3rd PERSONS POV
"Oh, saan ka pupunta anak?" Tanong ng Tatay niya nang akmang bubuksan niya ang pinto.
"Lalabas lang po, nagutom po kasi ako bigla."sabi nito habang hinimas himas ang tiyan.
"Magpasama ka sa kapatid mo."
"Wag na po,masarap na ang tulog nila. Kaya ko na ito Tay."
"Sige, magiingat ka anak."
Ngumiti si Linda bago lumabas. Habang naglalakad siya papunta sa isang 24/7 na bakery ay nadaanan niya ang ilang mga tambay.
"Linda! Ang ganda mo talaga. Inom tayo." Sabi ng isang lasing.
"Hindi po ako umiinom." Mahinang sabi ng dalaga.
"Gago! Buntis iyan. Papainumin mo?" Sabi naman ng isang matandang kainuman nito.
"Sino ba bumuntis sa iyo Linda ha? "
"Akala mo kung sinong inosente. Iyon pala, bumuka na ang mga hita. HAHAHA" Sabi ng isang mas bata sa grupo ng mga tambay.
Pinalibutan siya ng mga ito.
"Masarap ba Linda?" Tukso nung unang lasing.
"Malaki ba ang t***? HAHAH" kutya pa ng isa.
"Sample naman diyan .."
Nagsimula nang umiyak si Linda nang dumating si Sam.
"Tigilan niyo nga iyong bata."
Humalakhak naman ang isa."Bata? Eh marunong na nga iyang gumawa ng bata !"
Hinablot ni Sam si Linda at dali-daling nilisan ang lugar.
"Maraming salamat po."sabi ng bata.
"Sa susunod, wag kang umalis ng bahay ng mag-isa."
Tumango ito.
Ihahatid sana niya ito sa bahay nila ngunit tumanggi ang huli. Binigyan na lamang niya ito ng pamasahe pang tricycle para di na madaanan ulit ang mga lasenggo na iyon.
_____________________________________
"Anak, nabalitaan mo ba?" Tanong sakin ni Nanay habang naghuhugas ako ng mga pinggan. Minabuti ko kasing wag munang pumasok ngayon dahil masakit ang buo kong katawan. Lalo na ang puso ko.
"Ang alin po?"
"Namatay si Linda kagabi. Inaswang daw."
"Si Linda, iyong batang nabuntis po?"
"Oo anak. Sabi ng mga pulis, pinagsamantalahan daw pero sabi ng mga tao ay inaswang daw ito. Wala na kasing laman ang sinapupunan niya anak. Diyos ko, ano bang nangyayari sa bayan natin."
"Kawawa naman po si Linda."
"Talaga lang anak! Nakita pa daw siya ng mga tambay pasado ala una ng madaling araw, bumili daw ito ng pandesal. Nitong alas 7 ng umaga lang natagpuan ang katawan niya na tinapon sa dagat."
"Walang puso naman ang may gawa nun."
"Talaga ! " with action pang sabi ni Nanay.
"Teka lang anak, matamlay ka ata?"
"Masakit lang ang katawan ko Nay." Humiga ako sa sofa matapos kong makapaghugas.
Manonood sana ako ng telebisyon ng biglang umingay sa labas.
PALAYASIN ANG ASWANG !!
UMALIS KA SA BAYAN NAMIN!!!Lumabas kami ni Nanay at nakita naming nagmamartsa na may hawak na itak si Mang Roger, ang ama ni Linda , kasama ang dalawang anak nitong lalaki na may dalang gallon ng gas. Tinatahak nila ang daan patungo sa bahay ni... ni Sam?
Kaagad akong sumunod at pati na rin ang mga usyuserong nasa likod ko.
"WALANG HIYA KA! PINATAY MO ANAK KO!" patuloy na sigaw ni Mang Roger.
"Roger, wala tayong proweba!" pagkakalma ni Manang Lidia, ina ni Linda. Pilit niyang humarang sa dinadaanan ng asawa't anak niya.
