17 (part 2)

1.3K 39 1
                                    

a/n:  Pasensya po sa late update.
Busybusyhan ako sa school. Pasensya talaga. :*  .

Eto na. UUD na ako. Sana magustuhan niyo.

______________________________________



Naputol ang kasabikan namin sa isa't isa nang sabay kaming napalingon.

He clapped his hand sarcastically.
"Wow. Ang sweet naman. Ikinalulungkot ko pero hindi maaaring may happy ending ang kwento niyo."


"CARLOS!"may pagkasuklam kong saad.




"ooohh.. I really love the way you say my name honey. I get aroused." sabi niya sabay sa malademonyong ngiti niya.

"Ano bang kailangan mo?!" Sigaw ni Naldo.

"Alam mo Santillan, matagal nang umiinit ang dugo ko sa iyo. Para kang linta na sunod ng sunod sa Sammy ko."


"Sarili mo yata ang tinutukoy mo!"


Tumawa ito ng pagak." Fyi, hindi ko siya sinusundan. Pinapasundan ko siya! Know the difference stupid."


"Lubayan mo na ako Carlos. Wala kang mapapala sa akin."pakiusap ko.

"Sammy deary, what Carlos wants, Carlos gets. Nakatsamba ka lang nang makatakas ka sakin nung gabing iyon pati na nung sumalakay ang mga pulis. But this time honey, hindi ka na makakatakas pa."


Lumabas bigla ang mga tauhan niya na nagtatago sa likod ng mga puno. Halos 30 katao ang pumapalibot sa amin.

"Naldo..." tangi kong saad. Napahawak ako sa braso niya.

Ito na ang kinatatakutan ko. Sana lang dumating na sila.

Sumalakay bigla ang mga tauhan ni Carlos.
Kapag may lumapit ay susuntukin niya ito at isa isa naman silang tumaob.Nasa likuran nya lang ako at pilit na lumalaban sa mga lumalapit sakin.


"Halika dito" sabi nung isang goon na lumalapit sakin.

May nakita akong sanga ng kahoy kaya hinampas ko iyong pangit na goon at natamaan ang ulo nya sabay bagsak sa damuhan.


"Galing naman ng Sam Ko." Puri ni Naldo sakin.


"Naldo!!" Sigaw ko nang may susuntok sana sa kanya sa likuran pero buti nalang at nakailag siya. Kinuha nya ang sanga sa kamay ko at hinampas dun sa goon.



"Aaahhhh" i struggled nang niyakap ako mula sa likuran nung isang goon.Binuhat niya ako palapit kay Carlos. Pinagtulungan nila akong itali sa puno.


Sasagipin sana ako ni Naldo pero hinarangan siya ng lima pang goons at pinagtulungang bugbugin. Naaawa ako sa lagay ni Naldo nang napaluhod siya sa bugbog na natamo sa katawan. Sinipa pa rin siya ng mga walang awang goons nang sumigaw ako't umiiyak.



"Tama na !! Tama na !! " humikbi ako at pilit na kumuha ng hangin. Sumisikip ang dibdib ko. " Maawa ka Carlos. Ako ang kelangan mo kaya wag mo na siyang idamay!"



Sinabunutan ako ni Carlos. Kitang-kita ko ang galit sa mata niya.



"Kapag sinabi kong Akin ka lang. AKIN KA LANG ! "





He's crazy.


Hahalikan niya sana ako pero sinipa ko ang bayag niya kaya napahiyaw siya sa sakit at hinawakan ang gitnang bahagi niya.


"FUCK! YOU BITCH ! " sinampal niya ako ng kay lakas kaya naglabo bigla ang paningin ko.


"Hinding-hindi ako magiging sayo." Kalmang pagkasabi ko habang dahan-dahang kumawala sa tali.


Malabo pa rin ang paningin ko pero kitang-kita ko ang pagkuyom ng mga palad niya.

"Dalhin niyo sakin ang hayop na yan!" Saad niya sa mga tauhan na may hawak kay Naldo.

Nang makalapit sila ay napagmasdan ko ang hitsura niya. Putok ang mga labi, duguan ang ulo at hinang-hina ito.


I need to get off this fuckn rope. Konti nalang.



"Santillan. Ang lalaking bwesit sa buhay namin ni Sammy. Hindi ka namin kailangan kaya mabuti pang mawala ka na." Sabi ng hayop habang naglakad ng paikot kay Naldo. Nakayuko lang ang huli.

"Carlos, gagawin ko ang lahat. Wag mo lang saktan si Naldo." Pakiusap ko.

Malapit na.



Humalakhak ito ng parang demonyo. "Parang teleserye lang noh? Nakaka-touch. Ngunit hanggang dito lang ang estorya nyo." Sinipa niya sa tiyan sa Naldo kaya napalukot ito sa sakit.


"WAG !! CARLOS MAAWA KA NAMAN."



"You know me Sammy. Wala akong awa."
May binunot siya sa likuran niya at nagulat ako sa hawak niyang baril.




Dinampi niya ito sa pisngi ni Naldo.
"Say your last words."




"M-mahal... k-kita .., Sam"

Humalakhak na namang muli si Carlos at dumistansya kay Naldo.





Ito na ang pagkakataon ko.





He pointed the gun at him kakalabitin niya na ang gatilyo ng humarang ako at narinig ang malakas na putok ng baril.

Then it went black.


______________________________________________

Short ba?

Part 2 kasi eh. Babawi ako sa next chapter. :)

-yangyang

First Love kong.. Aswang?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon