na pinagpag ang dumi sa kanyang damit.
Tumango lang sya at pinagpagan din nya ang suot nito.

"Ikaw na nasaktan?" nag aalalang tanong nya rito.

Napangiwi ito.
"Mababalian ata ako ng gulugod sayo." biro nito kaya naman nahampas nya ito sa braso.

"tssss.. Ang dumi natin. Baka magtaka si Lolo at papa pag umuwi akong ganito."

"Hmm, ei di maligo tayo sa ilog tas dumeretso tayo sa amin. May damit ka doon diba. Doon kana mag bihis."

nagkasundo ang dalawa na maligo nalang sa batis.

NANG makarating sila sa batis ay inilapag ni Ashley ang kanyang phone sa katabing bato na kina uupuan saka sya nagtanggal ng pants habang nakatayo sa harapan nya ang binata.

"Ano pang tinatayo-tayo mo dyan? Mauna kana doon."

"Bakit? Masama bang pag masdan ang girlfriend ko? Saka, sabay na tayo."

sabi nito na lumuhod sa harap ng dalaga at hinila ang pants nito.

"May katamaran ka ei noh.. Mag huhubad ng pants naka upo?"

"Naman!"

Biglang nag ring ang phone ng dalaga, sabay silang napa tingin doon.

"Baka si Papa. Baka dumating na sila." excited na kinuha ang phone. Pero ng makita kung sino ang caller, kinansel nya yon.

"O bakit? Sino yon at di mo sinagot?"

"Wala yon. Yaan mo sya."
sabi nalang ng dalaga na ibinalik ang phone sa pinagpatungan.

"Baka kung sino na yan ha."

"Wala nga po."
pinisil nya ang magkabilang pisngi ng binata. Hindi kumibo na Tumayo na ito at inayos ng tupi ang pants nya at pinatong sa tabi ng kanyang phone.
Iniwan nya ito at agad syang lumusong sa tubig.
Ang di nya alam ay muling nag ring ang kanyang phone.

Matagal na nakatitig si Clyde sa phone ng dalaga na patuloy sa pag ring. Ng lingunin nya ang gf ay wala ito marahil ay sumisid na.

Dinampot nya ang phone at bahagya pa syang nagulat, walang name ang number ng caller kaya naman sinagot na nya yon.

"Hello Ashley. Bakit po di mo sinasagot ang tawag ko? Dami ko na ngang txt sayo ei. May ginagawa ka parin ba? Sorry ha kung masyado akong makulit. Di ka kasi maalis sa isip ko kahit may ginagawa ako. Namimiss na nga kita sana bumalik kayo rito sa Rancho de San Sebastian..." tuloy2 na sabi nito.
Napakunot noo lang si Clyde habang nakikinig dito.

"Hey, Ashley.. Nariyan kapa ba?"

yamot na pinatay ni Clyde ang tawag. Ng lingunin nya ang dalaga at wala parin. Binuksan nya ang inbox nito at isa-isang binasa ang mga txt messages. Ang ilan ay di pa nababasa ng dalaga pero binuksan na nya. Di na sya nagulat ng malaman na si Brando ang texter at caller ng dalaga. Ang alam lang nya'y nagseselos sya sa isiping nag kakausap pala ang mga ito.
Ibinalik na nya ang phone sa kinalagyan at naglakad na palusong sa tubig.

"Bakit ang tagal mo?"
bungad sa kanya ng dalaga ng bumulaga ito sa kanya galing mag sisid.
"Wala." wala sa mood na sagot nya dito.
Iniisip nya na di sinabi sa kanya ng dalaga na nagkakatawagan pala ito at si Brando.
Nagtanong sya kanina pero di nito sinabi kung sino ang tumatawag. Bakit hindi nito sinagot ang tawag sa harapan nya. May inililihim ba ito sa kanya.?

"Hey! Bakit ang lalim ng iniisip mo? Halika na.." hila ng dalaga sa kanya. Nagpahinuhod nalang sya rito.

Matapos ang isang sisid ng binata ay umahon na sya at naupo nalang habang hinihintay ito.

Di naman nagtagal at umahon narin ang dalaga.
"Uuwi na ba tayo?"
tanong nya ng maupo siya sa tabi nito at nagbihis na.

