Months passed
"Kwatro, psst"
Nilingon niya ako at itinigil ang paglalaro sa aso nitong aspin na si Lito, nakangiti itong lumapit at hinawakan kaagad ang kamay ko, kwatro siya yung anak ni Angel yung kababata ni Montello simula nang ipinunta yung batang to dito umingay ang paligid at araw araw na siyang nandito kasama yung aso niyang puti, kami na nga nag aalaga sa batang to dahil yung nanay busy sa pag aayos ng papeles dahil mangingibang bansa siya.
Sinabi ni Montello na pagawan nalang niya ng Business ang kababata kaysa naman lumayo pa sa pinas at sa anak pero tumanggi ito kaya napagdesisyunan nalang ni Montello na kami na muna ang tatayong mga magulang ni Kwatro.
He's a nine year old kid, maagang nabuntis si Angel at namatay sa aksidente yung nakabuntis, tsk tsk tsk mga kabataan talaga ngayon, imbes na mag aral at tumulong sa mga magulang ay nabubuntis na at nakikipagtanan sa mga kasintahan.
Tinanan ko si Montello kasi alam ko na kaya ko siyang buhayin at pakain ng tatlong beses sa isang araw, lahat ng gusto niya maibibigay ko, kaya alam ko ang ginagawa ko.
"Saan si Uncle mo?" Tukoy ko kay Montello
"Galit pa din siya sayo, Uncle Flame." Pinakita nito ang hintuturo sakin at inatras abante "lagot ka"
"Nasaan siya ngayon?"
"Nasa bahay nila Lola Ros, Uncle Flame. Sabi ko kasi sayo may gusto yung teacher ko sayo eh tapos sabi ko pa magseselos si Uncle Montello kapag hinatid mo yung teacher ko pabalik sa school kaya ayan nagalit si Uncle Montello" ngumuso ito
Si Lola Ros ang nag utos sakin na ihatid ko yung teacher ni Kwatro pabalik sa school dahil masakit kasi ang paa nito, wala naman na din akong nagawa at hinatid na din. Hinatid ko lang naman, sinubukan nitong gumawa ng topic pero hindi naman ako nasagot at nagsasalita.
Pumitas ako ng yellow bell sa hardin ni Lola Ros at binigay kay Kwatro
"Ibigay mo yan kay Uncle Montello mo tapos sabihin mo na masakit yung ulo ko, hindi ko na kayang bumangon."
Napakamot ito sa buhok
"Pero Uncle Flame sabi mo bawal magsinungaling"
"Come on boy, ngayon lang. Bibilhan ko ng maraming pagkain si Lito---"
Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ng umalis na ito sa harapan ko, tumakbo ako papasok sa bahay namin ni Montello na dalawang linggo nang tapos gawin. Pumasok ako sa kwarto at ginulo ang buhok, humiga ako sa kama at tinapik tapik ang higaan hanggang marinig ko na ang mga boses nila kaya pumikit ako at nagkunyaring hindi maganda ang pakiramdam.
"Sabi ko po sa inyo eh, nagsasabi ako ng totoo" magaling magsinungaling tong batang to ah "masakit po ulo ni Uncle Flame"
Natawa ako sa kaloob looban ng maramdaman ang likod ng palad ni Montello na lumapat sa noo at leeg ko, amoy luya at sibuyas naman to! Sakit sa ilong! Marahan kong idinilat ang mata para maging kapani paniwala, nagtama ang mata namin, nakakunot ang kaniyang noo, pinigilan kong mapangiti dahil sa buhok nitong nakatali at may mga ilang hibla nang buhok na nakaipit sa likod ng tenga nito.
Damn, stunning.
"Ayan! Kakalandi mo yan!" Pagalit na sabi nito sakin
BINABASA MO ANG
Keeping Up With A Crazy Bottom(COMPLETED)
General FictionHorny he is... lusty he is.... A Crazy bottom loves to play trick and naughty things when he's on a mood, well let say he always in the mood, Montello De Cilio a naughty, horny crazy bottom meets the Quiet cousin of his friend. "Do you ever just loo...