Bumaba kaming lahat sa mini truck ni Grandpa at bumungad agad sa amin ang makukulay na banderitas na nakasabit sa tali na nasa itaas pati na din ang mga makukulay na payong na gamit gamit ng mga nagtitinda, fiesta dito sa bayan kaya nandito kami dito na din namin naisipan na kumain ng dinner dahil sabi ni Granny mas madami daw ang mga foodtruck, carinderia, tindang mga pagkain sa paligid.
Nakasuot ako ngayon ng pulang tshirt at itim na jogging pants na hiniram ko lang kay Flame, speaking of Flame....nakatayo siya ngayon sa tabi ko at karamihan sa mga nadaan sa harapan namin ay napapatingin sa kaniya, he's wearing a white polo na hindi nakabutones ang tatlo kaya kita ang dibdib nito at supt na kwintas, partner with a grey shorts, hiram lang din niya sakin yang suot niya.
Naka piggy back ride si Kwatro sa likod nito, para tuloy silang mag ama.
Bumalik ang tingin ko sa paligid, maraming mga tinda at palaro may mga rides din sa di kalayuan.
"Hold my hand" hinawakan ko ang kamay ni Flame "stay beside me, maraming tao baka mawala ka"
Ngumiti ako "eyes on me, maraming tao baka makahanap ka ng iba" ani ko
Nilingon niya ako
"Fuck, kaninong boyfriend ka?"
Hinampas ko ang braso niya at ngumuso, nakakainis talaga si Flame! Kapag babanata siya yung brief ko naluwangan, anakan mo ko President! Ora mismo!
Sinundan namin ang dalawang matanda dahil nauuna na at naghaharutan pa, may asim pa ang dalawa! Pumasok kami sa gate papasok sa mga rides at palaruan, 50 pesos ang entrance fee na si Flame naman ang nagbayad dahil siya ang nag volunteer na gagastos ngayong gabi sa lahat ng bibilhin at kakainin namin, malaki na nga ang alaga, gwapo na nga, makisig na nga, sugar daddy pa. Pak perfect talaga ako ng nadawit.
"Uncle Flame sakay tayo doon oh!" Tinuro ni Kwatro ang viking
"Aysus wag diyan" iling na sabi ni Granny "delikado"
Kakasabi palang ni Granny nun nang si Grandpa ay nakasakay na sa isa sa mga upuan ng viking at kumakaway pa samin, napatampal ako ng noo dahil malakas ang boses ni Granny na pinapababa si Grandpa, parang taong bundok si Granny!!
"Sasakay kami" binaba ni Flame si Kwatro "want to join?"
Umiling ako
"Papanoorin ko nalang kayong dalawa" niyakap niya ako at patakbo silang nagtungo sa viking at tinabihan si Grandpa
Dumami ang mga babaeng nanood ng magsimulang umandar ang viking, napaikot ako ng mata dahil rinig na rinig ko kung paano nila pagnasaan ang president ko. Sinagaw ni Kwatro ang pangalan ko ganun din si Flame at sabay na kumaway sakin, winagayway ko din ang kamay ko at kinuha ang phone na nasa bulsa at sinimulang kunan sila ng video at litrato.
Tumigil na ang viking, nakatikim si Grandpa ng palo at kurot kay Granny dahil sobrang nag aalala ito, sino ba naman ang hindi mag aalala kung itataas ba naman ang dalawang kamay habang nasa taas ka? Baka mamaya ay mahulog pa si Grandpa.
Maraming sinakyan na rides si Flame at Kwatro minsan ay sumasama din ako sa kanila para naman happy family.
Dalawang oras ang tinagal namin sa pagsasakay sa mga rides at paglilibot kaya naisipan na naming kumain, ako naman ngayon ang nagbabantay kay Kwatro at nasa loob kami ng isang sisig restaurant, hinihintay nalang namin ang order namin. Wala si Flame dahil may tumawag sa kaniya, malakas ang signal dito sa bayan buti nalang dinala niya yung phone niya.
BINABASA MO ANG
Keeping Up With A Crazy Bottom(COMPLETED)
Genel KurguHorny he is... lusty he is.... A Crazy bottom loves to play trick and naughty things when he's on a mood, well let say he always in the mood, Montello De Cilio a naughty, horny crazy bottom meets the Quiet cousin of his friend. "Do you ever just loo...