44: Flame

3.2K 140 25
                                    

Students of Sanfabio, we gathered you here in the gymnasium dahil may kailangang sabihin si Mr. Sanista, magsiupuan na at tumahimik upang mapakinggan ng maayos ang mga sasabihin.





Binigay sakin ni Page ang Mic, hindi siya makatingin sa mga mata ko simula nang sabihin ko sa councils na ipapasa ko na sa pinsan kong si Diggy ang Sanfabio, walang may gusto sa desisyon ko ayaw nila akong paalisin kaya ang iba ay may pagtatampo sa akin, isang linggo na nang makalabas ako sa hospital at pinalipas ko muna ang dalawang araw bago sabihin ang plano ko.





Now im standing in front of all the students of Sanfabio, holding a Mic i cleared my throat and lick my lower lip.






Walang nag ingay, hinihintay na magsalita ako. Proud ako sa kanilang lahat dahil kahit na may nangyari kalahating buwan na ang nakakalipas parang nakalimutan kaagad nila at nagpapasalamat ako sa council, sa pinsan ko at kay Lopez dahil nagtulungan sila sa pag aayos ng unibersidad ko. Bumalik ako na maalis at maayos na ang lahat parang walang nangyari.





Tinapat ko sa labi ang Mic.






"Mahal ko ang unibersidad na ito ganun din sa mga estudyanteng nag aaral dito, wala akong ibang ginawa kundi panatilihin ang kalinisan at kaligtasan ng unibersidad at mga estudyante, sa ilang taon ko nang namamalakad nang Sanfabio ay hindi pumasok sa isip ko na umalis dito dahil nangako ako at itinatak ko sa bato na kahit kailan hindi ako bibitaw sa posisyon ko...dahil ang Sanfabio lamang ang tanging ala ala nang yumao kong lola, nangako ako sa kaniya na ipagpapatuloy at mas ipapatunog ko sa buong mundo ang Sanfabio. Ngunit kinain ko lahat ng sinabi ko"






Nawala ang ngiti ng mga estudyante, napalitan ng kunot noo, naghihintay sa susunod kong sasabihin.






"Sa buong buhay ko hindi na pumasok sa isip ko na maging masaya at makaramdam ng saya, hindi na din ako naghangad pa na may taong dadating sa buhay ko upang mahalin ako ng totoo at walang halong biro, hanggang sa dumating siya....., nabulag ako at laging sumisigaw ang puso't isip ko na kahit kailan hindi ako magmamahal dahil masakit magmahal at masakit maiwan, habang siya ay pilit na pumapasok sa buhay ko ako naman ay pilit siyang paalisin hanggang dumating sa point na hindi ko na siya nasasaktan emotionally but phisically."





Walang nagsalita, lahat ay nakikinig.






"Pinaalis ko siya sa Sanfabio pero yun ang pinaka malaking kasalanan na ginawa ko dahil nang mawala siya sa paligid ko nagsimula ang puso at isip kong hanapin ang presensiya niya hanggang lumipas ang mga araw napagtanto ko na mahal ko na siya, ang bilis eh...kapag nasanay ka sa presensiya nang isang tao ay mahihirapan ka kapag nawala ang taong iyon. Nasa harapan ko na yung magbibigay saya at mamahalin ako ng sobra pero tumagilid ako alam niyo kung bakit?"






Nagtaas ang ng kamay ang isang estudyante at tumayo.






"Kasi poor siya?" Ani nito






Umiling ako at natawa ng bahagya.






"Dahil natatakot akong madumihan ang pangalan ko at maalisin ng respeto, takot akong malaman niyong lahat na ang lalaking nasa harapan niyo ay nagmamahal ng kapwa niya lalaki" lahat sila ay napasinghap at nagbulungan "yeah, y'all heard what i've said, he's gay for me and im gay for him. Hindi ako aalis sa Sanfabio dahil lamang nagmamahal ako ng kapwa ko lalaki kundi dahil gusto kong magsimula nang bagong buhay kasama ang lalaking minamahal ko"






"Who is this guy?"







"Owemji, ship ko sila ni Ate Tea"






Keeping Up With A Crazy Bottom(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon