EPILOGUE

1.8K 67 12
                                    

"Baby , tahan na."

Patuloy pa rin sa pag-iyak si Baby Lyle. Ewan ko ba kung paano toh patatahanin. Kung nandito lang si Naldo siguradong kanina pa ito tumahimik. Sabi nga nila para siyang isang baby whisperer. Yung alam nya kung paano at ano ang gagawin sa baby na umiiyak.

Sinayaw-sayaw ko na, nagmake-face nako, kinantahan ko na... Ano ba ang gusto nito?


Waaahh. uwaahhh..!


Oh my.. Ang ingaaaayyy.. Nakakaiyak na to.

Insakto namang pumasok si Mommy sa silid ko.

"Anak, ano ba yan. Kanina pa iyak ng iyak yan ah." kinuha nito si Baby Lyle.

"Ooh.. " hinalikan nito ang noo saka hinawakan ang tiyan.
"Anak naman, gutom na siya oh. Magtimpla ka ng gatas, bilis."


Dali-dali naman akong nagtimpla ng gatas nya at inabot kay mommy.


"Aray!" hiyaw ko kasi naman po, binatukan ako ng magaling kong nanay.

"Bakit mainit yan !?? Papatayin mo ba si Lyle?!"



I snatched the bottle from her and put a single drop on my finger. Aray. Mainit nga. Hinaluan ko naman ng cold water pero nasobrahan yata ng init.



uwaaahh...

uwaahhh..



Patuloy lang sa pag-iyak ang bata habang nagtitimpla ako ulit ng insaktong temp at inabot kay mommy.

Nakahinga ako ng maluwag nang tumigil sa pag-iyak si Lyle at seryosong ininom ang gatas.



"You should learn, anak. Malapit ka nang magkaroon ng sariling pamilya. Paano nalang kung wala ako?" sabi ni mommy habang hinihele si Lyle.

"Eh andyan ka pa naman po eh." sabi ko sabay peace sign.

Umiling nalang siya."You're still my baby Sammy." she smiled. "PERO MAGMATURE KA NA ANAK." madiin na sabi niya.


"Oo na po. Pasensya na."


Hindi nagtagal ay dumating sina Naldo kasama si Lucas at Laila.


"Tulog ba?" tanong ni Lucas nang sumenyas ako na wag mag-ingay.

Yumango ako.

Sinilip nila si Lyle sa crib.

"Ang cute naman ng baby ko." sabi ni Lucas.

"Oo nga eh. Buti nalang at nandito si Mommy at napatahan nya yan. Iyak ng iyak kanina." sumbong ko dito.

Tatlong buwan na si Lyle, anak nina Lucas at Laila. Sila talaga ang nagkatuluyan . Ako nga yung bridesmaid nung kasal nila.

Tatlong-taon na simula nung nakalabas kami sa ospital ni Naldo. And it also means na 3rd Year Anniversary namin today pero... nalimutan yata ni Naldo yun kasi umalis pa siya kasama sina Laila at Lucas dahil may emergency meeting daw sa hotel kung saan sila nagtatrabaho ngayon. I understand naman. Hindi naman makitid ang utak ko.



Pero yung kahit greet lang, WALA ? :(


Tinawag na kami ni Mommy, handa na daw ang lunch. Bumaba naman kami agad pero nang nasa sala na kami, pinigilan ko siya sa braso bago makasunod sa mag-asawa.

"Uhm, Naldo..."Panimula ko.

He just gave me a questionnable look.

I have to ask him. Hindi maaaring nakalimutan na nya yun. Hindi na ba nya ako mahal?

First Love kong.. Aswang?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon