Fuck, fuck, fuck! Fuckers!!!
Paulit ulit kong sinipa ang upuan na nasa loob ng torture room ng malaman na may tumulong sa Oscar na iyon na tumakas at ngayon ay hindi na siya mahanap pa at wala na din siya dito sa loob ng university! Magagaling ang nagpatakas sa Oscar na iyon planadong planado dahil walang hirap nilang pinatulog ang mga bantay pati na din si Page
Chineck ang CCTV footage at hindi naman sila sa gate lumabas ngunit halos lahat ng CCTV camera ay sira at sila ang may kagagawan, kapag nahawakan ko ni isang hibla ng kanilang buhok sisiguraduhin kong ni parte ng kanilang katawan ay walang matitira, im going to fucking kill them all! Ahhh tangina!
Umupo ako sa upuan na nasa dulo at pinipilit na ikalma ang sarili, nakayuko sa harapan ko si Page kasama ang mga black guards humihingi ng pasensiya dahil sa nangyari, wala na eh kahit anong gawin nila, kahit na umiyak sila ng dugo hindi na maibubura na nakatakas na.
"Boss---"
Kinuha ko ang baso na nasa harapan at binato iyon sa pader dahilan ng pagtigil nito sa pagsasalita
"Ano na ang mangyayari sa mga susunod na araw kung mga wala naman pala kayong kwenta?!" Sigaw ko "be fucking alert!"
"President, nahulog to ng isa sa mga tumakas kay Oscar" lumapit sa akin si Page at pinakita ang pin na kulay berde at may nakaukit doon
Tumawa ako ng malakas at tumayo tsaka lumabas ng torture room, nakasunod sakin si Page at pinakakalma ako, pasipa kong binuksan ang pintuan ng clinic at ng makita ko siya ay mabilis ko itong nilapitan, kinuwelyuhan at pinasandal sa dingding, napatingala ito at napapikit pikit pa dahil sa mahigpit kong pagkakakwelyo
May humawak sa braso ko pilit ako nitong pinalalayo ngunit sinamaan ko lang siya ng tingin at tinulak papalayo sa akin, napangiwi ito ng tumama ang kaniyang tagiliran sa kama.
"B....Bitawan m...mo a....ako, S...Sanista" nahihirapan niyang sabi
"Flame, bakit?" Nagising si Tea at gulat ng makita ang nangyayari
Pinakita ko kay Lopez ang nasa palad ni Page
"Ibigay mo sa akin yung kasamahan ni Oscar! Logo niyo to diba?! Don't try to stab me from behind Lopez, ibigay mo sa akin lahat ng nagpatakas sa Oscar na iyon!" Mas idiniin ko siya sa dingding
Pinalo palo nito ang kamay kong nakakwelyo parin sa kaniya dahil nahihirapan na itong huminga, nakikita na ang ugat nito sa leeg at sintido, namumula na din ang mukha
"Ano ba!"
Napabitaw ako kay Lopez ng itulak ako ni Montello, tinulungan nito si Lopez na umupo sa gilid ng kama, kinuyom ko ang kamao ko, namuo nanaman ang galit sa akin kaya ilang beses kong sinuntok ang pader, fuck! Fuck!
"Ano bang nangyayari sayo Flame?!" Sigaw ni Tea
Kinuwento ni Page ang lahat lahat pati na din ang banta ni Oscar sa Cafeteria, pinakita din nito kay Lopez ang pin at inamin nito na logo nga nila iyon pero hindi magagawa ng kaniyang mga estudyante ang pagpasok dito sa loob ng Sanfabio upang itakas ang isang estudyante
"Nalaglag yan ng isa sa mga estudyante mo Lopez, nakakapagtaka naman na nasa loob yan ng torture room---"
"Sanista!" Tumayo si Lopez upang pantayan ako "torture room? Gago ka ba? Mahigpit na pinagbabawal na magpalagay ng torture room sa bawat unibersidad!"
BINABASA MO ANG
Keeping Up With A Crazy Bottom(COMPLETED)
General FictionHorny he is... lusty he is.... A Crazy bottom loves to play trick and naughty things when he's on a mood, well let say he always in the mood, Montello De Cilio a naughty, horny crazy bottom meets the Quiet cousin of his friend. "Do you ever just loo...