28.

16 2 0
                                    

"Muling ibalik, ang tamis ng pag ibig" kanta ni Mateo saamin, kinuha pa kasi ni Kyler yung pink glittery backpack ko at dinala yon, napaka epal!

"May kamay ako!" I snatched my backpack from his hands.

He laughed at me at kinuha ulit yung backpack ko saakin! What does he want? Papansin talaga!

"Gago, nandito pala kayo?" Gulat na sambit ni Ken, nasa ibang upuan kasi siya umupo dahil malamang Thomasian siya, alangang tumabi siya saamin!

"Hindi ba obvious?" I pouted

"Gagi nilampaso niyo naman si Hiro-boy kakagaling lang nyan sa pilay dapat pinag-bigyan nyo!" Sambit nito.

"Hindi naman malayo yung agwat ng scores 'no!" Sagot naman ni Ivy.

"Saan tayo kakain? Gutom na ako hindi pala ako nag-almusal amoy bituka na hininga ko" singit naman ni Zy.

"Buffet tayo, treat ko!" Pinakita ni Gabbie yung credit card nya, siguro binigyan na ulit siya ng allowance ni tita. Sana all! Samantalang ako singkwenta nalang nasa wallet ko. Charot may 10k ako sa isa kong wallet hindi ko lang dinadala kase baka ma-holdap ako!

"Tagal naman putangina gutom na ako! Feel ko ilang minuto nalang matitigok na ako sa gutom!" Ipinag-krus ni Zy ang braso nya at sumandal sa upuan ng pagalit.

"Gaga mag-hintay ka! Kaya hindi ka nagkaka-jowa kasi impatient ka!" Ivy mocked Zy, parang mga aso't pusa! Wala talaga silang pinipiling lugar para mag-away!

"Akin na nga yung bag ko gago ka ba't mo tinatago" I glared at Kyler dahil naiinis ako sakanya for some reason. He laughed at me and throw my bag to my face! Walang hiya talaga tumama sa ilong ko yung malaki kong key chain!

I raised my middle finger to him, kulang nalang saksakin ko siya ng tinidor na nasa table eh!

"Stop that, that's so unlady like"

"Ulol, wala akong pakielam ang sakit kaya!" I shouted, wapakels na ako kapag sinapian ako ng anger issues ko kaya kilalanin niyo muna binabangga nyo! Char.

Maya-maya kumuha na kami ng mga pag-kain medyo kinapalan ko na yung mukha ko dahil inubos ko yung limang pakwan na nasa plato doon sa counter, eh bakit? Papalitan din naman nila yun!

"Alam nyo ba guys, may dala akong Gin" pinakita ni Hiro ang backpack, oo nga meron nga! "Uy magpapa-inom!" Sigaw ni Gabbie

"Shh huwag kayong maingay! Baka marinig tayo ng guard!" Sabat ko sakanila.

"Huling-huli ko si Savi tsaka si Ivy, tinititigan si Levi, crush nyo 'no? Wala kayong chance dun nga gago may jowa na yun!" Biglang sabat ni Hiro.

"Sino yon? Tsaka ano naman kung tinititigan namin? Pogi kasi!" I glared at him.

"Edi yung Montefalco!"

"Si Ivy lang nagkaka-crush doon! Ayokong mag-jowa ng basketball player 'no! Hindi ko sila tipo!" I replied

"Sus! Sabihin mo lang si ano yung type mo!" Sabat naman ni Mateo, tuwang-tuwa pa! Alam ko kung sino tinutukoy nya kaya wag ako! Nakakahiya lang kasi kami lang yung maingay! Ito namang mga epal kong mga kaibigan 'ayiee' nang 'ayiee'!

"Gago!" I whispered.

Kyler is just sitting there eating silently, ganun naman talaga siya dati pa, masyado syang may manners pag nasa hapag-kainan. Well dapat naman talaga ganun. Pero while his eating, he looks so done with us!

"Nabusog ako! Tara inom tayo green tea sa Starbies" sambit ni Tina.

Agad naman kaming pumayag dahil pare-parehas lang kaming busog kaya we entered the Starbucks nearby immediately.

A Love That Lasts (High School Series  #1)Where stories live. Discover now