"TUMABI KA LIDIA! Baka ikaw ang mapatay ko!" Nakakatakot ang anyo ni Mang Roger kaya umalis nalang si Manang Lidia.
Nasa harapan na sila ng bahay ni Sam nang lumabas si Manang Lucia.
"Anong kaguluhan ito Roger?""Ilabas mo iyang alaga mong Aswang, Lucia!"
"Maghinay-hinay ka sa pananalita mo Roger. Masama ang magbintang."
"May nakakita sa kanya Lucia, na kasama si Linda. Siya ang huling kasama nito kagabi."
"wala kang proweba , hindi mo masasabing may kinalaman si Samantha sa nangyari sa anak mo."
"Simula nang dumating iyan sa bayan na ito Lucia, nawawala ang mga alagang hayop namin dito at natagpuan ang ilan na wala nang buhay sa ilog. Nang umalis iyan ay natahimik ang bayan natin ngunit nang bumalik siya, natagpuang naaksidente ang mga tambay sa kanto at ngayon naman ay ang anak ko !!" Mahabang paliwanag ni Mang Roger.
"Ako'y nagdadalamhati sa iyong kawalan Roger. Pero hindi naman tama na isisi niyo ito sa alaga ko."
Hindi nako nakinig sa usapan nila nang sinimulang buhusan ng gas ng anak niya ang malaking bahay. Pumunta ako sa likod at umakyat sa veranda.
"Naldo! Ano bang nangyayari sa labas?!" Balisang tanong ni Sam nang makita niya ako.
Hindi ko inaasahang nandito siya."Hindi ka pumasok?"
Yumuko lang siya.
"Mamaya ko na ipapaliwanag. Sumama ka sa akin, ngayon din.Kunin mo ang mga mahahalagang bagay."
Kumuha siya ng bag at pinasok lahat ng importanteng gamit niya.
Inalalayan ko siyang makababa sa likod bahay at insaktong lumiyab ang kabuuan nito nang lumingon kami.
"Oh my !"
"Tara na Sam!" Hinila ko siya papalayo.
Takbo kami ng takbo hanggang sa makarating kami sa gubat.
_______________________________________________
JOVIE'S POV
Kaagad akong umuwi nang tinawagan ako ni Macoy na nagkakagulo sa labas ng bahay ni Sam.
Naabutan ko na nagliliyab ng apoy ang malaking bahay at patuloy na umiiyak si Manang Lucia habang sumisigaw ang mga kababayan ko nang "PATAYIN ANG ASWANG!"
Naguguluhan man ako ay kaagad kong hinanap si Naldo sa Nanay niya pero hindi nito alam kung saan ang huli.
Ano bang nangyayari dito?!
"Jovie! Nasaan si Naldo?" Tanong sakin ni Macoy.
"Hindi ko alam."
Nakita ko si Aaron kaya agad kong dinaluhan."Si Sam,pumasok ba siya ngayon?"
"Hindi eh."
"Wag mong sabihing nasa loob si Sam?!" Garalgal na sabi ko.
"Diyos ko ." Hindi makapaniwalang saad ni Macoy.
Patuloy sa pagiyak si Manang Lucia kaya nilapitan ko siya.
"Manang""Si Samantha. Nasa loob siya!" Humagulhol ito."Wala siyang kasalanan. WALA ..."
"Alam ko po. Alam ko." Naiyak na din ako sa nangyayari.
___________________________________________________
Vote and Comment po.
Maraming salamat !
-yangyang
BINABASA MO ANG
First Love kong.. Aswang?
Genç KurguMay isang dalagang bagong salta sa bayan ng Mapayapa. Maraming nagkakagusto sa taglay niyang kagandahan at kaputian ngunit nagimbal ang lahat nang may nakapagsabing isa itong aswang. Bulong-bulungan man ito sa buong bayan ay hindi iyon hadlang upan...