26.

12 1 1
                                    

Tinanghali ako nagising ngayon dahil pinagpuyatan ko yung plates ko, tama ang nasa isip nyo, late ako! Sumakay na ako ng jeep dahil wala akong pang-gasolina ngayon wala pa akong allowance baka sa susunod nalang ako mag kotse.

"Wow sinong late" salubong saakin ni Zylene, kaklase ko. I rolled my eyes and sat down in my chair.

"Tapos ka na sa plates mo" tanong niya. "Hindi pa, puyat na puyat nga ako kagabi tsaka kahapon hindi ko pa din tapos nakakabwiset" I threw my notebook and my books. Pero pinulot ko pa din 'no baka makita ako ng prof ko ng nagdadabog ibagsak pa ako!

Tinawanan pa ako ni Zy! Palibhasa tapos na sya plates alam mo na sunod diyan! Mag-aaya na yan ng inuman!

"Inom tayo!" Sigaw naman ni Ivy sa malayo, sabi na eh!

"Saan? Pop up?" Tanong Zy, "Hindi sa Dapitan may mga pogi daw dun, 'e" sagot naman ni Ivy. Bakit sa Dapitan pa ang dami dito malapit eh!

"Layo, gusto nyo kayo nalang tapusin ko pa plates ko" sambit ko naman sakanila habang nags-sketch ng panibagong plates na kailangang ipasa. Nakakastress puro plates kulang nalang pati ulam ko plates eh!

Konti nalang naman na yung gagawin ko sa plates ko kaya pwede ako sumama tsaka biyernes ngayon walang klase bukas kaya pwedeng pwede!

"Sige na! Ito naman minsan lang oh! Tsaka let's celebrate my long time crush finally noticed me!" Sagot naman ni Ivy.

"Siguraduhin nyo lang na hindi ako magdadala sainyo pauwi kapag nalasing kayo ah!" I replied.

Natahimik muna ako saglit dahil tinatapos ko na yung plates ko para sa susunod na linggo ko na ulit.

"Sana all nalang tapos na sa plates, diba, Zy?" Bigla namang sumulpot si Nicholas, pa-sana-sana all lang yan pero halos lahat ng plates nyan tapos na, Inentertain nya lang ako dahil mukha daw akong problemado sa plates! Aba syempre hindi lang basta gawa-gawa keme keme yan 'no! May grades yan!

"Sama ka saamin mag-iinom kami sa Dapitan" yaya naman ni Ivy kay Nicholas. "Sige, dahil first time ako niyaya ni Ivy libre ko na kayo ng grab" sagot naman ni Nicholas. Wow rich sana always ganyan. Charot.

"Yayain mo din si Mia at Zeph sabihin mo libre na nila yung beer, pero char char lang pero sabihin mo padin malay totohanin nila" sambit ni Zy. Yan nanaman po siya umaasa sa libre pero parehas lang kami babawi naman kami kapag meron!

Si Zy and Ivy pala yung mga ka-roomates ko super close kami dahil marami kaming mga similarities sa wants naming tatlo, parang besties kami! Pero of course hindi ko padin kakalimutan si Gab at Tina since high school sila yung mga friends ko.

After class pumunta ulit ako ng Ust, pinapapunta ako ni Nyx eh. Gusto lang siguro ng kausap non, pero ba't 'di nya kausapin si Hiro? Ewan ko ba! Sumakay ulit ako ng jeep papuntang Ust ang layo sayang sa pamasahe!

Dumiretso agad ako sa hospital dahil hindi pa pwedeng idischarge si Hiro, kawawi naman. Char.

"Oh ba't nyo 'ko pinapunta dito?" Salubong ko sakanila, tulog si Hiro kaya dahan dahan akong nag-lakad papunta kay Nyx.

Hinila nya ang kamay ko at umalis na kami sa hospital, gusto lang pala akong kausapin!

"Alam mo ba?" Panimula niya, "Hindi." Sagot ko dito habang kinakain yung kwekwek na binili ko, "Nakita ko si Kyler dito sa Ust! As in here! Kasama pa nga nya yung daddy nya! I mean wala kang pakielam dun alam ko yun pero it's just weird!" Sabi nya.

"Buti alam mong wala akong pake! Tsaka ano naman kung nandito siya? Gawin nya gusto nya 'no!"

"Korique ka diyan madam!" Sagot nya.

A Love That Lasts (High School Series  #1)Where stories live. Discover now