Babe, i'm leaving
I must be on my way
Pinindot ko ang next button.
All my bags are pack
and i'm ready to go
I'm standing here
outside you're do--Uurrgghh....
Pinindot ko ulit.
Paalam na, aking mahal
Kay hirap sabihin
Paalam na, aking mahal
Masakit isip---
Yan! Yan bagay sa'yong radyo ka!
"Anak! Bakit mo pinokpok iyang radyo ko? Inutusan lang kitang i-on hindi gibain!" Lumapit si Nanay sakin saka sinipat ang radyo niya."Buti nalang hindi nasira.Ano bang problema mo?"
"Walang hiya kasi yang radyo mo 'nay.Lahat ng kanta nagpapaalam." kinuha ko ang bag ko at sinabit sa balikat.
"Oh? Eh ano ngayon kung ganon? Bitter lang nak? Bitter?"
"Nay? Ikaw po ba yan? Nag-evolve ka ata."
"Iyon ang mga naririnig ko sa mga teleserye na pinapanood ko eh.Walang basagan ng trip nak."
Napanganga ako sa mga sinabi ni Nanay.Parang sinaniban ng makabagong henerasyong multo eh.
"Umalis ka na nga 'nak at na-BBV ako sayo."
"Ano Nay?" kunot-noo kong tanong sa kanya.
"BV as in BadVibes.Nako anak, san planeta ka ba galing ha? Alis na baka ma-late ka pa."
Pinagtabuyan nako ni Nanay kong Hightech na magsalita.
Nang naglakad ako papuntang terminal ng jeep hanggang sa makasakay ako at hanggang sa bumaba ako sa harapan ng CW ay nakatunganga lang ako.Hindi pa rin kasi ako nakaka-recover sa pag-alis ni Sam. Akala ko pa naman binibiro niya lang ako nung sinabi niyang aalis siya for good. Tatlong buwan pa lang simula nang magkita kami pero parang kay tagal ko na siyang kilala. Kagaya din ngayon, isang linggo na nang huli ko siyang makita pero parang ilang taon na.
Na-mimiss ko siya.Wala akong ibang iniisip kundi kung bakit siya umalis. Anong nangyari? Akala ko pa naman may pagkakaunawaan na kami.Bakit di siya nagpaalam? Bakit?
"Hoy,Ronaldo Santillan!" Bumalik sa kasalukuyan ang isip ko. Nasa harapan ko pala si Aaron.
"Pare naman. Isang linggo ka nang ganyan."
malungkot ang anyo nito.
"Na-mimiss ko lang siya."sabi ko.
Inakbayan niya naman ako."Kaya mo yan pare."
Papunta na sana kami ng classroom nang marinig ko ang pangalan ni Sam.
"Samantha Suarez nga ang name nun."sabi nung isang babae.
"Oo. Siya nga. Isipin mo, simula nang dumating siya dito, maraming mga hayupan ang nawawala at ang iba ay natagpuang patay sa kagubatan. Imposible namang magnanakaw ang gumawa nun." sabi naman nung isang babae na maarte at nasa 5 flat ang height.
"Oo nga noh? Tapos nabalitaan ko din na nagkapasa si Manang sa mukha at sa sikmura, yung care taker ng bahay niya?" sabi naman nung isa pang babaeng kulot.
BINABASA MO ANG
First Love kong.. Aswang?
Novela JuvenilMay isang dalagang bagong salta sa bayan ng Mapayapa. Maraming nagkakagusto sa taglay niyang kagandahan at kaputian ngunit nagimbal ang lahat nang may nakapagsabing isa itong aswang. Bulong-bulungan man ito sa buong bayan ay hindi iyon hadlang upan...