NAGISING si Rica sa hindi pamilyar sa kaniyang kwarto. Napasapo na lamang siya sa kanyang noo dahil sa kaunting hilong nararamdaman niya.
Nang maalala niyang si Sage ang huling nakasama niya bago siya tuluyang mawalan ng malay ay kaagad na siyang kinutuban ng masama. Nilibot niya ng tingin ang kwartong kinaroroonan niya. Nakahiga siya sa isang puting kama na mukhang bago pa lang at hindi pa nagagamit.
Bigla namang bumukas ang pintuan ng kwarto kung nasaan siya at si Sage kaagad ang bumungad sa kanya.
Nakangiti ito habang inilalapag ang hawak nitong tray ng pagkain sa bedside table na nakalagay sa gilid ng kamang hinihigaan niya.
"You're awake," nakangiting sabi ni Sage.
Dahil sa labis na galit at pagkasuklam na nararamdaman ni Rica ay sinamaan niya ng tingin si Sage.
Kung nakakamatay lang ang tingin malamang ay kanina pa namatay sa kanya ang binata.
"Saan mo 'ko dinala, ha? Hindi mo ba talaga ako titigilan, Sage? You kidnapped me for your own good?" galit na saad ni Rica na mas lalo lang ikinangiti ni Sage.
"Sabi ko naman kasi sa'yo, Rica.. hindi ako titigil hangga't hindi ulit kita nakukuha. Hindi rin ako papayag na ipaubaya ka sa mga ex-bestfriends ko. Tayo ang unang nagkatuluyan at tayo lang rin dapat sa huli." kaswal na sagot ni Sage at mas lalo pa itong lumapit sa kanya.
Umiling-iling si Rica. Sagad na ang galit at pagkasuklam niya kay Sage. Hindi talaga siya makapaniwala na minahal niya ito noon. Nadala siya sa pagiging malambing nito sa kanya idagdag pa ang maamo at inosente nitong mukha.
Hindi talaga sukatan ang physical appearance ng isang tao para matukoy kung masama ba talaga ito o hindi.
"Ano bang hindi mo maintindihan sa sinabi ko, Sage? I don't love you anymore! Simula nang makunan ako at mawalan ng anak ay katapusan na 'yon ng relasyon natin. Why can't you just move-on? Wala ka nang mapapala sa akin!" singhal ni Rica na tila hindi nagustuhan ni Sage.
Bigla siyang sinampal sa mukha ni Sage at hinawakan nito nang mahigpit ang panga niya. Nag-aalab na ngayon ang mga mata nito sa galit nang dahil sa sinabi niya.
"Kung ikaw naka move-on na pwes ako hindi! Sobrang mahal na mahal kita, Rica. Hindi na ako tumingin pa sa ibang babae dahil sa'yo pero ikaw? Nagawa mo pang makipaglandian sa amerikanong Hudson Finley na 'yon! Sa ating dalawa ay ikaw ang taksil at manloloko. Yes, I had a fault too kung bakit nasira ang relasyon nating dalawa pero mas marami kang nagawang kasalanan sa atin!" panunumbat ni Sage at muli nitong sinampal si Rica dahilan para mamula na ang mukha ng dalaga sa sakit ng pagkakasampal nito.
Hindi na rin napigilan ni Rica ang pagtulo ng mga luha niya nang dahil sa sakit at bigat ng kalooban niya ngayon.
Wala na sa katinuan si Sage. Kayang-kaya siya nitong saktan nang dahil sa matindi nitong obsession sa kanya. Hindi pa rin nito matanggap na wala na sila at hindi na nila maibabalik pa ang dati nilang masayang relasyon.
"Hindi ka sana masasaktan sa akin kung ako ang pinipili mo, e. Look at my appearance right now, pinaghirapan ko 'to para sa'yo, Rica para naman maungusan ko si Trevor kahit sa ganitong paraan lang at kapag nakita mo ako ay mahalin mo ako ulit pero useless lang rin pala ang pag-eeffort kong 'to dahil ang tigas ng puso mo at hindi ka na naawa sa akin!" galit na sigaw ni Sage.
Sa takot ni Rica ay nagsumiksik na siya sa gilid ng headboard ng kama at iniyuko ang kanyang ulo.
Natatakot siya kay Sage. Pwede siya uli nitong saktan.
"You're scared at me, Rica? Aba dapat lang dahil ako ang masusunod sa ating dalawa. I'm the one who found you at first kaya hindi ka pwedeng mapunta sa ibang lalake." madiing sabi ni Sage at kumalma na rin ito.

BINABASA MO ANG
Wished One, But Got Five (Published under PSICOM)
RomanceRica was a cheerful, sweet, and family-oriented young lady until something unexpected occurred in her life that devastated and saddened her. Sage, her boyfriend, rescued her and offered a temporary residence in his condo unit with the company of his...