30: Flame

3.2K 132 25
                                    

"Mama, nasasaktan po ako"


Hawak hawak ko ang kamay ni mama at pilit na inaalis ang pagkakasabunot niya sa likod ng buhok, she's drunk.


"Dahil sayo! Dahil sayo nawala ang papa mo! Ikaw nalang sana ang nawala!" Sigaw nito sa pagmumukha ko at sinampal ako ng malakas "may gana ka pang tumawa at ngumiti ngiti sa mga kaibigan mo habang ako dito ay umiiyak dahil sa pagkawala ng papa mo!"


"Aray ko mama" tinakpan ko kaagad ang dumugong tuhod ng tinulak niya ako dahilan ng pagkakagasgas ng tuhod ko sa sahig "p...pinilipit ko lang naman mama na sumaya dahil gusto kong m...makita----"


Napatakip ako sa tenga ng ibato niya sa gilid ko ang bote ng alak


Kinagat ko ang ibabang labi upang hindi lumabas ang aking hikbi, akala ko ay kapag nakita ako ni mama na masaya at nakangiti ay gagaan kahit papaano ang kaniyang loob dahil ganun naman siya noon, kapag may problema siya ay tatawagin niya ako at hahaplusin niya ang pisngi ko at kapag nakita niya ang ngiti ko mawawala ang mga problema niya. Silang dalawa ni papa, masayang nakikitang masaya ako.



Hindi ko din naman gusto na mawala si papa, lahat ng taong nakapaligid sa akin ay ako ang sinisisi, at habang tumatagal sinisisi ko na ang sarili ko at unti unting tinatatak sa isipan na ako talaga ang dahilan ng pagkawala ni papa kung hindi sana ako nagtungo sa pinagtatrabahuan nito at kung sana ay hindi ako nakialam sa away ni papa at ang katrabaho nito buhay pa sana si papa.



Papa saved me, ako sana ang sasaksakin ni katrabaho ni papa ngunit si papa ang sumalo nun at diretso sa puso.



Ang huling sinabi ni papa sakin ay huwag kong sisihin ang sarili ko.



Nagbago na si mama, lagi nalang niya akong sinasaktan at lagi nalang siyang umiinom.




-



"Mama, saan ka pupunta?" Inaantok na nagmulat ako ng mata ng maramdaman ang mga kaluskos sa paligid



Nakita ko si Mama na nakasuot ng manipis na tela at pulang pula ang labi



"Mama?"



Natakot ako ng samaan niya ako ng tingin




"Ayokong naririnig ang boses mo Flame!" Tili nitong sabi "itikom mo ang bibig mo dahil baka masaktan kita!"



Nanginginig na tinakpan ko ang bibig gamit ang dalawang palad at pinanood si mama na lumabas, nang marinig ko ang gate na bumukas doon na ako bumaba sa kama at nagsuot ng tsinelas, tahimik kong sinundan si mama, ilang minuto bago ito tumigil sa paglalakad at sumandal sa poste kaya nagtago agad ako maya maya pa ay may isang lalaking lumapit kay mama na naninigarilyo



Nanlaki ang mata ko ng halikan nito si mama



"Mama...." bulong ko sa sarili



Tumawa si mama ng halikan nung lalaki ang leeg nito



"Ano ba, baka makita tayo dito...." ang tono ng boses ni mama ay ibang iba, hindi ko na makilala pa ito


Hindi pinakinggan nung lalaki si mama at patuloy pa din itong hinahalikan, umupo ako sa lupa at pinunasan ang luha na tumulo sa pisngi dahil naalala ko kung gaano kamahal ni mama si papa at kung gaano sila ka sweet sa isa't isa.



"Pokpok pala ang mama mo, ewww"



"Sabi ng mama ko huwag daw akong makipagkaibigan sayo dahil malandi daw ang mama mo"



Keeping Up With A Crazy Bottom(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon