05

13 2 0
                                    

Shit! 7:30 na! Agad akong tumayo sa kinahihigaan ko at dumiretso sa C.R para maligo, ng matapos ako tumakbo naman ako sa kusina para mag handa ng iaalmusal ko. Nakalimutan kong friday palang pala kaya hindi ako nakapag alarm.Tanga tangang Savannah.Charot. 8am ang pasok ko kaya naman alam ko sa sarili ko na malalate ako. Mga bandang 7:50 na ako naka-sakay ng Jeep.

Nang makarating ako sa campus pumasok agad ako ng room at mamaya nalang sa labas ako kakanin pag breaktime. Noong pumasok ako ng class room lahat ng kaklase ko ay sa akin nakatingin. Nakakahiya tuloy kasi may teacher pa. "You're late Savannah, can you tell me the reason".Tanong ng Science teacher namin. " Sir, sorry I'm late,na-late po kasi ako ng gising nakalimutan ko pong i-set yung alarm ko tsaka na traffic din po ako. " Paliwanag ko habang kinakabahan dahil bago ako sa school tas na-late ako agad. Ano yon teh? Chos

"Ok but next time don't forget to serve your alarm, anak,sit down." Mahinahon nyang sagot. Buti nalang hindi masungit si Sir ngayon dahil napansin ko sa mga araw na lumipas ay para bang is a syang strictong teacher or "Terror na teacher" pero hindi pala. Sabi ko sainyo tamang hinala ako lagi eh. Charot

Umupo na agad ako sa tabi ni Celestina "Excited ka kasing mag-week end eh" pabulong nyang sinabi sa akin. Inirapan ko na lamang sya dahil may point sya excited na akong mag week end. Wala pang mga lesson kaya medyo boring lang sa klase,hinahayaan lang din ni Sir na mag-ingay ang iba naming kaklase pero sabi nya mas maganda din na tahimik lang. Lumabas si Celestina at Gabbie dahil sa meeting ewan ko kung para saan, at wala akong kausap kaya naman napag-pasyahan ko na kulitin si Kyler, wala din syang kausap dahil kasama si Mateo at Kenji sa meeting.

"Bakit ayaw mo sumali sa mga ibang boys na nag-uusap? " bungad ko sa kanya. "Ikaw bakit ka late? " sagot nya dito. Aba bakit bigla nya akong binabara? maayos akong nag-tatanong dito! What's not clicking Kyler?! Charot. Hinampas ko sya sa kanang braso nya dahil naiinis ako. "Umayos ka kase ng sagot" sabay irap sakanya. "I don't wanna talk with them. Alam mo naman na I'm not a talkative person" sagot nya dito. "Eh kung.... Tayo nalang mag usap?". Mga limang segundo pa nyang pinag-isipan. " Sure. " Matipid nyang sagot dito.

Pumasok na sila Gabbie at nakita nilang nag-uusap kaming dalawa ni Kyler. "Woi nag-uusap yung dalawa oh" parang inaasar kaming dalawa ni Kyler. "Bakit ba big deal sainyo pag nag-uusap kami ni Kyler" patawa kong sagot. "Kase teh halatang may gusto ka sa kanya" omg! Ang kapal ng bungo nilang sabihin sa harap namin ni Kyler yon! Bigla tuloy akong nahiya sa pinag-sasabi nila jusko. "Hoy hindi kaya, nag-uusap lang gusto agad?" Nag-deny ako kasi jusmeyo nasa harap ko si Kyler.

Kumain nalang kami ng Lunch sa labas dahil sawa na din sila sa mga pag-kain sa cafeteria. Kumain nalang kami sa Subway ng vegetable salad at sandwich although may isa pa kaming break pero siguro sa room nalang muna kami.

"Gagi nabusog ako ng sobra" sambit ni Celestina habang palakad kami pabalik sa campus. "Deserve mo yan sis nag pumilit kang kumain tayo sa subway", " Tsaka ang mahal pala jan isang salad 399?! " dugtong ni Gabbie dito.

"May lunch break pa tayo later, pero feeling ko hindi na tayo makaka-kain" sambit ni Kenji. "Ganito nalang, punta nalang tayo sa Mega Mall, libot libot nalang tayo kasi ang boring naman pag sa class room lang tayo mag-stay." "Kaya nga yun nalang yung gawin natin." Pag-sasangayon saakin si Celestina at Gabbie

Nag-libot libot kami sa Mega Mall, kumain ng konti tapos bumili sila ng mga bagong damit bumili din ako isa lang hindi ko naman kasi alam na mag-mamall kami kaya hindi ready yung pera ko haha. "May bibilhin ka ba?" Tanong ko kay Kyler dahil pumipili din sya ng damit sa men section. "No" sagot nya dito. Alam nyo naiinis ako pag ang tipid tipid sumagot ni Kyler parang pag naging madaldal sya kasalanan na sakanya.

"Ikaw may bibilhin ka?" Dugtong nya dito. Hindi ko naman expected na tatanungin nya ako noh. "Oo pero isa lang kase baka wala na akong pamasahe mamaya pag-uwi" sagot ko.

A Love That Lasts (High School Series  #1)Where stories live. Discover now