a/n: Ginanahan talaga akong mag-Update, !
Kaya ito na. Di ko na papatagalin.___________________________________________
Napatingin ako sa kausap ni Dad at bigla namang nahulog ang panga ko sa pagkagulat. Kinusot ko pa ang mga mata ko upang siguraduhin na hindi ako nag-iilusyon at siya nga ang nasa harapan ko.
Tinignan ko si Dad.
"Dad, pakikurot." sabi ko sa kanya habang nilalahad ang right arm ko. Hindi pa naman ako tanga para ipakurot ko ang isang braso kong may benda.
Kinurot niya naman ako't napahiyaw sa sakit. Grabe naman ito makakurot namumula pa ang braso ko.
Huminga ako ng malalim saka humarap.
NANDYAN PA DIN SIYA, may hawak na bouquet at may benda ang ulo. Hindi din siya pumangit ng konti kahit may pasa ang mukha niya. Gwapo pa din.kaya sinugod ko siya ng yakap....
kyaaaahhhhhh...!!!
Syempre sigaw ko lang yun sa isip ko. Nakakahiya namang sumigaw talaga. Eecho lang."Aray aray .. dahan-dahan lang. Masakit pa." daing nya.
Binitawan ko naman siya saka sinuntok ng bahagya sa braso.
"ARAY!! Grabe ka. Iyan na ba ang bagong bati ngayon?"
"Ewan ko sayo!!!" pagmamaldita ko.
Akalain niyo nagdrama pa ako kanina, yun pala buhay pa siya.
Halos nagmukha na akong baliw sa kakaiyak. No, let me rephrase that.. Halos mabaliw na ako sa kakaiyak! Kung inatake ako sa puso, may Sam pa ba siya? Kainis lang ha."Wag ka nang magalit. Narinig ko naman iyong sinabi mo kanina eh."
"Wala akong sinabi."
"Narinig ko din iyon." sabat ni Mommy na nasa bandang likuran na ni Naldo. May pa-ngit ngiti pa ito.
"Guni-guni mo lang iyon Mom."
"Narinig din namin eh." Biglang lumabas sa silid ang mga kaibigan namin. Iyon yata ang silid na ginamit ko kanina.
Tinapunan ko sila ng masamang tingin.
"May kasalanan pa kayo sakin!!"Naghands up naman sila.
"Si Aaron may sabi nun." sabi ni Phoem.
"Tinulungan ko lang si Naldo ah. Hindi pa siya handa eh. " pangatwiran nito.
"Anong hindi handa?"ok, naguguluhan na naman ako.
He smiled ."I wanna surprise you.. Nauna kasi akong nagising kesa sayo.. May ihahanda sana akong sorpresa Kaya lang tumawag si Leo sakin at sinabing gising ka na daw kaya dali-dali akong nagbihis at nagpabili ng bulaklak kay Mylie. Pero naunahan mo pa rin ako kaya nagdahilan nalang sila."
"SINONG MYLIE?" tanong ko.
Humagikgik naman si Dad. "Selosa."
Tumawa naman silang lahat."tss. ewan ko sa inyo." Binalingan ko ulit si Naldo"Sino nga?"
"Sa hinaba ng explanation ko, iyon lang napansin mo?" umiiling pa siya na parang hindi makapaniwala.
"Edi wag kang mag-explain." magwa-walk out na sana ako ng pinigilan niya ko sa braso.
"Ang init ng ulo mo. Halika ipapakilala kita." hahawakan nya sana ako sa braso pero umilag ako.
BINABASA MO ANG
First Love kong.. Aswang?
JugendliteraturMay isang dalagang bagong salta sa bayan ng Mapayapa. Maraming nagkakagusto sa taglay niyang kagandahan at kaputian ngunit nagimbal ang lahat nang may nakapagsabing isa itong aswang. Bulong-bulungan man ito sa buong bayan ay hindi iyon hadlang upan...