10

1.4K 46 0
                                    

Aaron's POV

"Hello Hon? San ka ba?"


Basta! Dami mo namang tanong. Bilhin mo na lang yun NOW NAAAAA.


"Eh bakit ba kasi ako? Ikaw nalang.Sasabayan kita."

Emergency nga eh tapos ako pa pabibilhin mo?!


"Hon, may kamay ka naman. Yan naman ang gagamitin mo pambili eh."

Ah ganun? !!!!
Ayaw mo talagang bilhin?!!!!
Sige.! Wag ka nang tumawag ev-

"Edi hindi na."


Leche ka ! Simpleng bagay lang, hindi pa magawa. Bakla ka talaga! BAKLA BAKLA BAKLAAAAAA!!!!


Aba. Ano daw?
Ako ? Bakla??
Ibang usapan na yan.

"OO na. Bibilhan na kita basta bawiin mo yung sinabi mo."

Ayoko.

"Bawiin mo."


Bilhin mo muna saka ibigay sakin saka ko babawiin.


Lintek. Napaka-wais talaga.


"Oo na hon. Wait a minute."

Pagmamakaawa effect ko pa.


Wala akong magawa kundi pumunta na sa tindahan sabay sabing...
"Pabili po nang whisper with wings isa."


Sheeeeeettttt!!!
Kakahiyaaaaa..

Chic pa naman ang tindera. Langya talaga oh.
FOR THE FIRST TIME IN MY LIFE.


"Eto po kuya oh." sabi nito sabay pigil ng tawa.

Seeeeee..??
Nakakatawa talaga itong ginagawa ko.


"Bakit ka tumatawa?!" asik ko sa kanya.


"Ang cute lang kasi kuya. Swerte ng gf mo at binilhan mo siya."


"Cute cute ka dyan! Hassle nga eh. Kainis. Urgh!" umalis nako habang bitbit yung napkin.


Ano? Dala mo na ba?

May kausap pa pala ako sa kabilang linya.

"Oo.San ka ba?"

Sa Ladies Room sa left building.

Kaagad kong tinungo ang Ladies room na iyon. Nasa bandang dulo iyon ng building malapit sa garden.

Habang naglalakad ako panay ang tingin ng mga studyante sakin. Ano bang problema nila? Wala namang dumi sa mukha ko ah.Ganyan na ba ako kagwapo?


Kinatok ko ang pinto ng CR nang nasa harapan ko na ito.


"Hon? Ikaw ba yan?"


"Oo."


Bumukas ang pinto pero tanging kamay lang niya ang lumitaw. "Akin na"

First Love kong.. Aswang?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon