"Uy ano saan sila?" Tanong ni Gabbie, "N-Nasa lake lang sila" I replied while trying my best not to cry, "Sige, sa tent muna ako babalik din ako" dugtong ko dito, pumasok ako sa tent at humiga ako sa higaan, hindi ko na mapigilan na umiyak sa sobrang sakit, ganito pala maging broken hearted, yung puso ko parang dinudurog. Lulubayan ko nalang ba sya? Lahat naman ginawa ko bakit iba padin yung pinili?! Nagpapaka-tanga ba ako sakanya? O sadyang tanga ako sa pag-ibig? Hindi ko alam!! Halos hindi na ako maka-hinga sa kakaiyak, ang mga nangyari kanina ay para bang nage-echo sa utak ko. Pero kung si Roxy ang pipiliin nya, magiging masaya ako para sakanya, para sakanila. Kahit anong mangyari I will love him unconditionally. Maya-maya pumasok si Gabbie at Tina sa tent namin, pinunasan ko agad ang luha ko at tumayo. "Beh okay lang yan nandito naman kami" wika ni Gabbie na para bang cino-comfort nila ako, sa sinabi nya, naiyak nanaman ako dahil sobrang sakit talaga, nag-seselos ako. Pero wala naman ako sa buhay ni Kyler, kundi kaibigan. Hinaplos-haplos ni Tina ang likod ko dahil naiiyak nanaman ako.
Pumasok din si Hiro sa tent namin at nakita nya akong umiiyak, he cupped my face and said "Stop crying, you don't deserve to be like this, hm?" While wiping my tears. He hugged me and keep saying "Stop crying", ang sarap sa pakiramdam na may nag-cocomfort sayo. Pumasok din si Mateo at Ken sa tent namin, sabay-sabay nila akong niyakap, sa mga oras na yon naramdaman ako na mahal na mahal pala ako ng mga kaibigan ko, they're treating me as their family. Pinatulog na nila ako sa higaan ko lumabas muna sila maliban kay Hiro, " Sleep kana, you're tired from crying," sambit nya while caring my hair. Tumango na lamang ako dahil malat na malat na ako kakaiyak, I saw him going out to the tent at bumalik na sa bonfire. Nakatulog na din ako dahil pagod ako kakaiyak, nagising nalang ako ng gisingin ako ni Gabbie at Tina dahil aalis na daw kami, two days and one night kasi kami sa laguna, nag-ligpit ako ng higaan ko at nag-ayos din ako ng sarili ko, nag-hilamos at nag makeup ako. Sinuot ko yung mask ko at yung bucket hat ko para matakpan yung mukha ko, namamaga kasi yung mata ko.
Wala pa akong kain, kaya kinain ko nalang yung Pringles sa bag ko, maya-maya sumakay na ako sa bus ako pa lang yung una doon kase pwede namang sumakay habang hindi pa umaandar kasi nakabukas naman na yung aircon sa loob, nag-cellphone lang ako doon ayokong mag stay sa field makikita ko si Kyler at Roxy, maalala ko nanaman yung kagabi. I pretend that I was asleep when Kyler suddenly go inside the bus. Kaming dalawa lang roon dahil sila Gabbie may ginagawa pa.
Kyler's pov; I saw Savi entering the bus early, I guess so didn't want to see me after last night. "Morning" bati saakin ni Roxy, I just pretend na wala akong narinig I dont want to talk to her I'm so mad sa ginawa nya last night. I entered the bus as well and gusto ko sana makipag usap sakanya but she is asleep I just seat besides her since doon naman talaga yung proper seat ko.
Savi's pov;Ang tagal naman nyang bumaba ng bus tangena hindi na ako makahinga sa kumot ko! Tinry ko gumalaw kunware nagising ako, sinuot ko yung airpods ko at nag patugtog ng malakas para hindi nya ako kausapin. Hindi rin nag tagal umandar na yung bus namin, sobrang traffic pero dinadaan ko nalang sa tulog para hindi ako maiinip. I saw Hiro keep looking at me kaya I message him
*On chat*
:Hoy
Hiro:Yow
:Bat ka tingin nang tingin saakin? Manyak ka ba?
Hiro:Gagu HAHAHAHAHAHA hindi ba pwedeng chinecheck lang kita kung okay ka lang?
:K.
Hiro:Kumain ka nga, hindi ka nag breakfast :(
:Ayoko.
