Dinaanan ko si Sam kanina sa bahay niya at nadatnan siyang nageempake.Susunod nalang daw siya kaya nagpalitan kami ng cell number.Text niya nalang daw ako.Yeahboy! Hindi ko na kailangang humingi ng num at magdahilan kung bakit ko ito hinihingi.Gabi na at nasa bahay na pala ko ngayon ni Lucas at tinutulungan siyang maglagay ng bedsheet kasi magsi-sleep-over daw ang gustong magsleep-over dito. Wooohh.. sounds exciting! Parang kaming lahat ang may anniversary. Eh gusto kasi nitong ungas nato na kakaiba daw, kasi itong mahal niya ay ang kanyang "Kakaibabe". May hawig kasi siya kay Donnalyn Bartolome, yung kumanta ng kakaibabe na naging hit? Kay swerteng Lucas. Hindi kasi taga dito si Laila, nagbakasyon lang iyon kasama ang tiyahin nito last last year.Ilang buwan ng makilala nito si Lucas,nagdesisyon ito na dito mamalagi at magtayo ng sariling negosyo.
Grabe nga ang lovestory nitong dalawang toh.Para kasi silang langit at lupa.Si Laila, mayaman,maganda, nakapagtapos ng BS in Management at model sa isang sikat na clothing line.
Si Lucas naman ay isang ordinaryong taga Mapayapa,may hitsura naman,wala nang Ama, may dalawa pang nakababatang kapatid, at ngayon ay nasa last year na siya ng kolehiyo. Mag-Ojt na nga ito sa Sun Sweet Resort sa susunod na linggo.
"Pare, lalagyan ko pa ba nito? Hindi ba baduy?"untag sakin ni Lucas na may dala-dalang maliit na basket na puno ng talulot ng rosas.
"Hindi ah. Romantic pa nga nun eh. E-scatter mo lang mabuti sa sahig hanggang sa labas tapos wag na candle lights, itong mga lantern nalang ilagay mo sa paligid para kakaiba naman."
Sumingkit ang mata nito."This is weird.Humihingi ako ng advice sayo na hindi ka pa naman nagkakagirlfriend."
Ouch. Sige na. Ako na. Ako na ang NGSB!
"Below the belt yun ah!" ginulo ni Macoy ang buhok ni Lucas.
"Wala nga yang girlfriend pero baka dahil dito magkakaroon na."kantyaw pa ni Aaron.
Nagsidatingan na pala ang mga ungas kong kaibigan.
"Aba, hindi ko yan alam ah." umupo si Macoy sa rattan na upuan at pinatung ang dalawang paa sa isa pang silya.
"Hindi mo alam kasi lagi kang busy sa opisina mo dun sa munsipyo.Tignan mo nga ang hitsura mo, Lolo ka na nga yata namin eh." sabi pa ni Zac na dahilan para mapatawa kaming lahat.
Si Macoy ang kuya-kuyahan namin since siya ang pinakamatanda sa grupo. Mas experienced at mas maraming alam na hugot.
"Alam ko na, pinupormahan mo ba iyong bagong lipat?"sabat ni Leo na nanahimik lang pala sa gilid.
"Hindi. Final. Period."
"Kung ganun, ako nalang ang poporma." nagmaniac face pa si Aaron.
"Subukan mo lang.Gugulpihin kita." pinakitaan ko nga ng kamao ko. Sinasabi na nga ba at may pagnanasa itong ungas nato.
"Ooooowww!!" sabay sabay pa nilang sigaw.
"Binabakuran na.Hindi pa nga pumoporma. Mukhang iba magkagusto itong Naldo natin mga pre." sabi ni Macoy.
"LAKAS TAMAAAAA!!" kantyaw ni Aaron.
Ako yata ang nasa hotseat ah. Bakit ako? Lagi nalang ako!
"Bakit ba ako ang laging kinakantyawan nyo?"
Pinagtinginan tuloy nila ako.
"Kasi ikaw lang ang walang Lovelife!" sabi ni Zac saka inakbayan ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/36907871-288-k549970.jpg)
BINABASA MO ANG
First Love kong.. Aswang?
Teen FictionMay isang dalagang bagong salta sa bayan ng Mapayapa. Maraming nagkakagusto sa taglay niyang kagandahan at kaputian ngunit nagimbal ang lahat nang may nakapagsabing isa itong aswang. Bulong-bulungan man ito sa buong bayan ay hindi iyon hadlang upan...