"Daddy.."
patuloy sa pag-agos ang luha sa gilid ng mga mata ng dalaga.
Maging si Marshal ay tahimik na kumuluha habang patuloy na hinahagkan ang kamay ng anak.
Wala syang masabi. Hindi nya alam kung paano kikilos ng parang wala lang natuklasan."D-Dad.. Nanaginip ako.. M-masamang panaginip. Kukunin nila ako sayo. Daddy, may taong gustong kumuha sa akin.. Ilalayo nya ako sayo. A-ayoko sa kanya.. H'wag mo a-kong ibi-bigay sa kanya.." utal-utal na wika nito.
"D-Daddy.."nanatiling nakayuko lamang si Marshal. Ano't tila totoo ang panaginip ng kanyang anak?
Naramdaman nya ang kamay ng kanyang ama sa kanyang balikat kaya napatingin sya dito. Bahagya nitong tinapik ang kanyang balikat.
Nakayuko na lumabas ng silid si Arthur. Hindi nya matagalan na makinig sa sinasabi ng kanyang anak. Di rin nya matagalang makita ito sa ganung kalagayan. Nadudurog ang kanyang puso.
Maya-maya'y tahimik din na lumabas si Marshal at naupo roon. Habang si Arthur ay nakatayo at nakasandal.
"B-bakit lumabas si Daddy? A-ayaw ba nya akong makita? N-nagagalit ba sya sa akin dahil sa ginawa ni mommy?" tanong ng dalaga sa kanyang lolo na nanatiling nakatayo sa tabi ng kanyang kama.
"T-Tawag lang ako ng doktor. H-wag ka muna magsasalita baka mapano ka." iwas ng matanda saka mabilis na lumabas.
"A-ate.. Ate Ashley.." inilahad nito ang kamay na tila pinapalapit si Ashley kaya naman agad na lumapit dito ang dalaga.
"Sssshh, narinig mo si Lolo? H'wag ka muna masyadong magsalita."
"A-Ate.. Si Mommy? N-nasaan sya? A-anong nangyari? Si-sinaktan kaba nya ha?"
Mabilis na umiling-iling ang dalaga.
"Hindi.. Hindi ashanti.. K-Kaya lang.." natigilan sya at nag-aalala sa kung ano ang magiging reaksyon nito kapag nalaman na nakakulong na ang mommy nito."K-Kaya lang ano..? H-Hinuli si mommy? Ikinulong nila si Mommy?"
tumango lang si Ashley bilang sagot dito.
Napapikit ito ng mariin at walang ampat ang pag-agos ng luha nito."I-I'm so-sorry Ashanti.. I'm sorry.." habag na habag dito si Ashley.
"K-Kasalanan ko, kaya nagawa ni Ma'am Madeline yon. A-Ayaw lang nya nang.."
"Ako ang dapat humingi ng tawad sa ginawa ni mommy sayo." ginagap nito ang kanyang kamay.
"Noon pa man sinabi na ni mommy na magiging kaagaw kita sa lahat balang araw.. Noon pa man ay sinasabi na ni mommy na dapat akong lumayo sayo, magalit ako sayo. Pero ewan ko kung bakit sa halip na magalit ako sayo, mas napalapit ako sayo.."
"Ashanti tama na.. Baka mapano ka pag nagpatuloy kapa sa pag sasalita."
maya-maya ay pumasok ang doktor kaya agad na dumistansaya ang dalaga rito.
Samantala, sa labas.
"H-Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ito sa aking anak." panimula ni Marshall habang ang mga palad ay nasa kanyang mukha.
"H-Hindi ko alam kung paano ipagtatapat sa kanya ang lahat." umayos ito ng upo ng marinig ang pag buntong hininga ni Arthur."A-Ayokong mawala sa akin ang anak ko. P-Pero kung sakaling malaman nya ito at ikaw ang pipiliin nya, wala na akong magagawa doon."
"Hindi mo naman siguro ilalayo sa amin ang aking apo, Arthur?" tanong ni Don Ramon dito.
"Hindi ko pa naiisip yan kung paanong di nyo rin magawang ipagtapat sa kanya ang toto." malamig na sagot nito.
Maging si Don Ramon ay napabuntong hininga narin.
BINABASA MO ANG
Hacienda Del Rio Present: Basta"t Ikawby: Tonyang
RomanceHACIENDA DEL RIO present.. ''BASTA'T IKAW'' Written by: Tonyang