"Victor, napabisita ka?"
I wear my aviator shades at pinasadahan ng tingin ang paligid puro kawayan ang nakikita ko, nandito kami ni Lolo Victor para bumili ng kawayan dahil magsisimula na kaming gumawang bahay, nag tapikan sila ng balikat, nagmano naman ako.
"Sino naman itong makisig at gwapo mong kasama?"
Punong puno na ako ng compliment sa lugar na ito
"Si Flame kasintahan ng apo ko" pagpapakilala sakin ni Lolo Victor sa kaibigan
"Nandiyan na si Monmon? Kailan pa dumating?"
"Si Monmon lolo? Nandito na siya?"
Napatingin ako sa isang babaeng tumakbo papalapit sa gawi namin, nakasuot ito ng malaking sumbrero, nakabistidang puti na may disenyong bulaklak. Pinasadahan niya ako ng tngin, kumaway at nagpakilala. She's Angel, sinabi sakin ni Lolo Victor na kababata daw nito si Montello, tumango lang ako.
"Dumating na yung apo ko dala dala ang kasintahan niya, eto oh si Flame" nilapat ni Lolo Victor ang palad sa likod ko "napaka gwapo diba?"
"Lolo Victor, paano yan? Hindi na kakalat ang lahi niyo? Sayang" malungkot na wika ni Angel
Kumunot ang noo ko, ayoko sa babaeng to.
"Wala na tayong magagawa, hindi natin mapipigilan ang dalawang taong nagmamahalan basta ang mahalaga mahal ni Flame ang apo ko" napangiti naman ako sa sinabi ni Lolo Victor "kukuha pala kami ng kawayan---"
Lumayo na sila Lolo Victor kasama ang kaibigan, i put my hands inside the pockets of my jogging pants.
-
May mga binatang naglagay ng mga nabilinh kawayan sa likod ng truck, pumasok na ako sa loob ng truck at inilabas ang braso, pumasok na din si Lolo Victor at sinimulan paganahin ang makina ng truck nang kumatok si Angel sa gilid at may dala nang basket na hindi ko alam kung ano ang laman dahil may nakatakip na pulang tela sa ibabaw, what did she want?
"Pwede bang sumama sa inyo? Gusto ko lang makita si Monmon" mahinahon niyang sabi
Tumingin ako sa likod ng truck
"Hindi ka na kasya" kibit balikat kong sabi "sorry Ms." Binaba ko ang suot na aviator shades at kinindatan siya "my baby is resting, bumisita ka na lang sa susunod na taon---araw"
Hindi niya ako pinansin, napaawang ang bibig ko at nilaro ang dila sa loob. What the fuck? Inis na umusog ako dahil sumiksik siya sa passenger seat, natawa si Lolo Victor at pumayag na din....nakasimangot ako buong biyahe lalo na at kapag nagdidikit ang balat naming dalawa, matigas din ang ulo neto. I don't want another Lopez version here, for pete sake i want peace with Montello!
Hindi na ako nakapasok sa loob ng kubo para sundan yung babae dahil walang kasama si Lolo Victor na magbaba ng mga kawayan, matapos ibaba ay nagsimula na kami, hinubad ko ang itim na sando at nagsuot ng sumbrero para umiwas kahit kunti sa sinag ng araw, naghanda si Lola Ros ng maiinom namin at inilapag sa lamesa dito sa labas ng bahay, pinunasan ko ang namuong pawis sa noo at tinapunan ng tingin ang bahay dahil hindi pa lumalabas si Montello para tignan ako.
Pinakinis muna namin ang kawayan, sa kalagitnaan ng ginagawa ay may tumawag kay Lolo Victor kaya naiwan ako dito mag isa. Tahimik na pinakinis ko ang mga kawayan hanggang matapos at tignan ang disenyong napag usapan namin ni Montello kagabi.
BINABASA MO ANG
Keeping Up With A Crazy Bottom(COMPLETED)
General FictionHorny he is... lusty he is.... A Crazy bottom loves to play trick and naughty things when he's on a mood, well let say he always in the mood, Montello De Cilio a naughty, horny crazy bottom meets the Quiet cousin of his friend. "Do you ever just loo...