Chapter 46

23.6K 861 936
                                    

After 1 year...

"K-KUMUSTA ka na?" nahihiyang tanong ni Rica kay Sage.

"Ah, ayos lang naman ako dito, Rica." sagot naman ni Sage at kaagad itong napayuko nang dahil sa hiya ring nararamdaman sa dati niyang nobya.

"Mabuti naman kung ganon." ngumiti si Rica at kahit papaano'y napanatag ang loob nito na nasa maayos lang na kalagayan si Sage sa loob ng kulungan.

Isang taon na ang nakakalipas simula nang mangyari ang pagdukot sa kanya nina Sage at Yruma. Ayaw niyang makulong ang mga ito ngunit si Sage na mismo ang nagpresintang magpakulong sa sarili nang dahil sa konsensyang nararamdaman sa mga ginawa nito noon sa kanya habang si Yruma naman ay nananatili pa rin sa Mental Institution para magpagaling sa sakit nitong Obsessive Disorder.

Ikwinento na noon ni Rica kay Sage ang tungkol sa panaginip niya na kung saan ay nakita niya sa langit ang pamilya niya kabilang na doon ang nalaglag sa sinapupunan niya na anak nilang si Riky.

Matapos ikwento ni Rica ang sinabi ni Riky sa kanya na makipagbalikan na sa ama nito at patawarin na ito sa lahat ng mga naging kasalanan sa kanya ay hindi na noon napigilan pa ni Sage ang mapahagulgol ng iyak at magsisi ng lubos sa mga pananakit nito sa kanya.

Gustuhin man nitong makipagbalikan sa kanya at natutuwa ito sa sinabi ni Riky na makipagbalikan sa kanya ay hindi iyon sinang-ayunan ni Sage. Kailangan raw niyang magbayad sa mga kasalanang ginawa nito sa kanya at iyon ay ang makulong siya sa bilangguan.

Pinatawad na ni Rica si Sage at handa naman siyang palayain ito sa kulungan ngunit si Sage pa rin ang nagpupumilit na dapat lang ay makulong ito sa mga mali nitong nagawa sa kanya.

"How are you living with those five guys?" biglang sumilay ang ngiti sa labi ni Sage sa tanong nito na ikinapula naman ng mukha ni Rica.

"We are fine. Madalas lang na wala sa condo unit si Zian dahil sa trabaho niya. You know? The CEO duty." sabi ni Rica ng pabiro.

"Hindi pa rin talaga siya nagbabago. He's still a workaholic guy." naiiling namang sabi ni Sage na ikinatawa ni Rica.

Sage and Rica are doing good. Ngayon ay magkaibigan na sila. Rica already forgave Sage for what he had done to her. Kahit papaano'y naging malaking parte ang binata sa buhay niya at minahal niya rin ito hindi nga lang kasing lakas at tibay ng pagmamahal niya doon sa limang lalake.

Ang pagpapatawad ay nakakalubag ng kalooban. Bakit hindi niya patatawarin si Sage kung sobra na itong nagsisisi sa lahat ng mga ginawa nito sa kanya? He took the consequences on his mistakes at sapat na iyon para patawarin niya ito.

Alam rin niyang hindi matutuwa sa itaas si Baby Riky kung hindi niya patatawarin ang Papa nito.

Sorry, baby kung hindi kami magkabalikan ng papa mo. Hindi lang siguro talaga kami pwede na magsama pang muli.

"Same with your brother." Rica said and chuckled na mahinang ikinatawa ni Sage.

Nag-usap pa silang dalawa nang mahigit kalahating minuto at pagkatapos nun ay nagpaalam na si Rica kay Sage na aalis na dahil naghihintay lang sa labas ng city jail ang isa sa nobyo niya sa limang lalake na naghatid sa kanya dito.

Pagkalabas ni Rica sa city jail ay kaagad siyang sinalubong nang kanina pang naghihintay sa kanya sa labas na si Essam. Niyakap nito ang baywang niya at hinalikan ng mabilis ang labi niya.

"How's your heart-to-heart talk with Sage?" tila nagseselos pang tanong ni Essam.

Rica rolled her eyes jokingly. "Gosh, Essam! It's been one year pero hanggang ngayon ay pinagseselosan mo pa rin si Sage."

Wished One, But Got Five (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon