Hinabol ko ang aking Girl of my Dreams.
Napalinga-linga ako ng hindi ko na siya makita."Sam?!!!"sigaw ko.
Pero parang mahina lang kaya sisigaw na sana ako ulit nang may dumapong maliit na bato sa ulo ko. "Aray"Tinignan ko kung san galing ang hayup na batong iyon.
And VOILA! There she is.
"Dito oyy!! Ambagal mo!" kumaway-kaway pa siya.
Nakalusong na pala ito sa tubig. Hindi ko man lang napansin dahil sa dilim. Sinundan ko siya.
"Salamat ha."bungad niya sakin ng nasa tabi na niya ko.
"Saan?"
"Sa kanta mo kanina, sa pagimbita sakin, sa pag kaibigan mo sakin, sa lahat-lahat."
"Ano ka ba naman, para ka namang namamaalam niyan."biro ko sa kanya pero nanatili itong seryoso ang mukha."Mamamatay ka na ba?"
"Hindi."
Kung hindi siya mamamatay, malamang..."Aalis ka?"
Tumango siya.
"For good?"
Tumango ulit siya.
Sheyt. Di ko alam anong sasabihin ko. She's going to leave. Ano ba dapat ang sasabihin ko? Ayokong umalis siya. Kakasimula pa lang ng love story namin tapos magiging The End na? Kay saklap mo naman tadhana.
"STAY." tanging nasambit ko.
Tinignan niya ako ng mataman."Give me a reason to stay."
A reason for her to stay?
Ang school! Ay, gago. Madaming mas marangyang school kaysa samin.Uhmm, her friends! Bago pa lang din niya silang nakilala. Ano ba? Tsk."Actually.Ako."
"Ikaw? Bakit ikaw?"
"Because..." because what Naldo? Gumagana na naman ang pagkatorpe mo! "Because...."
"Because what?"
"I like you." There i said it! Wooohh! Im so proud of myself! Nasabi ko din.
Inaasahan kong maiiyak siya tapos yayakapin niya ako at sasabihing 'i like you too'.Pero....
Tumawa ito ng tumawa."ACTING LANG." Ginaya pa si John Lloyd!
Ibig sabihin hindi totoo na aalis siya?
"Ayaw mo pala talaga akong umalis.Napaamin pa kita! Huliiiii..." She splashed me with water.
I splashed her too.Akala mo ha!
Naisahan niya talaga ako dun.Nagsabuyan lang kami ng tubig nang may humablot sa shorts ko.Paglingon ko, ang mga mukha nina Aaron at Zac ang tumambad sakin.
Teka, san sila dumaan? Hindi ko napa-"Aaahh--shblsivdlfjsihckdo"
Hindi ako makahinga.Pinagtulungan nila akong hablutin sa tubig at tinanggal nila ang shorts ko.Kahit anong pagpumiglas ko, wala talaga akong magawa kasi dalawa sila. Bye bye shorts.
Nang makaahon ako napansin kong nakangisi ang dalawa habang umuubo ako.
"Skinny dipping pre." sabi ni Aaron.
"Anong skinnydi--.. Wala kayong saplot?" lumaki ang mata ko.
"Wala.Dare namin toh eh.Kaya shorts lang kinuha namin sa'yo."sabi naman ni Zac.
BINABASA MO ANG
First Love kong.. Aswang?
Ficțiune adolescențiMay isang dalagang bagong salta sa bayan ng Mapayapa. Maraming nagkakagusto sa taglay niyang kagandahan at kaputian ngunit nagimbal ang lahat nang may nakapagsabing isa itong aswang. Bulong-bulungan man ito sa buong bayan ay hindi iyon hadlang upan...