Nang may phone na nag ring. Napatingin sya sa binata, alam nyang phone nito ang tumutunog.
Baliwalang kinuha nito ang phone at saglit na tiningnan yon. Nagulat pa sya ng iabot nito sa kanya ang phone. Patuloy yon sa pag ring.

"B-Bakit?" maang na tanong nya rito.

"Sagutin mo. Ayoko lang mag lihim sayo tungkol sa kung sino ang madalas tumawag at mag txt sa akin."

pag tingin nya sa phone na hawak nito, si Mylin ang tumatawag.
Kinuha nya yon at sinagot.

"Baby, where are you huh? Maaga ka raw umalis sa anihan. Magkita tayo. Nasaan ka at pupuntahan kita." sabi ni Mylin sa kabilang linya. Mangani-nganing ibato nya ang phone ng binata.
Ang walang hiyang haliparot talagang bumubuntot sa kanyang boyfriend.

Napapitlag sya ng halikan sya sa balikat ng binata papunta sa leeg hanggang sa puno ng kanyang taynga kung saan naroon ang phone.

"Ibaba mo na yan sweet heart. Umuwi na tayo."
sabi nito na bahagyang nilakasan ang boses.

"T-teka.. A-ang baby ko ba yong nag salita? Sino kaba ha?" galit ng tanong ni Mylin ng marinig nito ang boses ng binata. "Hello!! Shit! Bakit di mo ibigay kay Clyde ang phone? "

siniko na nya ang binata dahil mukhang nawili na sa pag halik sa kanya.

"Boyfriend ko ang may ari ng phone na'to. Wala naman sigurong masamakung ako ang sumagot sa tawag diba? Wala kang baby rito at lalong di mo baby ang may ari ng phone na ito dahil sa boyfriend ko ito."

Natatawa si Clyde habang nakikinig sa sinasabi ng dalaga habang patuloy na kinikintalan ng maliliit na halik ang balikat nito.
Ngayon lang nya nakaringang mag taray ang dalaga sa ibang tao syempre bukod sa kanya dahil madalas nakaangil ito mag salita sa kanya.

Maya ay in-off na nito ang phone at yamot na tumayo. Padarag nitong inilapag ang kanyang phone.

"Next time h'wag mong ipapasagot sa akin ang tawag ng babae mo ha! Nakaka asar lang."
yamot na sabi ng dalaga na sinuksok na sa kanyang bulsa ang sariling phone.

"Exactly! Nakakaasar talagang malaman na may ibang tumatawag sa mahal mo lalo na kung ang tumatawag na yon ay lantaran ang pagkagusto sa mahal mo."

napakunot noo si Ashley.

"Bakit di mo sinabi sa akin na nagkakatawagan pala kayo ni Brando? Paano nya nalaman ang number mo?"

"si B-Brando?"
wala sa loob na tiningnan nya ang kanyang phone at nalaman nya na naka open na lahat ng messages nya sa inbox.

"Oo, binasa ko lahat. Tumawag sya uli kanina at sinagot ko."

"Kaya kaba nawala sa mood?"
tanong ng dalaga na niyakap sa beywang ang binata.

"Nakikipag kaibigan lang si Brando saka di ko alam kung paano nya nakuha ang number ko. Baka binigay ni Ashanti."

"Tssss nakikipag kaibigan. Yong sinabi nya na namimiss kana nya at di ka maalis sa isip nya? Pakikipag kaibigan lang yon? Ashley, di tayo ipinanganak kahapon para di maintindihan ang ibig sabihin ni Brando. Gusto ka nya at nagsisimula na siyang magpalipad hangin sayo."

"Di ko sinabi sayo dahil baka magalit ka. Kanina lang naman yan tumawag sa akin. Di ko nire2ply mga txt nya."
kinabig ng dalaga sa batok ang binata at tumingkayad sya para abutin ang labi nito.
Tinugon naman nito ang kanyang halik.

"Hindi naman siguro tayo mag aayaw ngayon? First day natin ito." sabi pa ng dalaga ng maghiwalay ang kanilang mga labi.
"Kung minahal mo ako ng walang alinlangan, sana magtiwala karin sa akin ng walang alinlangan."

