Dumidilim na nang kumonti ang mga taong bayan sa paligid ng mga rumesponding bombero sa nasusunog na bahay. Nanatiling nakatulala si Manang habang hinapuhap ko ang likuran nito.
"Maaari po nating sampahan sila ng kaso. Hindi makatao ang ginawa nila." Panimula ko.
"Ija, Mahiram nga ang telepono mo. Tatawagan ko si Senyora."
Inabot ko sa kanya ang cellphone ko at nagsimula siyang magdial ng numero.
"Hello, Senyora. Si Lucia po ito."
Humagulhol si Manang. "Sinunog po ng ... ng taong bayan ang bahay... si... nasa... " humikbi ito ng ilang ulit kaya kinuha ko nalang ang phone ko.
Sinenyasan ko si Manang na ako na ang magpapaliwanag.
"Hello po. Ako po si Jovie, kaibigan ni Sam. Ikinalulungkot ko po pero...." humugot ako ng malalim na hininga." Nang sunugin ng mga tao ang bahay niyo ay nasa loob po si Sam. "
Ano??! Are you serious? W-why? How could that be possible?!
sabi nito sa kabilang linya."Im sorry po pero...... wala na po ang kaibigan ko. Ang anak niyo. Mas mabuti pong pumunta kayo dito upang maliwanagan kayo."
M-my daughter is not d-dead ! I'LL CALL MY LAWYER !
saad nito sa garalgal na boses."Hindi po ako ang kaaway ninyo dito. Ang pamilyang Santos po ang may kagagawan."
You dont know anything. I'll be there as soon as possible.
Iyon lang at binaba kaagad nito ang tawag.
Kawawa naman si Sam. Oo, inaamin ko na nagduda din ako sa pagkatao niya simula nung nakita ko siyang may pinahid sa katawan niya na parang langis at takot siya sa dugo pero kahit kelan, hindi naman niya kami sinaktan. Sapat na iyon para pagkatiwalaan ko siya at ituring na
kaibigan.
____________________________________________
Kasalukuyan kaming naglalakad sa malawak na kagubatang napasukan namin. Hinahanap yata niya ang lagusan palabas.
Tahimik lang naman akong sumunod sa kanya."Hindi ka ba natatakot sa akin Naldo?"
Nilingon niya ako."Bakit naman ako matatakot sa iyo?"
"Aswang Ako. Diba iyon ang isinisigaw nila?"
Biglang umihip ng malakas ang hangin.Narinig ko sa labas ng bahay kanina na nagwawala ang isang matandang lalaki. Inaswang ko daw kagabi ang anak niya.May narinig akong balita kanina, may buntis daw na namatay kagabi. Iyong dalagang nakasalubong ko kagabi ba ang tinutukoy nila?
Kung ganon nga,pati buntis ginalaw ng mga walang hiyang kampon ng kadiliman na iyon.
"Hindi ako naniniwala."
"Talaga?"
Mas lumakas ang ihip ng hangin.
"Oo."
"Naldo, bakit ba ang tigas ng ulo mo. Mapapahamak ka lang sa ginagawa mong paglapit sa akin."
Tumigil siya sa paglalakad. "Wala akong pakialam kung ano ka, basta mahal kita. Maniwala ka."
Ilang beses na niyang sinabi na mahal niya ako at sa ilang ulit na iyon, laging tumatalon sa kaba ang puso ko.
Mahal ko nga talaga siya."Alam mo, maaari kitang kainin ngayon din."pananakot ko sa kanya.
Nagpatuloy siya sa paglakad."Edi gawin mo, wala na ring silbi ang pagkabuhay ko kung para naman akong namamatay sa sakit sa pagpapalayo mo sakin."
Tigas talaga ng ulo.
"Dumidilim na Naldo. Maiiwan mo na ako. Mapapahamak ka lang."
"Pati ba naman sa ganitong sitwasyon Sam? Kung sa tingin mo ay ipagtatanggol ka ng mapapangasawa mo, sana nandito siya. Sana hindi ka niya hinayaang mag-isa."
Lalo akong naguilty.
"Hindi sa ganun.""Eh ano? Hindi kita maaaring iwan magisa dito. Kung gusto mo talagang lumayo ako sayo, lumuwas ka ng maynila. "
"Ano?!"
"Safe ka dun. Nalalason na ng mga Santos ang utak ng taong bayan."
"Hindi maaari."
"Anong hindi maaari?"
Hindi ako makasagot.
Ngayon ko ba sasabihin ang totoong dahilan?
Handa na ba akong balikan ang pangyayaring pilit kong kinalimutan?"Tapatin mo nga ako Samantha, may alam ka bang hindi ko nalalaman?"kunot noo nitong tanong.
May narinig akong agos ng tubig kaya kaagad ko itong hinanap habang nakasunod sa likod ko si Naldo. Dinala ako ng aking mga paa sa isang ilog.
Naghilamos ako bago umupo sa tabi.
"Hindi mo pa ako sinasagot." Basag ni Naldo sa katahimikan.
Nakikita ko mula sa tanglaw na liwanag ng buwan ang nalilitong anyo nito.
Sasabihin ko na ba?
_____________________________________
Maraming Salamat po sa pagbabasa.
Leave a Vote and comment po.-yangyang
BINABASA MO ANG
First Love kong.. Aswang?
Novela JuvenilMay isang dalagang bagong salta sa bayan ng Mapayapa. Maraming nagkakagusto sa taglay niyang kagandahan at kaputian ngunit nagimbal ang lahat nang may nakapagsabing isa itong aswang. Bulong-bulungan man ito sa buong bayan ay hindi iyon hadlang upan...