2:30 na nang madaling araw pero hindi pa rin ako makatulog.
Natatakot ako.Natatakot ako sa taong iyon.
Bakit pa kasi sa dinami-dami ng babaeng minalas, ako pa!
Oo, inaamin ko, maganda ako. I can't deny , lakas ng ebidensya eh.
hahaha. At may panahon pa akong tumawa sa isipan ko. Lintek na utak.
Nakakasira ng future toh.Nabulabog ako sa aking pag-iisip nang may narinig akong sirena ng ambulansya na kasunod naman ng sirena ng patrol ng pulis.
Kaagad akong nagsuot ng roba at bumaba para tignan kung anong meron. Sinundan ko kung saan huminto ang ambulansya.
Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko ang mga katawan na nakahandusay sa sahig na wala nang buhay. Sht* Ang daming dugo.
Marami na ring mga tao ang nakiusyoso.
"Manang, ano pong nangyari?" tanong ko sa isang ale.
"Hit and run daw ang sabi. Nakainom kasi iyang tatlo ng mabundol ng kotse pero ang ipinagtaka namin, bakit nawawala ang ibang lamang loob nila." sabi nung ale na nangdidiri na nakatitig sa mga bangkay.
"Kinuha po ang mga lamang loob?"
Tumango ang ale.
Kinabahan man ako , pilit kong lumapit sa kinaroroonan ng mga bangkay at nakita ko nga na lasog na ang mga katawan at parang kinatay ng halimaw ang tiyan dahil wala na itong ibang lamang loob maliban sa bituka.
Hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Parang nasa isang panaginip lang ako kaya para makatiyak, dahan dahan akong yumuko saka nilapit ang dalawang kamay ko sa dugo na dumanak sa daan.
malapot at mainit pa ang dugo.
DUGO !!! ???
Realization struck me kaya dali-dali akong naglakad palayo at umuwi na sa bahay.
_____________________________________
NALDO'S POVMadaming tao sa labas pero isa lang ang nakita ko mula dito sa itaas ng bubong.
Nang makita niya ang mga bangkay ay kaagad siyang tumakbo pauwi. Lalo tuloy akong nagduda kung bakit kakaiba ang reaksyon niya sa tuwing may nadidisgrasya o disgrasya nga ba?
Tinawagan ko ang cellphone niya pero ring lang ito ng ring kaya minabuti kong puntahan nalang siya dahil nag-aalala nako.
Ilang sandali ay nasa harap nako ng pintuan nila nang marinig ko ang boses niya sa loob.
"Bakit kasi.. tanga mo naman ! Sinabi na ngang wag pero... ughhh.!! Why does it have to be like this? Baki-"
Naputol ang sinasabi niya nang may nasagi akong plorera.
"Sino yan?!" Sigaw niya.
"Ako ito, si Naldo. Ayos ka lang ba?"
"A-ayos lang naman ako. Makakauwi ka na."
"Pwede ba akong pumasok?"
"Hindi.! Hindi pwede. M-matutulog na k-kasi ako." Parang may kaba niyang saad.
"Sige, aalis na ako." Wala akong magawa kaya umuwi na lamang ako kahit na marami akong katanungan.
Sumapit ang umaga ay mugto ang mga mata ko dahil sa kakulangan ng tulog. Iniisip ko pa din kung bakit iba ang reaksyon niya. Nag-aalala ako sa kanya. Baka may dinaranas siyang problema.
BINABASA MO ANG
First Love kong.. Aswang?
Teen FictionMay isang dalagang bagong salta sa bayan ng Mapayapa. Maraming nagkakagusto sa taglay niyang kagandahan at kaputian ngunit nagimbal ang lahat nang may nakapagsabing isa itong aswang. Bulong-bulungan man ito sa buong bayan ay hindi iyon hadlang upan...