"I'm sorry.. Ayoko lang na mag lihim tayo sa isa't-isa." sabi ng binata na niyakap ng mahigpit ang dalaga.
"I'm sorry, natatakot lang ako na mawala ka sa akin. N-Natatakot lang ako na maagaw ka ng iba sa akin."

"Para mapanatag ka, sasabihin ko kay Lolo at papa na tayo ng dalawa." pinisil nito ang pisngi ng binata.,
"Smile ka na.. Pls tandang.. I love you."

"I love you too.." ngumiti na ito.

"Tayo na, umuwi na tayo para makapag bihis ka na."
aya ng binata. Saka magkahawak kamay na sumakay sila sa kabayo.

Pagdating nila sa bahay nila Clyde ay naabutan nila si Mylin sa sala kausap ang mama ng binata.

Kapwa pa nakatingin ang mga ito sa kanilang kamay na magkahawak.

"Anak?"

"Ma, Girlfriend ko na si Ashley." nakangiting itinataas ni Clyde ang kanilang mga kamay para ipakita sa mga ito.

"N-No.. H-Hindi maari clyde!" si Mylin na napatayo kaya agad yon hinawakan ito sa Braso ni Mrs. Alvama.

"Oo Mylin. Tulad ng narinig mo. Girlfriend ko na si Ashley."

"Hindi Clyde, akin ka lang. Akin!!" umiiyak na sabi nito.

"Ahmm ang mabuti pa hija, umuwi ka muna sa inyo." sabi ni Mrs Alvama na iginiya ito palabas.

Maya2 ay bumalik ang ginang ng nakangiti sa kanila.

"T-Talaga hijo? Naku napaka swerte mo sa batang ito." sabi pa nito na niyakap ang dalaga.

"Magtitiwala ako sayo hija. Naku naman.. Sana ay di mo titingnan ang katayuan namin sa buhay. Trabahador lang ng inyong hacienda ang mag-ama ko."

"Mama.."

"Ay naku.. Bata palang itong si Ashley, kinagigiliwan na ito ng mga tao kahit di pa alam ng lahat na isa syang Del Rio dahil sa kabaitan. Sana ay h'wag kang magbabago hija."

tipid lang na ngiti ang tinugon dito ng dalaga.

"Ei galing na2man kayo sa batis at basa na2man kayo?"

napakamot sa batok si Clyde.
"Opo ei.."

"Naku anak ha., ipapaalala ko lang. Bata pa itong si Ashley ha. Patapusin mo muna yan sa kanyang pag-aaral."

"Ma, kaya ko ng buhayin si Ashley kung---"

di na naituloy ni Clyde ang sasabihin dahil kinurot na sya ng kanyang mama sa kili2.


"waww aww! Ma naman!!"

"Anong kaya ng buhayin pinagsasabi mong bata ka ha? H'wag mong sirain ang tiwalang binigay sayo ng mga Del Rio maging sayong ama." nandidilat na sabi nito.

"Opo naman. Alam ko Mama!! Kailangan talagang kurutin ako sa kilikili?" salubong ang kilay na reklamo ng binata habang kinakamot ang kilikiling kinurot ng mama nya.

"Aiistt!! Ang dalawang babae sa buhay ko talaga oo.. Marami namang pwedeng kurutin kilikili ko pa talaga? Mamaya nyan kalbo na ito ei. Pareho lang kayong dalawa ei!!"

nagkatinginan ang ginang at ang dalaga saka nagtawanan.

"Tawa2 pa kayo. Pasalamat kayo pareho ko kayong mahal ei."

Pinisil ng mama nya ang kanyang pisngi.

"Ma! Ano ba naman.. Marami kayong similarity nitong si Ashley.. Pati yan!"

"O sige na, kunin mo ang bihisan ni Ashley para makapag shower na sya. Kaw na bahala sa kanya ha at ako'y mag hahanda ng inyong makakain."
taboy sa kanila ng ginang.

"Halika na.." hinila na sya ng binata.

"Kulit ni mama anoh? Parang ikaw lang."

"Kurot gusto mo?"

"Dito sa kabila naman." natatawang sabi nito.

"Masakit na ung kurot ni mama ei."

natawa nalang ang dalaga.




===ITUTULOY  


Hacienda Del Rio Present: Basta"t Ikawby: TonyangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon