18

1.4K 49 1
                                    

Mahina ang katawan ko. I can feel how tired my body is. Mabuti nalang at parang komportable ako sa paghiga.

PAGHIGA??!

Minulat ko ang mga mata ko at blurry pa ang paligid. All i can see is white.
White ceiling, white walls, white table, white blanket.

Am i in a hospital?





"Sam?"
"Gising na si Sam. Tawagin nyo si Doc."
"Ayos ka lang ba?"
"Are you okay Dear?"
"May masakit ba?"





Thats what i hear as i scan the room. I see my Mom and my friends but my eyes are looking for someone.

"Si Naldo?"



Natahimik naman silang lahat.




"Asan si Naldo?"pag-ulit ko at nagkatinginan lang sila.




Then realization hit me, galing kami sa gubat. Carlos supposed to shoot him but i intervene. I was shot.
I scan myself. I remove the covers at nakita ko naman agad na may bandage sa may balikat ko.

Sa balikat pala ako natamaan.




"Dear, how are you feeling?" my mom hug me.

"Im fine mom, but my body is weak."


She looked at me with pity. "Dont worry.Tapos na ang kasamaan ni Carlos anak. He is totally out of our lives. He is now in his cell. That's where he belong. Pareho lang sila ng Tatay niya na may masamang budhi."

I smiled a bit. Atleast may good news akong narinig maliban sa lahat ng nangyari. He deserve it. Sa lahat ng ginawa niya, dapat ay silya elektrika siya pinaupo. Kung sana ibalik lang ang parusa na iyon.




"Where's dad?"



"He is on his way. Nandito siya magdamag at binantayan ka.Kanina lang ay may emergency meeting kaya napilitan siyang umattend." my mom explained.

I look behind her and saw my friends.
Lumapit sakin si Jovie.




"Ayos na ba ang pakiramdam mo?"she asked.

"Medyo. Nanghihina lang. Si N--"



She cut me off. " Alam mo bang nasolve na ang kaguluhan sa bayan natin. Nagsampa na din ng kaso ang pamilya ni Linda kay Carlos."




"I guess, hindi na makakalabas pa ng kulungan ang hayop na yun sa patong-patong niyang kaso." sabi naman ni Lucas.



"Mabuti nga iyon babe at mabulok siya sa kulungan!" sabi naman ni Laila na nakakapit kamay pa sa nobyo. Ang sweet lang talaga nila.



"Alalang-alala kami sayo, alam mo ba iyon. Akala ko talaga nandun ka sa loob ng bahay." sabi naman ni Aaron.




"Marunong ka palang mag-alala." Phoemela rolled her eyes in disbelief.




"Hoi, bakit? Hindi ba kita tinadtad ng text tuwing gabi ka na makakauwi sa kakagala mo? Hindi ba kita tinatawagan kung ayos ka lang ba? Hindi ba--"



Tinakpan ni Phoem ang bibig nito."Oo na, oo na. Ang Oa na."


Napatawa nalang kami sa dalawa.


"Akala namin wala ka na. Kawawa nga si Manang Lucia dahil iyak siya ng iyak habang nakatanaw sa bahay niyong nilalamon ng apoy." sabi ni Jovie.


"Asan ba siya?" tanong ko. Nasa labas nga pala siya ng bahay nung nagkasunog.


" Nagpapahinga. Stressed out siya at baka tumaas ang BP niya kaya pinahinga muna namin." sabi ni Macoy.

First Love kong.. Aswang?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon