Napamulat ako ng mata ng makaramdam ng kaluskos sa paligid, madilim ang buong kwarto kaya wala akong makita, kinapa ko ang ilalim ng unan at kinuha doon ang dagger na binigay sakin ni Christ and that dick is giving me this dagger knowing that sharp objects are not allowed here in Sanfabio? Pero dahil maganda naman ang rason niya kung bakit siya may patalim ay pinagbigyan ko na rin, hahayaan ko siyang may patalim na dala dala habang nasa loob ng unibersidad ko, kukunin ko kapag tapos na ang gusto kong tapusin.
Papalapit ang kaluskos, hindi ko na ito hinayaang makalapit pa sakin dahil kaagad akong tumayo at binuksan ang ilaw, napangisi ako nang tumakbo palapit sakin ang lalaking naka full body suit, tanging mata nalang ang kita, umiwas ako sa kaniya at tinapak ang isang paa sa drawer at ang isa naman ay isinipa ko sa kalamnan niya, he groaned.
Nakabawi kaagad ito ng lakas hinarap niya ako at tinaas ang kutsilyong hawak, iniwasiwas niya iyon sa hangin habang humahakbang papalapit sakin, ginagawa niya iyan upang hindi ako makagawa ng masama sa kaniya dahil once na lumapit ako baka madaplisan ako ng kutsilyo niya, umakyat ako sa ibabaw ng kama at bumaba sa kabilang side, napayuko ako ng ibato niya ang kutsilyo sa gawi ko na sumaksak sa wall.
That's a dumbest thing he do.
Sinipa ko ang likod ng tuhod niya ng makarating ako sa kaniyang likod napatukod ito sa cabinet, hindi ko na siya hinayaang makatakas, dinambahan ko siya dahilan ng pagkahiga naming dalawa sa sahig, nakalapat ang dibdib niya sa sahig habang ang likod niya ay nakaharap sakin. Sinubukan niyang makaalis pero naitali ko na nang mahigpit ang dalawa niyang kamay at itinali sa paanan ng kama.
Pagod na tumayo ako at tinignan ang orasan, akala ko multo lang ang nagpapakita pagsapit ng alas tres ng madaling araw
Pinakita ko ang cutter na kinuha ko sa loob ng cabinet, nakita ko ang panginginig ng katawan nito at panlalaki ng mata.
Napailing ako at hiniwa ang tumatakip sa kaniyang mukha
"Isa ka sa mga tauhan na pinadala ni Oscar" sabi ko sa kaniya
Bumukas ang pintuan at humihikab na si Christ ang pumasok at sinipa ang paa nung nakatali sabay bagsak ng katawan sa sofa.
"Ano ang ginagawa niyan dito?" Tanong niya sakin
"Akala ko ba umalis ka na?" Inis kong tanong
Ngumiti ito "nakatulog ako kakapanood nung action movie sa netflix" kibit balikat niyang sabi
Napa face palm ako bago pinantayan ng laki ang nasa sahig
"Sabihin mo kung bakit ka nandito" inilapat ko ang dagger sa pisngi nito "kung ayaw mong madagdagan nang laki ang bibig mo"
Natakot ito, lahat ba ng mga tauhan ng gunggong na yun ay mahihina? Sabagay mahina din naman ang leader nila.
"Kung ako sayo sinabi ko na, pangit ka na nga lang dadagdagan pa" Oscar said
Sinamaan ko siya ng tingin, kung siya kaya itali ko?
Isang linggo na niya akong ginugulo at walang paalam na pumapasok dito sa room ko
Ibabalik ko palang sana ang tingin ko sa kaharap ng may marinig kaming pagsabog, Christ and I both shocked and stand, tumawa yung nasa sahig at bigla nalang nawalan ng malay may lumabas na dugo sa kaniyang bibig at magtatangka na sana akong lapitan ito upang malaman kung ano ang nangyari ng hilahin ni Christ ang braso ko at nagtago kami sa likod ng sofa, tilian at sigawan ng mga estudyante ang dumagundong sa paligid at yumayanig na ang lupa dahil sa takbuhan nila.
BINABASA MO ANG
Keeping Up With A Crazy Bottom(COMPLETED)
General FictionHorny he is... lusty he is.... A Crazy bottom loves to play trick and naughty things when he's on a mood, well let say he always in the mood, Montello De Cilio a naughty, horny crazy bottom meets the Quiet cousin of his friend. "Do you ever just loo...