Hiro: Edi wag tanginamo magutuman ka sana pakyu <33
: Pasampal nga
Hiro:Ayoko matutulog ako
:Sige sana bangungutin ka
Wala talagang kwenta kausap si Hiro bwiset. Try ko nalang matulog, sana may gumising saakin pag nasa gasoline station na naiihi ako. Hindi ko namalayan nakatulog pala ako isang bus stop na pala nalagpasan ng tulog ko. Nagising na ako dahil naiihi na talaga ako sana malapit na yung susunod na bus stop. Noong tumigil na ang bus agad akong bumaba para mag c.r at bumili ng matinong pagkain dahil hindi pa ako kumakain ng kanin. Noong bumalik ako sa bus nag tama ang tingin namin ni Kyler, nasa tabihan sya ni Mateo tsaka ni Ken mukhang nag-uusap sila, agad akong tumingin sa iba gusto ko sana makipag usap kasama si Gabbie at Tina kaso parehas silang tulog, si Hiro nasa back seat kaya tumabi ako sakanya.
"Pssst" bati ko sakanya, "Tabi ka sakin kain tayo," yaya nya saakin habang binubuksan ang cookies tsaka frappe na inorder nya sa Starbucks. "Yun na nga gagawin ko, tanga ka?" pang-asar kong sambit. "Inamo bigla kang nagagalit ihulog kita sa bangin eh" sagot nya dito, "Edi wow, gawa?gawa?" patuloy ko syang inasar habang kumakain kami hanggang sa hindi na nya napigilan,pinakyu na nya ako. "Tulog ka nang tulog kanina para kang walang tulog kagabi ah" pag-aalala nya saakin, hindi maayos yung tulog ko kagabi hindi kasi ako sanay dahil hindi ko naman kwarto yung tinutulugan ko. "Hindi ako nakatulog ng maayos." Sagot ko dito habang umiinom ng strawberry juice na binili ko.Habang kumakain ako napansin kong nakatitig si Hiro saakin, "Oh? Bat ka nakatingin?" Tanong ko sakanya hindi sya umimik sandali and he suddenly wipe my mouth with his finger! "Tanga mo kumain, may mga dumi-dumi ampota" sambit nito habang umiiling. Sorry naman noh!
Uwian naman na kaya hindi na ako bumalik sa upuan ko, si Hiro katabi ko sa upuan nandoon kami sa pinaka likod ng bus. Nang magising ako nakita ko na gabi na, ginising ko si Hiro para tanungin kung nasaan na kami dahil sure ako na alam nya dito. "Hiro?" sambit ko sakanya habang tinatapik ang balikat nya. "Hmm?" He replied I think I bothered him, "Where are we?" Tanong ko, "I think malapit na tayo" sagot nya rito. Mukhang hindi nya din sure, siguro malayo-layo pa kami. Traffic kase kaya napatagal. Mga isang oras na nakalipas nang dumating na kami sawakas sa campus namin. Nag-sisiuwian na ang iba kaya umuwi na din ako, gusto sana akong ihatid ni Hiro pero tumanggi ako dahil pagod sya, ayoko namang mag-drive pa sya ng malayo.
Umakyat ako sa overpass at sumakay ng jeep sa kabilang kalsada. Noong makarating na ako sa condo umupo muna ako sa lobby, ayokong makasabay si Kyler. Saktong pumasok na sa loob si Kyler, inaayos ko yung bag ko kaya hindi ko sya napansin, noong naka-akyat na sya. Sumunod ako tinagalan ko muna baka maabutan ko pa syang naglalakad sa hallway. Noong nasa condo na ako niligpit ko lang yung bag ko at naligo ako. 7:30 pm na ako nakauwi at humiga na ako sa higaan ko at nag cellphone. Nang binuksan ko ang Instagram ko,nasa conversation pa ako ni Kyler! Nakakainis naman!! Kinakalimutan ko nga yung mga nangyari eh! Noong matutulog na sana ako, naalala ko nanaman yung mga nangyari kagabi. Ang hirap kalimutan ng mga pangyayari, gusto kong kalimutan pero hindi ko kaya! Kahit anong gawin ko pumapasok at pumapasok pa din sya sa isip ko. Tinry ko nang matulog, although walang pasok bukas our teachers let us rest tomorrow dahil nakakapagod talaga sya.
____________________________________________________________________________________________________________
</3
YOU ARE READING
A Love That Lasts (High School Series #1)
RomanceSavi, a daughter of a retired pilot and the ceo of a large company, is a practical and down to earth woman who falls in love with the rich and burly male son of doctors named Kyler. Started: 01/25/22 Ended: 05/11/22 Cover from Pinterest (CTTRO)