"Pare, hanep ka talaga. Hindi ka pa din pumapalya sa pagiging 3 pointer." sabi ni kaibigan kong si Zac.
Kakatapos lang naming maglaro at kasalukuyang nagpapalit ng tshirt at umiinom ng tubig ang ilan.
"Buti pa nga ang ring, lagi kang nakaka-shoot. Paano naman iyang alaga mo? Nilulumot na." humagalpak ng tawa si Aaron, ang babaero sa grupo.
"Ewan ko sa inyo. Basta ang alam ko magkaiba tayo." Sabi ko nalang.
Tama nga naman si Aaron. Kung akala ng ilan na wala nang lalaking birhen sa edad na 19, nagkakamali sila. Ako, inaamin kong hindi pa ako gumagalaw ng babae. May sarili akong paniniwala na mahalaga ang bagay na iyon at hindi basta-basta ginagawa sa kahit sino lang.
Lumapit si Macoy sa amin, ang Team Captain ng grupo. "Kinakantyawan mo na naman si Pareng Naldo. Ibahin mo toh. Hindi ito katulad mo na kahit bakla, pinapatos."
Nagkatawanan ang lahat.
Iyon din ang pagdating ni Laila na may bitbit na supot.
"Kung makapagsalita kayo parang ang linis. Sino nga ba yung kahalikan ni Hulyo na Hulia na sa gabi, nung nakaraang araw sa likod ng gym?" pakamot-kamot ito sa baba na kunwari may bigote.
Katahimikan.
Bilang bestfriend,Sakin lang iyon sinabi ni Lucas.Alam ko na ginawa niya iyon dahil sa pagkagipit at pambayad niya iyon sa pagbukas ng pasukan.
Paano iyon nalaman ng gagong ito?
"Aba, sino yan Aaron ha? Akala ko ikaw lang ang mahilig sa bakla dito."usyoso ni Laila na girlfriend ni Lucas.
"Hindi mo alam? Si-"
"Ako. Ako yun." nakatingin silang lahat sa akin.
"One night stand lang at tinry ko lang naman."
Halatang hindi sila makapaniwala basi sa mga mukha nila. Nagtatanong din ang mga mata ni Aaron at parang natanggalan ng tinik si Lucas.
"Akala ko pa naman iba ka Naldo." tumalikod sa amin si Macoy saka umalis.
"Di ka pa nagkakagirlfriend at bading pa talaga nakapagDevirginize sayo?" di makapaniwalang saad ni Leo. Ang matahimikin sa grupo.
Yumuko lang ako at ipinagpatuloy ang pagligpit ng pinagbihisan ko.
"Ayos lang yan. Makakalimutan din namin yang issue na yan."Tinapik ako sa balikat ni Zac bago ito umalis.
Nagsialisan na sila at kaming tatlo nalang nina Lucas at Laila ang natira.
"Naldo, hindi ako naniniwala sa'yo."panguna ni Laila.
"At bakit?"
"Nafefeel ko lang. Hindi ka kasi ganoong klaseng lalaki.May pinagtatakpan ka ba?"
Lagot!
Ang bilis talaga ng radar ng babaeng toh."Wala naman. Maniwala ka nalang." sabi ko sa kanya.Binalingan ko si Lucas."Pare, mauna na ako."
BINABASA MO ANG
First Love kong.. Aswang?
Ficção AdolescenteMay isang dalagang bagong salta sa bayan ng Mapayapa. Maraming nagkakagusto sa taglay niyang kagandahan at kaputian ngunit nagimbal ang lahat nang may nakapagsabing isa itong aswang. Bulong-bulungan man ito sa buong bayan ay hindi iyon hadlang upan...