31: Flame

3.2K 150 38
                                    

"Mom! You can't do this! Hindi lang ang batang iyon ang apo mo, hindi pwedeng ipangalan mo sa kaniya ang unibersidad pati na din ang iba pang mga maiiwan mo, pinalit tayo ni Alfrado sa babaeng iyon, matagal na tayong iniwan ni Alfrado mom at hindi mo ba naalala na hindi sila maghahabol sa mana?" Galit na galit na sabi ni Tita Mit kay lola



Hindi ko din maiwasang hindi makinig sa pag uusap dahil malakas ang boses ni Tita Mit at iba pang mga anak ni Lola, nakakatakot ang tinging binibigay nila sa akin kapag nakikita ako minsan kapag wala si lola ay sinasaktan nila ako at ginagawang katulong.



"May mga kaniya kaniya kayong business at malalaki ang pumapasok na pera sa mga bangko niyo, unti lang ang maiiwan ko---"



"Unti? The Sanfabio University costs billions, bakit mo ipagkakatiwala yun sa batang iyon?" Tumayo si Tita Mit at napakahawak sa noo



"Dahil ba siya ang anak ng paborito mong anak, mom?" Tanong naman ni Tita Alfa



Ang mga lalaking anak ni lola ay nakikinig lamang sa pag uusap



"May tiwala ako kay Flame, hindi niyo na mababago pa ang isip ko." Tumayo si Lola kaya nagmamadali na akong tumakbo papunta sa garden at hingal na nagtago sa likod ng puno



Napahawak ako sa dibdib, sigurado akong kapag nakita nila akong nakikinig sa usapang matatanda ay papagalitan nila ako, ayokong magalit si lola sa akin.



"Flame!" Napaatras ako sa gulat ng makita si Bishop na pawisan at hila hila ang braso ni Diggy




Hindi ako ngumiti ng lahadan nila ako ng laruan




"Mukha kang masungit na hindi" sabi ni Chord at kinuha ang kamay ko sabay lagay doon ang laruang baril "parehas kayo ni Bishop!"




Tukoy nito sa ampon nila Tito Road, nakasalamuha ko na din si Bishop ng kaarawan ni Chord pero katulad ko ay hindi siya ngumingiti at hindi din palasalita, magalang ito kapag kinakausap ng matatanda at matalino.




"Masungit si Flame!" Ngumuso si Diggy "pero kamukha siya ni Tito Alfrado"




Ganun din ang sinabi sakin ni lola ng maiuwi niya ako dito sa kaniyang malaking bahay, kamukhang kamukha ko daw si papa, nakita ko din ang isang frame na may mukha ni papa ng bata pa siya at totoo nga na magkahawig kaming dalawa.




"DIGGY, COME HERE!" sigaw ni Tita Mit sa anak




"Nakikipag usap pa ako kay Flame eh" umatungal si Diggy




"With who? This kid?!" Tinuro ako ni Tita Mit "hindi ba't sinabi ko na sayo na huwag kang lalapit sa kaniya?"




"Mommy, lola said bad ang tinuturo mo sakin" tumakbo si Diggy papalayo kay Tita Mit




Napangiwi ako ng bumaon ang kuko ni Tita Mit sa aking braso




"Don't come near my son! You dirty kid! You don't belong here!" Sigaw nito sakin




"Dad, Tita Mit is abusing my cousin" sumbong ni Chord kay Tito Road na kukunin na din ata ang anak upang umuwi




"Mit" tawag ni Tito Road sa kapatid




"Argh!"





Dabog na umalis si Tita Mit kaya napayuko ako upang tignan ang braso, may marka ng kuko niya don at namumula na din ang braso ko.




Keeping Up With A Crazy Bottom(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon