2

3.1K 72 1
                                    

NALDO'S POV

"Kuya, asdfj*£wrty*+$asfskl"

Ano ba yun? Kainis naman oh.Ang sarap pa ng tulog ko.

"KUYAAAA!"

Napabalikwas ako ng bangon. Hindi dahil sa sigaw ng makulit kong kapatid kundi dahil pinalo niya ang pwet ko.

"Ano ba Mylie?"

Nagpout ito."Magluto ka na nang sunny side up egg.Gutom na ako kuya."

Nilingon ko ang wall clock. 09:30 na pala ng umaga. Kaya pala gutom na tong batang to.

"Nasan ba kasi si Nanay?"

"Nagpapamasahe.Masakit daw kasi ang likod niya."

Kaagad akong bumaba matapos kong ligpitin ang hinigaan ko. Nadatnan ko si Nanay sa sala na...

Na may...

KAHALIKAN.  O.O


Pero joke lang ... ^_^

Hinihilot lang ni Mang Jose ang likod ni nanay.

"Anak, nakapagsaing na ako. Ikaw na muna ang magluto ng agahan. Tinanghali din ako ng gising eh.Ang sakit ng likod ko."

"Opo nay."


"Pumunta ka mamaya sa Colegio de Watty at magpa-enroll ka na.Nagpadala ang Tatay mo kahapon ng pera."

"Salamat naman po.Sa lunes na kasi ang pasukan. Kamusta daw si Tatay?" pumunta ako sa kusina at nagsimulang magluto. Kita lang naman ang sala kasi walang debisyon iyon.


"Ayos lang naman siya.Tumaas na din ang sweldo niya sa Saudi dahil sa loyalty award na natanggap niya. Almost 25 years na din ang tatay mo sa kompanya eh."

"Namimiss ko na si Tatay, Nay" sabi ni Mylie na nakaupo't naghihintay sa ulam.

"Uuwi din ang tatay niyo sa Pasko."

Nakita ko ang pagkagalak sa mata ni Mylie.Last niyang nakita si Tatay nung 6 years old pa siya ngayon 8 na siya. Sa wakas kompleto ang pamilya ko sa pasko.Every two years kasi umuwi si Tatay.At lagi siyang wala sa holidays.


"Yeeeyy! Makikita ko na din ulit si Tatay kong kalokalike ni Peter Westwick!" tumili pa ito.


"Sino naman yang wetsik na yan?" Tanong ko.


"Kuya, its Westwick.Kamukha mo din kaya si Ed Westwick.Yung nasa Gossip Girl na laging pinapanood ni Ate Jovie."

"Esesearch ko yan sa google pagmay time." sabi ko nalang. Ang dami kasing alam ng batang to.

"Talaga! Kaya nga patay na patay sa'yo si Ate Jovie eh."


Oo nga pala.Si Jovie, ang kababata ko.
Isa pa yun sa problema ko.
PagGraduate namin ng highschool, ipinagtapat niya na may gusto siya sa akin. Hindi ko naman iyon kayang tumbasan kasi bilang kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya.Hanggang ngayon naghihintay pa din siya sa akin kaya NBSB din yun.


Marami namang nanliligaw sa kanya pero hinihintay niya pa talaga ako.Ayoko lang siyang saktan kaya hindi ako pumayag sa gusto niyang i.try namin kahit isang linggo lang na relasyon.


Mabuti na nga lang at nagbakasyon iyon sa Cebu kaya hindi ako naiistorbo sa buong summer.


First Love kong.. Aswang?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon