43: Montello

3.2K 142 31
                                    

"Montello" napamulat ako ng mata nang may marahang yumugyog sa balikat ko "wake up, you need to eat dinner, ipagpatuloy mo nalang tulog mo pagkatapos mong kumain"





"Wala akong gana" mahina kong wika





"Magana ka naman kumain nang mga nakaraang araw"





"Magkakalahating buwan na Jeremiah pero hindi pa din nagigising si Flame, hindi ko na alam kung anong gagawin ko." Napasabunot ako sa buhok at tinukod ang dalawang sika sa tuhod "paano ako gaganahan kumain?"




Nagsimula itong balatan ang mansanas at hinati sa apat bago binigay sakin ang isang piraso, hindi ko sana kukunin pero inilapag niya na iyon sa palad ko. Nagtungo ito sa banyo at narinig ko ang pag agos ng tubig, he's washing his hands.




"Hindi matutuwa si Sanista kung malaman niya na hindi maayos ang pagkain mo" seryoso niyang sabi nang makalabas ng banyo "kumain ka ng kumain para pag nagising na siya ay may lakas ka"





Inisahang subo ko ang mansanas, tumayo at lumapit kay Flame, kinuha ko ang baso na nasa gilid at pati na din ang straw, ilang beses kong idinampi sa tubig ang straw bago ilapat sa bibig ni Flame at basain ang labi nito dahil tuyong tuyo na at nagbabalat, kapag magtatangka namang akong tanggalin ay magdudugo kaya ang ginagawa ko binabasa ko nalang ng tubig o nilalagyan ng vaseline na para sa labi para hindi mamalat.





Hindi na ako natutuwa sa ginagawa mo Flame, nag pi feeling sleeping beauty ka diyan kapag tinaggalan mo pa ang pagtulog mo ay hindi kita papansinin ng isang taon kapag nagising ka na, hindi ka ba naaawa sakin? Miss na kita, miss ko na pagsusungit mo sakin------napalayo ako ng kaunti habang si Jeremiah ay napatigil, sabay kaming napatingin sa mga daliri ni Flame ng mag flinch iyon hanggang dahan dahan nang gumalaw, nanlaki ang mata ko at binitawan ang baso at straw.





"Im going to calk the doctor" lumabas si Jeremiah





"Flame....can you hear me? Umungol ka kung naririnig mo ko" hinaplos ko ang noo nito





Ngumiti ako at pinunasan ang luha nang makita si Flame na dumilat at tumitig sa kisame, ilang minuto ang tulala scene niya siguro ay iniisip niya kung nasaan siya, bugok nasa hospital ka! Dahil ang tagal na niyang nakatitig sa kisame ay hinarang ko na ang mukha ko sa paningin niya, kapag sinabi lang niya na hindi niya ako maalala iuuntog ko ulo niya sa dingding ora mismo!





"Montello" paos na paos niyang binanggit ang pangalan ko "may pasa ka ba? Gasgas?"




Kahit wala siyang lakas ay inabot niya ang kamay ko at pinasadahan ang buong katawan ko, umikot pa ako para makita niya pa ng maayos.




"Merong gasgas pero dahil kalahating buwan na ang nakalipas ay wala na" ani ko





"Say what?" Kunot noo niyang tanong





Tinulungan ko siyang makaupo, uminom siya ng malamig na tubig at halos nakatatlong baso na siya.




"Kalahating buwan ka nang walang malay" pinag cross ko ang dalawang braso "masiyadong napagod ang katawan mo at maraming nawalang dugo sayo"





Pumasok ang doctor pati si Jeremiah, lumayo muna ako dahil chineck si Flame, nagkatinginan kami ni Jeremiah tinapik tapik nito ang likod ko, i mouthed thank you dahil halos samahan niya ako dito sa hospital at siya lagi ang nagluluto ng breakfast, lunch at dinner ko dahil ayoko sa mga binibigay na pagkain dito sa hispital. Si jeremiah din ang karamihan na nag aalo sakin kapag naaabutan niya akong umiiyak sa gabi dahil sa pag aalala kay Flame, im lucky to have him.





Keeping Up With A Crazy Bottom(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon