02.

57 3 0
                                    

Alas-singko na ako naka-uwi sa condominium ko dahil galing pa ako sa National Bookstore bumili ako ng libro na pwede kong basahin tsaka mga painting supplies pangpalipas-oras lang habang wala pang masyadong ginagawa sa school ayaw ko na kasing laging naka-babad sa cellphone yung mata ko. Mahilig din kasi akong mag-paint kasi feel ko magaling akong mag-pinta. Assumera yern?chos.

Makalipas ang isang oras ay nakatapos ako ng isang portrait. "Hala shet ang ganda" sambit ko habang naka-titig sa pininta ko. After a while, nag-vibrate ang cellphone ko.binuksan ko ito at nakita ko na finollow na ako ni Celestina sa Instagram.

*celestinaaa started following you.*

Agad ko syang finollow-back. Tinignan ko muna ang mga ibang notification sa Instagram ko para naman mapansin ko nang biglang nag-chat si Celestina saakin.

*On the chat*

Celestina:Heyyy it's meeee

:Ay hellooo!!

Celestina: Busy ka ba? Tara BGC tayo!

:Hindi naman :)

Celestina:Ano, g ka? Kasama mga classmates natin

:Sige sasama ako :)

Celestina: Sigeee mamaya pa naman tayo mga 8pm tayo para maaga tayo maka-uwi

:Ah sigeee

Celestina:Brb! Mag-aayos pa ako, byeee!!

:So do I, byeee

Pag-katapos ng 30 minutes ay nakapag ayos na ako. Hindi naman ako masyadong nag-mamadali dahil malapit lang ako sa BGC pwede akong mag-Jeep or pwede din akong mag-lakad. Nag-lakad nalang ako para bawas na sa pamasahe nag-titipid din ako kase may pinag-iipunan ako.

Makalipas ng isang oras ay naka dating na ako sa BGC at agad kong chinat si Celestina kung nasaan na sila

:Tinaa nasaan kayo banda?

Celestina:Oh heyy nasa Starbucks kami

:Sige papunta na ako

Mga dalawang minuto ay naka-kita ako ng isang branch ng Starbucks banda sa park.

:Kayo ba yung nasa labas ng Starbucks?

Celestina:Ahh yesss punta ka na dito!!

Nag-lakad ako palapit sakanila. Umupo ako sa tabi ni Celestina dahil sya lang yung ka-close ko roon. Medyo nahiya nga ako sa suot ko dahil naka white puff sleeve, itim na jagger tsaka heels lang yung suot ko, samantalang sila parang aattend ng party.

Actually to be honest hindi ko din alam yung gagawin namin sa BGC. Habang nag-uusap ang ibang kasama nila Celestina, ako naman tong walang kausap kaya na-isipan kong titigan si Kyler, parang mga limang minuto ko na syang tinititigan ng biglang mag-tama ang tingin namin. Bigla akong tumingin sa ibang lugar kahit feeling ko ay nahuli nya ako dahil nakatitig nga ako sakanya.

Guys mag-pakilala kayo kay Savannah she's our new classmate kayo kasi eh, hindi kayo pumasok kanina! Inis na sambit ni Celestina.

Kasalanan ko bang malakas yung hang-over ko bitch? Sambit ng isang naka-puting polo shirt, naka mint green shorts at naka-suot ng Nike Air Force na red at mabango din sya.

Bat ka kasi umiinom alam mo namang may pasok na! Paganting sambit ni Celestina.

Anyways mag-pakilala na kayo! Dugtong nya rito

I'll go first! Sambit ng isang naka-navy blue na T-shirt at naka Grey na Jogging pants.

My name is Hiro Sanchez you can call me pogi-

Wag ka ng assumero Hiro! Pang-asar na sambit ni Celestina

Yeah anyways I like doing exercise and travelling kase lakwatsero ako. Dugtong ni Hiro.

Nice to meet you Hiro. Masaya ko itong sinambit.

Ako naman! Pasabik na sinabi ng isang babae na naka-croptop long sleeves at naka pantalon at naka rubber shoes.

My name is Gabbie San Juan I like buying make-up kase why not? And I like singing.

Yow my name is Mateo, Mateo Abalos

I'm Kenji Valencia, just call me Ken for short

I'm Kyler Dela Cruz, I like playing games. Nice to meet you.

Habang nag-sasalita si Kyler ay parang biglang tumigil ang mundo ko. Napaka pogi ng boses nya.

Nice to meet you all. Masabik ko itong sinambit dahil hindi ko akalain na ganito sila ka-saya kasama.

Oh guys? G kayo party tayo! Sambit ni Hiro.

Tanga ka ba? Lasing ka na nung isang gabi ah. Pagalit na sinabi ni Gabbie.

Wag na tayong mag-party, may pasok tayo bukas. Maikling sambit ni Kyler.

Kaya nga Hiro baka naman pumanaw ka ng maaga nyan sa mga plano mo. Patawang sabi ni Celestina.

Mga isang oras din kaming nag-kausap sa Starbucks bago kami nag-gala-gala sa mga mall malapit roon.

Umorder din sila ng mga Frappuccino at Iced coffee. Napansin ko din na sanay na sanay sila mag-order sa Starbucks samantalang ako kabang-kaba pa din umorder kahit sa Jollibee.

Guys shopping nalang tayo, maaga pa naman. Tara! Pasabik itong sinabi ni Kenji.

Tara may bibilhin din ako sa Louis Vuitton. Sambit ni Celestina.

Sumunod kami sakanya, habang nag-lalakad kami ay bigla akong napa-isip, Louis Vuitton? Tangina napaka mahal naman nila mabuhay. Sambit ko sa isip ko.

Tumigil nalang ang pag-sasalita ko sa isip ko ng biglang may humatak sa sa pulso ko. Napa-irap ako pero agad akong tumingin ng maayos dahil laking-gulat ko na si Kyler pala yun.

Napansin nya na gusto kong mag-tanong kung bakit nya ako hinatak.

You're about to stumbled in the glass door. Cold nyang sinabi ito sa akin.

A-Ah salamat ah. Pakaba-kaba ko itong sinabi sakanya.

Tumango lamang sya sa akin at pumasok sa Louis Vuitton store.

Sinampal ko ang sarili ko dahil sa katangahan ko. Bobo mo naman Savannah bwiset ka. Inis kong sambit

Tumingin-tingin ako sa mga bag sa Louis Vuitton napa-tingin ako sa isang bag na nakita ko agad kong tinignan ako tag price nito.

Putangina 300,000 pesos?! Makakabili na ako ng maraming painting supplies nito eh eto isang bag lang?! Jusko. Mahina kong sambit.

Makalipas ang dalawang oras ay napag-pasyahan na naming umuwi. Mga 9pm na ako naka-uwi dahil may dinaanan pa ako.

Pag-uwi ko ay napag-pasyahan kong maligo at mag-skincare habang nanonood ng Netflix. Isang oras lang akong nanood ng Netflix isang movie lang pinanood ko dahil gusto kong maaga makatulog dahil may pasok pa bukas.

__________________________________________________________________________________
(:

A Love That Lasts (High School Series  #1)Where stories live. Discover now