"Hijo, kailan daw gigising ang anak ko?"
"Mrs. Garcia, sinabi nang doctor na gigising si Sanista ngunit hindi alam kung kailan" sagot ni Jeremiah kay Mrs. Garcia na kakadating lamang
Napakapit si Mrs. Garcia sa braso ni Jeremiah, inalo naman siya ni Jeremiah at sinabi na magiging ayos lang ang lahat. Malaki ang pasasalamat ko sa doctor na nagpabalik sa buhay ni Flame, sinabi nito na napakaswerte daw namin dahil nadala kaagad namin ito sa hospital dahil kung hindi ay baka tuluyan nang sumuko ang katawan ni Flame lalo na at ang daming nawalang dugo sa kaniya at bugbog sarado ang katawan, nag volunteer din ako na magbigay ng dugo kay Flame same blood type kami at masarap si Flame kaya ayokong mawala siya.
Inalalayan ni Jeremiah si Mrs. Garcia papunta kay Flame na nakahiga at nakapikit ang mga mata, ang gwapo pa din pwede pa ding sakyan.
Nanginginig ang kamay na hinaplos ni Mrs. Garcia ang pisngi ni Flame at hinalikan ang noo, she really loves Flame.
"Jusko ano ang nangyari sayo anak? Bakit ka nauwi sa ganitong sitwasyon?" Naluluhang ani nito "gumising ka na"
Sila Page at mga kasamahan sa council ang may hawak ngayon ng Sanfabio kasama si Diggy, Darwin at Herori sila muna ang mag aayos ng mga nasira at mag ha-handle sa mga estudyante, hawak na ng mga pulisya ang ibang nahuling tauhan ni Peter at si Peter na hindi na makilala pa ang mukha dahil sa kagagawan ni Christ, dapat nga hindi na siya binuhay ni Christ dapat tinuluyan! Pasalamat yun at iniisip ko the whole time si Flame habang kine-clear ko ang dadaanan namin papalabas, mababalatan ko siya ng buhay dahil ang daming sugat ng mahal ko sa mukha na pinaka iingat ingatan niya!
"Mrs. Garcia, ihahatid ko na po kayo pabalik sa Sanfabio at ipapaalam namin sa inyo kung nagising na ba si Sanista" magalang na sabi ni Jeremiah
Tumango si Mrs. Garcia at pinunasan ang pisngi at muling hinalikan sa noo si Flame at lumabas, hawak hawak ang kamay ni Flame ay hinalikan ko iyon at umupo sa tabi niya.
Yung masasamang damo matagal talagang mamatay tignan mo tong nakahiga ngayon ibinalik kaagad ni lord hindi ata tinanggap sa langit dahil sa mga ginawa niya sakin, ikaw kasi ihh! Kung tinanggap mo na noon pa man ang magandang katulad ko edi sana clear na ang mga kasalanan mo sa itaas pero hindi eh pinagtabuyan mo ako, sinaktan, pinaiyak at dinurog ang puso ko pero sa lahat ng ginawa mo sakin nananatili ka pa din na mahal ko, you bewitched me! Ikaw ang pagsubok na binigay sakin nang panginoon na hindi ko tinalikuran at sinukuan.
Nakangiting ginulo ko ang buhok niya, kinagat ko ang ibabang labi at bumaba ang tingin sa tent na hindi pa nakatayo, wala namang masama kung.....galawin ko siya, tulog naman siya at hindi niya naman malalaman ang ginawa ko kapag dilat na mga mata niya. Napangisi ako at binitawan ang kamay niya tsaka hahawakan na sana ang gitna niya nang bumukas ang pinto kaya napaayos ako upo.
I cleared my throat, look who's here.
"Why are you here?" Taas kilay kong tanong "may nag imbita ba sayo dito?"
Inikutan niya ako ng mata at inilapag ang freshly picked flowers sa table pati na din ang iba't ibang mga prutas na nakalagay sa basket.
"Ex-girlfriend at kaibigan ako ni Flame kaya pwede akong bumisita dito kahit kailan ko gusto, bakit ka nandito? Hindi ka pa ba nadadala? Ayaw kang makita ni Flame" sinamaan niya ako ng tingin
"Nakapikit naman siya ngayon kaya wala akong nakikitang problema" kibit balikat kong sabi
"Umalis ka na, ako na ang mag aalaga kay Flame"
BINABASA MO ANG
Keeping Up With A Crazy Bottom(COMPLETED)
Ficción GeneralHorny he is... lusty he is.... A Crazy bottom loves to play trick and naughty things when he's on a mood, well let say he always in the mood, Montello De Cilio a naughty, horny crazy bottom meets the Quiet cousin of his friend. "Do you ever just loo...