04.

20 2 4
                                    

Haisstt buti nalang 7:30 pa puwede ko pang matapos tong pag-ccross stitch

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Haisstt buti nalang 7:30 pa puwede ko pang matapos tong pag-ccross stitch. Sambit ko. Mga 45 minutes lang ang tinagal ko bago ko matapos ang pag-ccross stitch ko kasi maliit lang naman yung ginawa ko, kumbanga practice lang kasi hindi ko na din masyadong gamay.

Mga 6pm ay nag-simula na akong mag-ayos para hindi na ako magahol mamaya, simple lang yung suot ko para comfortable kahit nasa labas. Ang suot ko lang ay black long-sleeves, black vest at Black na pantalon.

Taray ng Ate mo Savannah mapeya yorn?charot.

Hindi na ako nag-heels kasi ang sakit lang sa paa wala akong time para sa tiis ganda na sinasabi nila.

Maya-maya hindi ko namamalayan na 7pm na pala. Hinihintay ko nalang si Celestina na maka-punta sa condo ko. Sinabi ko na din ang address ko para masadali na syang maka-punta sa place ko.

Mga sampung minuto lang ang lumipas ay nag-chat na sya, sabi nya ay nasa car park na daw sya at ang kulay daw ng kotse nya ay black. Maya-maya ay nakita ko na ang kotse nya at agad na kaming umalis dahil kanina pa daw nandoon sila Mateo.

Sis daanan natin sila Gabbie at Hiro ang kakapal kase ng mukha sabi ko tayo nalang ang mag-sabay eh. Pa-inis nya itong sinambit, Okay lang yon hahaha. Masaya ko itong sinambit. Maya-maya nalang ay nasa condo na kami nila Hiro at Gabbie, mag-kapitbahay sila, buti nalang kasi pag hindi aalis pa ulit kami. Ang shala na porma mo sis parang anak lang ng mafia boss ah. Patawang sinabi ni Gabbie habang papunta sa loob ng kotse. Tumawa na lamang ako at nag-simula nanaman ang pag-chichismisan namin.

What if may makita akong pogi doon tapos bigla nya akong lapitan tas hanapin yung Instagram account ko tapos mag-usap kami tapos mag-kakamabutihan kami tapos naging kami na. Sambit ni Gabbie. Galing mo din mag imagine eh no? Ang layo agad ng imagination mo wala pa nga tayo sa Tiendesitas. Patawang sinabi ni Hiro kay Gabbie. Inirapan lamang ni Gabbie si Hiro dahil inis na sya. May anger issue yern? Chariz

Mga kalahating oras din kaming nasa byahe kaya medyo na-late na kami. Pero okay lang naman daw kasi nag-gagala lang sila Mateo pang-palipas oras lang habang wala pa kami.

Maya-Maya ay nakita na namin sila Mateo sa club hinihintay na pala kami dahil si Hiro ang mag-lilibre ng beer tsaka alak saamin. Nang makaupo na kami napansin kong wala si Kyler, agad kong tinanong kung nasaan sya, Nasaan si Kyler? Nag cr lang sya. Sambit ni Kenji, Ayieee bat mo hinahanap? Pang-asar na sambit ni Gabbie, E'h syempre sabi nya sa akin na pupunta sya eh.

Mga ilang minuto lang nandyaan na si Kyler, laking gulat ko na parehas pala kami ng porma, naka black turtle neck na long sleeves, naka black vest tsaka naka itim na pantalon sya, para bang pinlano namin ang pag-suot ng mga ito,

Uyy couple outfits, pang-asar na sambit ni Mateo, Mafia yern? Baka maya-Maya i-hostage nyo na kami ah, Dugtong pa nya rito, Gaga anong couple outfits? Tanga ka? Pwede bang parehas lang kami ng fashion taste?Patawa ko itong sinabi sakanila. Habang nag sasalita ako napansin kong naka-kunot ang noo ni Kyler parang naiinis na saamin. Sorry na babe chos.

Ang ganda pala dito sa Tiende pag malalim na ang gabi dahil maraming kumakanta at mga bandang pumunta dito kaya naman mas napapasarap din ang pag-inom nila ng alak.

Napagpasyahan ko na lumabas muna ng club dahil maraming tao at maraming nag-yoyosi sa loob. Masarap ang simoy ng hangin dahil malamig. Mga ilang minuto lang ay sumunod si Kyler saakin,Ina-assume ko na sinundan talaga nya ako kaya wala kayong pake.

Bakit ka lumabas? Tanong ko sa kanya, It's a bit noisy. Maikli nya lamang sa sinagot ang akong tanong, Mga segundo kaming natahimik kaya nag isip ako ng itatanong ko sakanya, Umiinom ka? Tanong ko sa kanya, No. Ah ok, hmm kumain ka na? Yes. Ano to teh? Fast talk? Isang tanong isang sagot tong si Kyler hanep parang kada-salita na sa sabihin nya isang libo agad babayaran. Minsan pahabain mo naman sasabihin mo. Pasalamat ka pogi ka tsaka crush kita ah, charot

Maya-Maya nalang ay naririnig namin sila Mateo na tinatawag na kami. Huy saan ba kayo nag-punta? Sambit ni Kenji. Nag-pahangin lang kami ni Savannah. Sagot nya dito. Nag-pahangin nga ba? Pang-asar na sinambit ito ni Celestina na para bang iniisip nya na nag-landian kami sa labas. Teh you wish, Hindi nga kami halos nag-usap eh.

Makalipas ng dalawang oras lasing na ang iba naming kasama, lalo na si Hiro, Teo, what if tayo yung endgame? Lasing na sinambit ito ni Hiro. Puta gago ka? Bat ka ba nababakla pag lasing ka? Ehhh paano yung crush kita. Sambit ni Hiro, what the fck?. Maya-Maya nalang ay bigla nalang naka-tulog si Hiro dahil sa kalasingan.
Habang papunta sila ng carpark biglang niyakap ni Hiro si Mateo patalikod, Bading ka ba? Inis na tanong ni Mateo kay Hiro, Hayaan mo yan bro lasing eh. Sambit ni Kenji.

Uuwi na din kami dahil lasing na din sila Gabbie at Celestina. Kami lang ni Kyler ang hindi uminom. Si Kenji ang nag maneho ng Kotse ni Celestina Habang si Mateo naman ang nag babantay kanila Hiro,habang sinasakay ni Mateo si Hiro ay kitang-kita kong sumuka si Hiro. Yan inom pa sis ganyan gusto mo panindigan mo!

Sinundan ko si Kyler sa car park dahil hindi ko din alam, at bigla nya akong tinanong, paano ka uuwi? Tinanong nya ako habang may inaayos sya sa trunk ng kotse nya, mag-aabang  ako ng Jeep tapos bababa sa Cubao tapos sasakay ulit ng Jeep. I think it's not safe anymore. I guess I need to drop you off to your place, ng bigla nyang sinabi ito para bang gusto kong sumigaw sa kilig. My gosh ihahatid ako ni crush sa bahay ko. Wala na teh alam na nya yung bahay ko, baka magustuhan na nya ako nyan, Hindi sa assumera ako pero parang ganon na nga.

Where do you live? Tanong nya habang iniikot nya ang manibela ng kotse nya. Ah sa New Maila, Malapit lang sa BGC. what? Teh bat parang nagulat ka?chos.I also live in New Maila. Hoy Legit? Masabik ko syang tinanong. Yes, and may I know kung anong building ka? Sis bat nya tinatanong? Gusto ba nya talaga ako?! "Uhh" kinlaro ko muna ang lalamunan ko bago mag-salita. Sa Building B ako sa 20th floor. B24 yung address ko. Pak ganon dapat full details tayo para pag manliligaw sya alam nya saan sya pupunta. Charott.

Wow, what coincidence parehas tayo ng building at floor, sagot nya dito. Ay wow sis ang swerte ko! Kapit bahay ko si crush hihihi, Maya-Maya ay naka-rating na kami sa New Maila at sabay na din kaming sumakay ng Elevator, ang awkward namin sa loob ng elevator sobrang tahimik namin. Wala pang ibang tao, just me and him alone. Chos

Mga 25 minutes lang nasa 20th floor na kami. Thank you sa pag-hatid. Sambit ko, You're welcome. Good night also. Dugtong nya dito sabay umalis na sya sa harapan ko. Teh hintayin mo naman ako mag g-good night pa ako eh. Bwiset naman. Pero atleast nag good night sya. Pumasok na ako sa apartment ko sabay tili sa kwarto ko. Huwag kayong mag-alala sound proof tong apartment ko kaya hindi ako makakabulabog hahaha. Hayyyy this is the best night ever. Sambit ko, hindi ko na namalayam na naka-tulog na pala ako.

___________________________________________________________________________________________________________________________

<333

A Love That Lasts (High School Series  #1)Where stories live. Discover now