Dalawang buwan na din nung nag transfer ako sa Cypress University. Maganda naman ang naging flow ng buhay ko mula noong lumipat ako sa school na ito. Naging mas productive ako at mas nag focus na passion ko which is painting. Pangarap ko kasing maging painter kaya naman gino-goal ko na mag-karoon ng sarili kong masterpiece.Marami na ding nangyari sa aming mag-kakaibigan pero hanggang ngayon hindi ko pa din makausap ng maayos ang crush ko. S@d l4yF chos. May bago nga pala kaming kaklase, sya si Roxanne Ramirez. To be honest hindi ko type yung ugali nya, masyadong mataas ang tingin nya sa sarili nya feeling nya sya ang may-ari ng school.
Ang mas nakakainis pa doon ay lapit sya ng lapit kay Kyler and Kyler is already annoyed with Roxanne dahil sa mga inaakto nito.Free time namin sa school dahil ang dalawa naming teacher ay absent, may pinagawa sila saamin pero madali lang naman kaya naman ay natapos namin agad. Maya-Maya ay lunch time na kaya lumabas kaming lahat papuntang Cafeteria. "Uhm Kyler can we have lunch together?" Sambit ni Roxanne habang nag-liligpit ng gamit "Pwede ka namang sumama saamin if you want?" Sagot ni Kyler dahil para bang ayaw nyang bukod saamin. "No!", " Gusto ko tayo lang, just me and you together!"Dugtong nya dito. Ang arte talaga non lumalayo na nga lang ako kasi kumukulo yung dugo ko sakanya!!
"I can't do that, sorry." Sambit ni Kyler. Huy! Bat ka nag-sosorry?! Ano sya gold?. Noong narinig ni Roxanne ang sinambit ni Kyler ay nag agad syang lumabas ng classroom ng padabog. Dasurb mo yan ghorl!chos
"Bakit hindi ka pumayag mag lunch kasama sya?" Tanong ko kay Kyler habang pasakay kami ng Elevator papuntang cafeteria, "Ayokong kasama si Roxy." Sanaol ginagawan ng nickname diba?! Baka naman Kyler! Charot. Pag-bukas ng pintuan ng Elevator sumalubong saamin ang galit na mukha ni Celestina at Kenji. "At bakit iniwan sa loob ng classroom?" Siningkitan kami ng Mata ni Kenji. "Required bang kasama yung crush sa loob ng elevator ng kayo lang?!" sabay hampas sa balikat ko.
Umupo na kami sa upuan namin at kumain na, as usual, daldalan to the max kaming lahat habang kumakain pwera lang kay Kyler dahil nakikinig lang naman sya saamin. Kapag may tinanong sakanya, saka lang sya nag sasalita. "Napipikon ako kay Roxy" Sambit ni Gabbie habang kumakain ng Tangerines. "Kaya nga nakaka-bwisit yung ugali non akala ko mag babago na yon once na bumalik sya dito sa Cypress", " Hindi ba sya tinuruan ng good manners sa school nya sa U.S?!"Dugtong ni Celestina dito habang umiinom ng grape juice nya. Hindi ko expected na back-stabber din sila pag hindi nila gusto yung isang person.
"Kaklase nyo si Roxanne dati?" Tanong ko "Yeah she's the very annoying student in my opinion, she's a red flag na nakakapag salita!" Mukhang malaki ang galit ni Gabbie kay Roxanne. "Ang ganda sana ng nickname at name nya! Kaso yung may pangalan nun napaka pangit!" Sambit ni Celestina habang tumatawa. Tahimik lang yung mga boys kumakain habang pailing-iling si Mateo saamin. "Huy! hinay-hinay naman pagba-backstab, baka marinig nya tayo" Saway ko sakanila dahil nasa paligid lang si Roxanne baka marinig nya. "Pake nya? Duh wag syang magagalit dahil totoo ang sinasabi namin hahaha" Sagot ni Gabbie sabay akbay saakin.
Nasa room na ulit kami at wala pa rin kaming teacher! NAKAKA-BORING NA! kung pwede lang maka-paglaro ng Codm kanina ko pa ginawa! Habang naka-upo sa upuan ko naisipan kong mag-paint dahil dala ko yung paint brush at Acrylics ko. Nung matatapos ko na, out of nowhere, sumulpot si Roxanne sa tabihan ko! "Aww it's so pretty!" She said it sarcastically even tho she said a compliment like that I still thank her. "Thank you" sabay irap pero hindi nya na kita yon HAHA.
