"Babalik din kami kaagad granny, grandpa" Montello blows them a kiss
Tipid kong tinanguan ang mag asawa at hinintay na makapasok sa loob ng mini truck si Montello na kanina ko pa hinihintay, bakit kailangan pa niyang maligo, mag ayos at pumili ng damit pupunta lang naman kami ng wet market.
Pumasok na ito sa wakas kaya pinaandar na ko din ang truck, habang nasa daan kami patingin tingin ako sa kaniya, may nilalagay siya sa mukha niya na hindi ko alam kung ano.
Maganda ang lugar na ito, peaceful. Kaso mahirap makasagap ng signal kaya baka mahihirapan akong makipag communicate sa Sanfabio, napakamot ako sa likod ng tenga, one way lang naman ang papunta sa wet market sundan ko lang tong daan na ito, inilabas ko ang siko ko at nilaro ang ibabang labi habang ang isang kamay ay nakahawak sa manibela.
"Okay na ba?"
"Hmm?" Nilingon ko si Montello
"Yung mukha ko maayos na ba?" Pinakita nito ang buong mukha sakin "ano?"
Nag thumbs up ako
Kalahating oras ang tinagal namin sa daan at nang makarating kami ay siya nanaman ang naunang bumaba hindi ako hinintay, nag park ako sa gilid at bumaba na din, pinaikot ikot ko ang susi sa daliri tsaka sumipol. Nang makalapit kay Montello hinapit ko kaagad ang bewang niya papalapit sakin, sabay kaming naglakad patungo sa loob ng wet market at nang makapasok halos nagsibalian ang mga leeg nila kakasunod ng tingin sa amin at ang iba pa nga ay sinusundan kami pero hindi naman lumalapit.
Thank god, im wearing shorts and not jogging pants dahil baka maputikan lang. Tumigil kami sa bilihan ng mga karne, nagsimulang pumili si Montello habang ako naman ay pinapanood ang mga taong bumibili sa iba't ibang bilihan, ang daming plastic na dala ang mga mamimili, may mga bata na may dala ding pinamili, gumilid ako nang may dumaan na cart, may lamang mga gulay na nakalagay sa transparent plastic.
"Boss, bilhin niyo na tong suman ko para makauwi na ako sa amin"
Napaatras pa ako sa gulat ng may bumungad na bata sa harapan ko.
Napangiti ako, naalala ko na mahilig si papa sa suman minsan pa nga ay nag uuwi siya ng suman sa bahay. Kinuha ko ang wallet sa bulsa at bumunot ng isang libo sabay bigay sa kaniya
"Boss wala akong barya dito, may mababa ka pa po bang halaga diyan?" Tanong nito sakin napapakamot pa ng ulo
Puro isang libo lang laman ng wallet ko, ayaw ba niya ng isang libo? Hindi ko naman sinabing suklian niya ako
"Sayo na"
"Talaga ba boss?" Tumango ako, kinuha ang plastic na may lamang sampung suman "salamat boss"
I hum and nod my head
"Akin na wallet mo" nakalahad ang palad ni Montello sakin
Nagtataka man ay inabot ko sa kaniya ang wallet ko, tinago niya iyon sa bag niyang dala
"Ubos kaagad isang libo mo ng isang segundo" inikutan niya ako ng mata "50 pesos lahat ng nabili mong suman, sa susunod pabaryahan mo muna yung isang libo"
Pinadala niya sakin ang mga pinamili, sunod na pinuntahan namin ay bilihan ng gulay.
"Napakagwapo naman ng mga binatang ito" malaki ang ngiti ng babaeng matanda samin, napangiwi ako dahil iisa nalang yung ngipin niya "ano ang bibilhin niyo?"
BINABASA MO ANG
Keeping Up With A Crazy Bottom(COMPLETED)
General FictionHorny he is... lusty he is.... A Crazy bottom loves to play trick and naughty things when he's on a mood, well let say he always in the mood, Montello De Cilio a naughty, horny crazy bottom meets the Quiet cousin of his friend. "Do you ever just loo...