08.

15 1 0
                                    

Ala-una na ng hapon ng magising ng sabado, bumawi lang ako ng tulog dahil nagka-insomia ako hindi ko din alam kung bakit. Gaya nga ng sinabi ko, dadalhan ko ng pagkain si Kyler, pasasalamat lang sa ginawa nya hindi ko kasi expected na he will take care of me dahil hindi naman kami masyadong naguusap. Binuksan ko muna ang Instagram ko at nakita ko ang ig story ni Kyler, kasama nya si Kenji, Mateo at Hiro nasa loob sila ng kotse si Kyler ang nag mamaneho kaya nakatalikod ang anggulo nya, nakita ko ang isang babae na nakatabi sa kanya, si Roxy. Kaya pala ayaw nyang makipag lunch saakin today kasama nya pala si Roxy. I-chchat ko sana si Kyler kung saan sila pupunta pero wag nalang, baka isipin pa nya na pakielamera ako sa buhay-buhay nya. Naligo muna ako nag bihis ng pang-alis dahil pupuntahan ko sila mommy and daddy tsaka si Nya my cousin aayain ko sya mag mall with me, it's quite boring kase if I'll go alone.

I get into my car at pumunta na sa house namin it's a lovely day today dahil katamtaman lang ang weather, habang nag-mamaneho ako iniisip ko pa din si Kyler. Ano na kaya ginagawa nila? Are they having fun? Overthink tayo malala sis. After a while naka-rating na ako sa house namin salubong ang bonggang bonggang greet saakin ni Nyx "Heyyy sissyyy, it's been a long timee since you left us!" Wika ni Nyx sabay beso saakin. "Wow ha! Left talaga? Hindi ba pwedeng nasa condo lang ako?" Pang-asar ko sakanya, "*Laughs* I'm just joking around!" Patawa-tawang sambit ni Nyx. "Mamamo joking around" paganti kong sagot sakanya. "Asan si Mommy and Daddy?"agad ko syang tinanong dahil parang sya lang ang tao sa loob ng bahay, "They just texted me pauwi na daw sila." Wika ni Nyx. Matagal-tagal din kaming nag hintay dahil traffic, after a while nakauwi na sila and I think hindi nila expected na darating ako. "Oh anak you're back!!" Wika ni Mommy sabay yakap saakin, Daddy saw me also and hugged me, mukhang miss na miss nila ako.

Maya-maya nagyaya si Dad papuntang dining table at mag lunch nag luto sya ng sinigang at kare-kare sobrang dami kaya naman sinimulan na naming kumain. "How's your school anak?" Tanong ni Dad saakin "Doing fine and may bago na din akong friends sa school unlike before." I replied while chewing my food. "Sis do you have jowa na ba–" My dad cut what Nyx said and said "Wala pa yan! Bata pa yan diba? Wag muna mag jowa kayong dalawa ha!" Wika ni dad, galit yorn? Chos. "Sis do you want to go shopping with me?" Sambit ko habang nag liligpit ng pinag-kainan, "Yeah sure saan tayo?" Tanong nya, "Sm Megamall tayo" I replied. Nag paalam na kami sa parents ko at umalis na.

Nasa car na kami and it was soooo traffic rush hour na kasi kaya traffic. Nyx is busy doing something on her phone ayaw ko naman syang maistorbo kaya nag cellphone nalang din ako habang hindi pa gumagalaw ang mga sasakyan binuksan ko ulit ang Instagram ko para stalkin si Kyler, kaso pag open ko ng account nya wala syang post ang nakita ko lang tuloy yung profile picture nya ang pogi nya don naka black sweatshirt, grey jogging pants at naka Nike Air Force na sapatos, tapos naka stolen shot sya habang nasa yacht sya. Syempre ako tong humimlay. Charot. Habang nakatitig sa picture nya biglang sumigaw si Nyx sa tainga ko "HOY!! WAG KANG LUMANDI PAG NAG MAMANEHO KA! GUSTO MO BANG MABANGGA?!" Wika nito habang naka tingin sa labas nagulat ako sakanya kaya nalaglag yung cell phone ko sa lapag. Hinayaan ko muna yung cellphone ko doon saka ko nalang kukunin pag nag traffic ulit. At ayun na nga nag traffic ulit kaya kinuha ko na binuksan ko ulit ang Instagram ko at nakita kong may story sya. Nasa Sm Aura sila at umiinom ng Starbucks syempre kasama si Roxy, para nga silang mag jowa sa picture magkatabi sila tapos naka-yakap si Roxy kay Kyler. Sinara ko nalang yung Instagram ko bago pa ako maimbyerna sa inggit at nag maneho nalang ulit.

Maya-maya nasa Sm na kami pumunta muna kami sa national bookstore dahil bibili ulit ako ng libro natapos ko na kasi yung libro ng binabasa ko. "Hoy teh sino yung nasa picture kanina? Yung tinititigan mo?" Tanong ni Nyx "Future boyfriend ko. Emz" sagot ko sakanya habang tumitingin ng libro. Hinampas nya ako nung holy bibble na naka lagay sa isang shelf! Jusko patawarin mo sana si Nyx Lord. "Aray ko naman!" Pikon kong sambit kase naman, tumama sa ulo ko! "Lagot ka kay Tito isusumbong kita!" Banta nya saakin, ano akala nya natatakot ako? Syempre oo kaya sabi ko joke lang. After that nag lakad kami papuntang Zara para bumili ng bagong damit tsaka yung isusuot ko sa retreat. Bumili ako ng pink sweater, white jogging pants tsaka five pairs of t-shirts.

Nung gabi na we decided to go home early kasi may pupuntahan ako tomorrow hinatid ko muna sya sa village sabi nya sa main gate nalang sya kaya doon ako huminto. "Thank you sa pag hatid!wika nito sabay labas ng kotse. Makalipas ang mahigit dalawa ng or as ay sa wakas nakauwi na ako. Nagkasabay pa nga kami ni Kyler sumakay ng elevator. Ang awkward namin sa loob kasi kami lang ang tao doon. "where have you been?" Tanong nya na labis na ikinagulat ko, "U-uh sa Megamall, nag-shopping lang kami ng Pinsan ko." "Ikaw saan ka galing?" Dugtong ko rito, bakit? sya lang ba may karapatang mag tanong? Charot. "Sa Sm Aura." Tipid na sagot nito, hindi nya sinabi na kasama nya si Roxanne? Bakit? Ewan ko. Mabilis na bumukas ang pintuan ng elevator kaya dali-dali akong lumabas bubuksan ko na ang pintuan ng condo ko ng marinig ko si Kyler na  nag salita, "Good night." Bati nito, "Good night" sagot ko dito, habang binubuksan ko ang pintuan ko sinusubukan kong hindi sumigaw! Kinikilig talaga ako sakanya!! Kaya nung bumukas ang pintuan ko dali-dali akong pumunta sa kama at sinubsob ang mukha ko sa unan ko sabay tili alam kong OA ako pero bakit ba? Naligo na ako at nag bihis ng sleeping wear at natulog na bukas ko nalang aayusin ang mga pinamili ko tinatamad na kasi ako.

____________________________________________________________________________________________________________

> • <

A Love That Lasts (High School Series  #1)Where stories live. Discover now