Noong tapos ko na yung ginagawa ko, bigla nyang tinapunan ng orange juice yung painting ko! "Oops! Sorry haha not sorry!" Sambit nito sabay umalis sa harapan ko! I swear kung wala lang kami sa classroom kanina ko pa sya sinabunutan. I was left dumb-fooled sa ginawa nya. Halos maiyak ako sa ginawa nya. I'm a soft-hearted person Kaya naman mabilis talaga akong maiyak kahit sa maliit na bagay. Kahit dahil lang sa sinigawan ako umiiyak ako. I can't believe kahit ngayon meron pading may ayaw saakin sa bago kong pinapasukan na school.
Mabilis akong tinulungan ni Celestina at Gabbie, kumuha sila ng tissue at pinunasan nila yung damit ko dahil pati yung damit ko natapunan din. "Hayaan mo yung babaeng yon buang na yata yun eh bigla biglang naninira ng paint" Sambit ni Gabbie habang cino-comfort ako dahil hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko sa pisngi ko. "Tangina yon teh gago yun pag inulit nya yon kami na ni Gabbie makakalaban nya hayop sya" Galit nyang sinambit ito, ngayon ko lang naramdaman na protektahan ng sarili kong mga kaibigan. Nagulat ako ng bigla nalang ibinigay ni Kyler ang hand towel nya. "Wipe your tears, its okay." tinanggap ko ito at pinunasan ang luha ko.
After 3 hours uwian na kaya lumabas na ako ng classroom at nakasalubong ko pa si Roxanne! "See you tomorrow, loser!" Sambit nito habang binubuksan yung kotse nya. Parang tuloy bumabalik na sa dati yung buhay ko sa pagiging student. Pero kailangan kong labanan ito kasi pag hindi, iisipin nya naweak ako pero hindi!!
Mga 5:30pm ako naka-uwi sa condominium ko, pag- ka pasok ko ay nag-bihis ako pang-bahay at kumain kase nagugutom ako. Pag-tapos ko tinignan ko yung Instagram ko at na kita kong active si Kyler at meron syang isang post! Nasa veranda sya ng condo nya at nag picture sya ng sunset na may caption na "All I ever wanted was to dream another sunset with you." Sino kaya tinutukoy nya? May jowa na kaya sya? Hayst over think tayo malala. Charot.
Agad akong lumabas ng veranda ko at nakita ko sya, kumaway ako sakanya at noong mag-tama ang mga mata namin,and I saw his cute smile. I'm slowly falling in love with him, I said that I will never love someone because it's just a waste of time but when Kyler came to my life nakalimutan ko ang lahat ng sinabi ko.
"Ang ganda ng sunset noh"sambit ko tumango lamang sya sa sinabi ko at nakasimangot. Mukhang malalim ang iniisip nya. Iniisip ba nya ako? Eme
Mga 8:30 naka-higa na ako sa kuwarto ko, napag-pasyahan kong mag-laro muna ng Codm mag-isa kahit I lang beses na akong naghahanap ng ka duo. Inistory ko ang rank game ko dahil victory kami at ako ang MVP. Maya-Maya, napansin kong nag-chat si Kyler saakin.
KylerLaude:Nice game :)
Huh? Nice game? Magkalaban ba kami?
:Mag-kalaban ba tayo? HAHAHAHA
KylerLaude:Yeah I'm that player
Hoy gagi naglalaro pala sya ng Codm! Kaya nga mula ngayon sisipagin na ako mag Codm
:Palagi kang nag-lalaro?
KylerLaude:No.
:ay ok
Maya-Maya natulog na ako dahil sanay na akong matulog ng maaga hindi katulad dati.
_________________________________________^ _ ^
YOU ARE READING
A Love That Lasts (High School Series #1)
RomanceSavi, a daughter of a retired pilot and the ceo of a large company, is a practical and down to earth woman who falls in love with the rich and burly male son of doctors named Kyler. Started: 01/25/22 Ended: 05/11/22 Cover from Pinterest (CTTRO)