"Nasaan na sila?" Tanong ko sa isa sa mga black guards nang makalabas ako sa opisina
"Nasa gate na po" he answered
"Anong ginagawa?"
Bago ako nito sagutin at itinapat nito ang walkie talkie at may kinausap, nang matapos ay yumuko ito at sinagot na ang tanong ko
"Nag uusap po sila hindi marinig ng mga kasamahan ko dahil pinalayo sila ni Mr. Lopez"
Inayos ko ang pagkakatupi ng sleeve ng polo, anong karapatan niyang utusan ang mga black guards ko? Asshole.
Pumasok ako sa Cafeteria at bumili lang ng maiinom bago lumabas muli at nagtungo sa garden kung saan nakita ko ang mga ibang council na nagtatanim ng mga bulaklak sa bagong hukay na lupa, tumayo si Tea sa pagkakaluhod sa berdeng damuhan at pinunasan ang pawis sa mukha at leeg, inalis na din nito ang gloves na supt pati na din ang sumbrero at sumilong sa gilid kaya nilapitan ko siya at binigay ang malamig na tubig
Nagulat ito sa biglaang pagsulpot ko
"President, amoy pawis ako" lumayo ito sa akin
"Wala akong naaamoy" ani ko
"May kailangan ka ba? Sinabi ni Page na bumisita si Mr. Lopez"
Tumango ako "may nakaraan ata si Montello at si Lopez"
"Baka may relasyon ang dalawa President diba at usap usapan na si Mr. Lopez pumapatol ng kapwa lalaki? Nahuli nga daw itong nakikipaghalikan sa isang teacher na nagtatrabaho sa unibersidad niya"
Told you, he's up to no good.
The way they looked at each other, Montello and Lopez. Halatang may nakaraan na at aminin man o sa hindi mas malambing si Montello sa Lopez na iyon, Mr. Flame huh? Tinawag niya din akong Mr. Flame, dahil ba nasa harapan ako ng Lopez na iyon?
"Anong balita dito?" Pag iiba ko ng usapan
"Malapit na kaming matapos"
"tomorrow morning, all of the students must participate, bigyan sila ng tig iisang buto at itanim sa mga bakanteng lupang makita" tumango ito "the treasurer, call him"
Umalis si Tea sa harapan ko at bumalik na kasama na si Neil ang Treasurer, inayos ni Neil ang papahulog na salamin
"President?"
"Magbibigay ako ng tatlong black guards para sumama sayo kapag bibisita si Mr. Lopez, ikaw na din ang inaatasan kong kumuha ng bayad nito, kung wala siyang maibabayad huwag papasukin, understood?"
"Noted, P...President"
"Ang ibabayad niya sa pagbisita niya dito sa university ay hindi mo ipapasok sa pangalan ko, paghati-hatian niyo ng mga council" tumalikod ako at umalis na sa garden
Masiyado nang puno ang card ko, hindi naman ako magastos kaya walang nangyayari
"Pinsan!" Napapikit ako at napahilot sa sintido ng patakbong lumapit sa akin si Diggy
"What?" Inis kong tanong
"Relax ka lang lagi ka na lang lagit, walang pinagbabago, akala ko kasama mo si Montello? Pinatawag mo pa nga siya eh, nasaan siya?" Sinilip nito ang likuran ko nagbabakasaling makita don si Montello
BINABASA MO ANG
Keeping Up With A Crazy Bottom(COMPLETED)
General FictionHorny he is... lusty he is.... A Crazy bottom loves to play trick and naughty things when he's on a mood, well let say he always in the mood, Montello De Cilio a naughty, horny crazy bottom meets the Quiet cousin of his friend. "Do you ever just loo...